Nitong mga nagdaang araw napapansin kong lagi akong napupuna ni papa.
Showing posts with label Si Ka-Roger. Show all posts
Showing posts with label Si Ka-Roger. Show all posts
23 November 2012
20 October 2012
Bente for richer for poorer
Kaninang umaga pag gising ko, hindi magkanda ugaga si mama maghiwa ng mga iluluto ni papa kaya tinulungan ko siya. Tinanggalan ko ng gilid at dulo yung Bitswelas ba yunh?? o baguio beans? d ko alam eh. Tapos habang nag hihiwa siya kunausap niya ko.
mama: Mon alam mo ba binilihan ako ni papa mo ng Pantalon.
ako: Oh talaga? me pera siya??
mama: oo nakakuha siya diba yung sa bonus niya sa pension.
ako: magkano??
mama: tag bebente lang, (sabay ngiti)
ako: (may kumurot sa puso ko) Wow naman eheheh..
mama: tag isa kami.
ako: ahh partner.
Nung mga oras na yun, ang laki ng tanong ko sa sarili ko, bakit naging ganito kami?? dati magara yung mga damit namin. Hindi bumibili si mama ng walangk! (signature) Pero dahil nga nawalan na ng trabaho si papa dahil nagsara yung kumpanyang pinapasukan niya, eh naging ganito na kami. Hindi ko nga halos lubos maisip kung pano na kami pag dating ng panahon. Kaya nga gustong gusto ko na makapagtapos ng pagaaral para naman mabili ko yung gusto nila mama at papa. Haist.
03 October 2012
Happy Birthday Papa!
Gabi nanaman, Simula nanaman ng araw ko. Hindi nanaman ako makakatulog. Ano pa nga ba? Eh di tamang tingala lang habang inaantay na dumating yung oras na sumikat na ang araw. Bale bukas seminar pa naman namin sa manila ulet. Sana magising ako ng maaga. 8:30 ang start eh. At ang isa pang pinoproblema ko aya kung panu pumunta dun. Hindi kasi ako pamilyar kapag pa monumento ang daan. At isa pa ayoko ng balikan yung mga panahon ko sa mga lugar dun. May masama akong alaala dun lalo na san agustin bus ang sasakyan. Naku!!
Maiba ako, Birthday na ni karoger sa monday pero bukas ang punta ng mga pamliya dito sa bhay. Isang magulong bahay nanaman ang aking dadatnan pagkauwi ko galing sa seminar. 65 na si erpats. Nalalapit na yung panahon na kinakatakutan ko. Pero ayokong isipin kasi na papraning ako. Kanina nga habbang pinagmamasdan ko siya habang kalong yung pamangkin ko, Kitang kita ko na yung pagkulubot ng mukha niya, yung pag payat niya na hindi katulad dati an maskulado siya, yung pag dami ng puting buhok niya kahit semi kalbo siya. Natatakot ako. Parang hindi ko kakayanin. Ang layo na ng itsura ni papa kumpara dati na balidoso at matikas ang pangangatawan. Pero kahit ganun siya, mahal na mahal ko padin siya, silang dalawa ni mama. Kung bibigyan ako ng chance na mabuhay ulit pagkatapos mamatay, sila padin yung pipiliin kong magulang.
07 September 2012
Root for my success
*yes they are my parents
Hindi ako nahihiya na nagtitinda lang kami, nagluluto, naglalako. Hindi kami ganito dati, ewan ko ba. Masagana kami, pero nung dumating yung time na nagsarado yung kumpanya na pinapasukan ni papa, naghirap kami. Pero naging matatag kami.. Eto nalang ang tanging paraan para makapagaral ako. Sila ang nagtataguyod sakin para mapagtapos ng pag-aaral. Sa araw araw na ginawa ng diyos, walang kibit balikat nilang sinusuong ang init at lamig, ulan man or araw para lang may pangkain kami sa araw araw. Alam ko dadating yung panahon na iiwan na nila ko. Pero ayokong dumating yung panahon na iyon na hindi ko man lang sila napasalamatan sa mga ginawa nila para sakin.. Pilit kong pinagbubutihan ang pagaaral ko para sakanila kasi alam ko na sa lahat ng panahon, kapakanan ko lang ang lagi nilang iniisip. Mahal na mahal ko sila..
30 August 2012
Parents
Nung sabado pa walang kibuan sina mama at papa. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari, pero ramdam ko may away sakanilang dalawa dahil saCanteen namin sa Sm. Marahil siguro dahil pagod na si papa magluto, o baka tinatamad na. Sobrang bigat sa pakiramdam na nakikita mong nasa isang bahay lang kayo pero ang mga magulang mo hindi nagkikibuan. Ang sakit, kasi ayaw ko ng ganun sila. Natatakot ako, maging si mama man ay ayaw ng ganung sitwasyon, pero si papa kasi masyadong mapride. Adroposal stage na kasi sila.
