Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts

16 June 2014

Dear Cy,


Gusto sana kita batiin ng Happy 4th year anniversary. Gusto kitang isurprise ng isang gift or date, gusto kita kasama ngayong buong araw ng June 16 2014 kasi eto yung date na napagpasyahan nating maging date ng anniversary natin noong 2010 kasi sa totoo lang wala namang ligawang naganap at hindi tayo naging handa sa mga nangyaring kilig moments nung nagkakilala tayo ng dahil sa bestfriend mo na ex ko.  Naalala ko pa nga noon, nagalit ka sakin dahil napaka kulit ko sa text tapos lagi kitang tinatawagan. Sabi mo pa sakin noon wag nako magtext kasi nakakairita ako. Pero nung time na halos pagsukluban ako ng langit at lupa dahil sa problemang pag-ibig ko dahil sa bestfriend mo eh sinamahan mo ko at dun na nagsimula ang lahat. (Sa paningin man ng iba eh parang talo talo sa bestfriend pero hindi natin sila masisisi kasi hindi naman sila yung nakaramdam at hindi nila tayo naiintindihan. Pero thankful ako na nakilala ko ang bestfriend mo kasi nga nakilala kita.)  

Naalala ko nung mga unang taon natin eh panay away natin. Panay selos mo, panay puna mo ng mga isinusuot kong damit ako naman nawawalan ng time sayo kapag kasama ko mga kaibigan ko tapos napakaisip bata ko, minsan nagseselos din  tapos yung mga hindi natin dapat pinagaawayan eh napagaawayan dahil nga siguro nagaadjust tayo sa isa't isa. May mga araw pang halos hindi tayo nagkikibuan pero dadating yung time na ikaw na yung magsosorry kahit alam mong hindi naman ikaw yung may kasalanan kasi nga ayaw mo na nagaaway tayo. Tapos ako iiyak kasi guilty tapos magsasabi ako sayo ng nararamdaman ko, yung love ko para sayo tapos ikaw din iiyak tapos magiging okay na tayo at aabutin ng kinabukasan sa paguusap sa telepono.  Hanggang sa mga birthdays and monthsary eh napakadaming surprizes na sobrang nakakakilig para sakin. Lalo na nung nagcompose ka ng kanta for me sobrang naapreciate ko yun.  Pati na rin yung maya't maya mong pagsabi ng mga katagang "Mahal kita" na minsan kinaiinisan ko kasi paulit ulit pero narealize ko na masarap pala pakinggan yun.  

Hanggang sa dumating ang pangalawang taon na sobrang daming Ups and down dahil nga nagkaconflict tayo dahil panggabi ka kaya hindi tayo nakakapagusap kasama na diyan yung mga hindi mabilang na Break ups, make ups and Forgiveness tapos ulit nanaman hanggang sa dumating  sa nagsawa ka na at pakiramdam mo na wala nang hahantungan yung relationship natin kaya tiniis mo at nagstart kang mag move on at may makilala kang isang babae na naging dahilan para iwan mo ako't maging masaya. Habang ako ay nagaantay parin sayo  ng ilang buwan para magparamdam ka na halos hindi napagod kakaantay at kakaiyak. Na halos tinangaka ko nang magpakamatay dahil sa sobrang lungkot at pagkabigo sa salitang pag-ibig. Hanggang nagkaroon ulit tayo ng komunikasyon dahil tinawagan mo ako at kinamusta. Hindi ko halos maipaliwanag ang nararamdaman ko nun kahit alam kong may mahal ka nang iba. Masaya ako para sayo pero masakit. Lalo na yung mga nakikita kong larawan at mga post ninyo sa isa't isa. Para akong nadurog ng husto, at hindi lang durog eh pinong pino pa kaya ako na mismo ang lumayo, pero makalipas ang dalawang buwan  tinawagan mo ako at umiiyak ka at sinabi mo na "Hindi ko talaga kayang wala ka, pinipilit kong kalimutan ka pero ikaw parin talaga. Ikaw lang talaga." Hindi ko alam ang nangyari sainyo pero isa lang ang alam ko Masaya na ulit ako dahil nandito ka na. Inabot din yun ng kalahating taon. 

At Pangatlong taon natin  na sa hindi inaasahang tagpo eh biglaan nalang. Parehas na tayong sumuko, parehas na tayong bumitaw sa mga pangako natin sa darating na panahon, pareho na tayong pinili nalang na maging magkaibigan? kahit na alam nating hindi pepwede ay pinipilit natin dahil tingin natin ay hindi na natin kaya pa ang magpatuloy pa. Pareho tayong nasasaktan pero kinakaya natin para maghilom ang sugat na dala ng nakaraan. Parehas nating unti unting kinakalimutan ang lahat ng mga memorya pero hindi parin makalimutan. Parehas nating naiintindihan ang tadhana na kailan may hinding hindi tayo maiintindihan. 

Ngayong Pangapat na taon na sana natin ay nakareceive ako ng hindi inaasahang text mula sayo na ang nakalagay ay yung date ng araw ngayon "June 16, 2014" hindi ko mapigilang lumuha dahil alam ko at alam mo na naalala natin ang isa't isa sa mga oras na to. Alam kong hindi na nating maibabalik ang dati pero umaasa akong hindi ito ang huli nating pagtatagpo.  at Gusto kong malaman mo na Ikaw lang, Walang iba. :)



Ps: habang sinusulat ko to eh nagpaplay yung theme song namin na "Walang iba by Erza band"




08 June 2014

Untittled

Ang hirap mag type o magisip dahil sobrang sakit ng ulo ko ngayong araw simula pa kaninang tanghali pero dahil nga pag nakakarinig ako ng magagandang kanta especially mga intrumental eh talaga namanang umaatikabong expresyon ang nararamdaman ko at napakadami kong naiisip na mga bagay bagay.

 Tulad nalang ni Cy. Haist ilang araw na ring kaming hindi naguusap dahil sa napaka walang kwenta niyang sermon. Nakakainis kasi siya, ultimo paglilinis ko ng kuko ikagagalit niya, ang katwiran niya eh may sasabihin daw siya eh pwede naman niyang sabihin pag katapos ng ginagawa ko lalu na ilang daliri nalang naman yun tapos ayun nagmaktol na hanggang sa nagsumbatan nagsigawan at tuluyan na kaming nag away. Sa totoo lang, napaka babaw niya kasi palagi. Lagi naman niyang sinasabi na binabago na niya yung pagkabugnutin niya pero ang totoo hindi naman, ganun pa din siya at mas lalong lumalala. 

Pero ang totoo na kahit ganun siya eh sobrang namimis ko na siya, at alam kong namimis na din niya ako. Alam ko yun kasi lagi kming ganito.. Alam kong tinitiis niya lang din na wag akong itext pero ang totoo sobrang mis na niya ko. Kaya ko din nasabi kasi ganun din yung nararamdaman ko.. huehue..“Yhat i miss you so much na” Sana bago ako pumasok sa lunes e magkaayos na kami.

Tapos eto naman speaking of pasukan, hay monday