Hanggang kahapon, di padin sila nagkakaayos, hindi kumakain si papa sa bahay. Kumukuha siya ng kamote, at saging saka niya nilalaga at yun ang kinakain niya.. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ayaw niya kumain ng luto ni mama, marahil siguro kasi naiinis siya. Sa araw araw na paguwi ko sa bahay galing eskwelahan, lagi kong pinapanalangin na magkaayos na sila. paulit ulit.“Lord please, sana po ok na sila mama at papa, magpapakabait na po ako, magsisimba na po ako basta sana pag uwi ko bati na sila, please papa jesus..” Yan ang mga eksaktong bukambibig ko habang naglalakad pauwi..
Kaninang umaga pagising ko, may kakaiba kasi nagluto si mama ng almusal, at nagtimpla ng kape. BATI na sila!! :) sobrang nakakatuwa. sobrang nakagaan sa damdamin ko yung nakita ko kaninang umaga. Parang mga bagong kasallang na sweet sa isa’t isa.. Dininig ng panginoon ang mga dalangin ko.. Napakasaya ko talaga. Noon ko lang din ulit narinig ang boses ni papa ng tawagin niya si mama para ibigay ang kalahating basong kape na ininum niya. matapos ang limang araw na nagdaan, mas nakita ko pa yung diwa ng pagmamahalan nilang magasawa.
26 August 2012
Battered Wife
Kagabi, pag kauwi ko dala ang isang supot ng Mcfloat na hiningi pa ni Cacai. Masaya ako kasi naabutan ko yung Jesica Soho. Yun ang lagi kong inaabangan. Sa gitna ng panunuod namin ni cacai, habang nasa labas si Ka-roger at lumalagok ng paborito niyang inumin, may hindi kanais nais na sigaw kaming narinig.
Sa una akala ko ungol lang ng aso, baka may mamamatay nanaman. Dumukwang ako banda sa may bintana. Kinabahan ako kasi hindi aso yung umuungol. Isang babae, na sa una hindi namin alam kung san nangagaling yung sogaw at iyak pero talagang sobrang lakas niya. Ang dami ko tuloy naisip, *baka may namatay? baka humihingi ng tulong? baka binugbug? Sabay labas din ni papa, kasi narinig niya.. Natatakot ako, kasi tipsy na si papa eh, baka magwala yun. Ayaw pa naman niya ng maingay. Lumabas din ako. Pinakinggan namin maigi kung san yung Iyak, yun pala sa katabing bahay namin.. Sigaw padin ng sigaw , kaya sinaway ni papa. Maya maya ay nawala na, pero as usual, laseng si erpats kaya nagbida bidahan. Kinalampag yung kapitbahay at tinanong kung ano ang problema.
Matagal pa bago lumabas yung babae, Si ate buntis pala yun. Duguan ang mukha niya. Narinig ko lang kay papa at cacai na punung punu ng dugo ang mukha niya. Natakot ako. Pero sabi ni ateng buntis ok lang daw siya.. Ang dami ko nanaman naisip. (*Baka mamaya nagaaway sila ng asawa niya kasi nalaman niya na hindi siya yung ama ng pinagbubuntis nito, baka ihostage si ate buntis at paputukan sila papa sa labas, tapos may dadating na mga pulis, o swat para pigilan siya. Tapos may mga media na dun, at aabutin ng 24 oras yung hostage taking.) Pero hindi pala. hahaha.. Nadulas lang daw siya sa Cr nila kaya nawakwak yung noo. Pero palagay talaga namin binugbug siya.. Pagkatapos ng eksena na yun, balik na ulit sa paglagok ng alak si papa at kami ni cacai ay nanuod nalang
Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko nung mga oras na yun, habang nanonood ako ng MMK (Card), sobrang anxious ako.

09 August 2012
Huling habilin ni Itay
- *Habang nakatable si mama sa terrace kay papa, naguusap sila about sa buhay buhay nila at ang mga napagdaanan nila. Pero eto yung pinaka nakapagpalambot sakin:
- P: Matatanda na tayo eh, dapat mag enjoy nalang tayo.
- M: ......... *Hindi talaga sumasagot si mama, hinahayaan niya lang si papa.
- P: Malalaki na naman yung mga anak natin, dapat nga magbinggo nalang tayo o kaya mag laktwatsa yung saan saan kasi wala na tayong gagawin eh.
- M: ...........
- P: Isa nalang naman kailangan natin eh.. , Basta makatapos lang si monmon ok na ko, tapos na misyon ko sa mundong ito. Pwede nako mamatay.
- M: ..........
- P: Basta pag ako namatay, ayoko iburol, ...., sunugin niyo ako at itapon sa dagat. Basta yan lagi mong tatandaan kapag nauna ako sayo. .
- (*yung pakiramdam ng marinig mo yung mga ganung usapin. Sobrang hirap magadjust lalo na kapag alam mo at alam din nila na malapit na nila akong iwan magisa. )
Ka-Roger Again
Nagyong gabi, nagbabadya nanaman magwala ang monster na padre de pamilya dito sa bahay. Ganun padin yung pinaguugatan ng himagsikan. "Ang Galit kay kuya" mga dalawang buwan na din nung mas lalong tumindi ang iringan ni papa at ni kuya. Yun yung time na mag bukas sila ng canteen canteenan sa loob ng SM DasmariƱas. *pero dati pa, mainit na talaga ang dugo ni papa sakanya, dahil na rin siguro sa sakit ni kuya.
Nakakatakot, nakakakilabot, dumadagundong yung mga tagpo sa bahay kapag nagpapang abot silang dalawa. Parang eksena sa Telebisyon. *Yung tipong naghuhurumintado ang Ama. "Gago, eh putang $na, Eh walang &*ya yang anak mo eh! Sira*lo." Ganyan ang madalas na bigkas ni monster dear sa bahay. Wala naman talaga siyang kaaway talagang gusto niya lang magsisigaw. May mga oras at pagkakataon din na pati mga kapitbahay namin natatakot na, nagsasara ng mga bahay.. Di ko talaga alam kung bakit ganyan ang padre de pamilya namin, pero sa umaga hindi naman siya ganun. Ubod ng bait niya.. Sana Dumating yung panahon na wala ng ganung eksena sa gabi, kasi hindi lang naman kami yung naapektuhan, pati ata buong Village..

02 August 2012
Today is another day
Isang panibagong araw na naman para sa isang taong katulad ko. Kagabi sobrang nanginginig ako sa takot dahil may topak ang aking mahal na AMA dahil sa Pwesto namin sa SM. *yung moment na narinig mo na nagbukas yung pintuan nila, tapos biglang bubuksan yung pinto ng kwarto at walang habas na isasara! Sabay TADYAK SA PINTO! na hindi mo naman alam kung bakit. Sobrang takot na takot talaga ako, pag tinotopak si Papa, yung itsura ng bahay namin parang lungga ng ipis. Kapag andyan pa yung monster walang lumalabas. Pero kapag wala na, kung saan saan sulok nagpupunta mga tao. Dahil sa insidenteng iyon, mga 4am nako nakatulog kasi baka magising nanaman ang Monster at tadyakan ang kawawang pintuan na walang kasalanan.
Ngayong umaga, nagising ako ng maaga bali 4am ako natulog tapos gumising ako ng 6am *2hrs lang tulog ko. Pero need ko na pumasok kasi ^11Days akong bakasyon kasama na yung class suspended, pati yung araw na may sakit ako. 8amang unang klase ko, pero as usual hindi dumating si Sir Gwapong Paul; NGANGA! hanggang 11am. Buti next class namin andun si Mam M, Ang aming gabay sa buhay.. hehehe. Usapang thesis. Wala ang partner ko. Wala kaming naipacheck. BOOMM!!! Inexplain ni mam yung mga dapat naming gawin, ipasa, ilagay, ihabol, at kung ano ano pang gawaing hardcore. Deadline ng thesis namin with 50% ng system ay sa aug.28. *WALA PA KAMING NAUUMPISAHAN!! WTF! First week ng September Defense na! My god! makakagraduate ba ko lord?? ohhh diyos ko!! Pakiramdam ko katapusan na ng buong sanlibutan ko. Iniisip ko pa lang, mamamatay nako. :( Tapos yung narative report pa, hanggang next week nalang. Hay buhay mo Keizha, laging last minute.
3pm Advance programming namin pero pito*7 lang kaming pumasok, kung tutuusin dapat ako lang ata ang papasok. Yung mga klasmayt ko kasi ay nagsipag galaan sa SM BACOOR. Pero thankful ako na hindi na sumunod yung anim ko pang kaklase kaya may kadamay ako sa lecture namin.. :) Diniscuss ni mam L yung mga pointers para sa midterm next week. Kung tutuusin ay ngayon ang midterm week namin, pero sa kadahilanang dumaan si gener sa buhay ng mga estudyante, na mas lalong nagpakomplikado ng buhay eskwela namin ay na move ang MIDTERM!!!! Late na nga kami, late padin ang exams!

Subscribe to:
Posts (Atom)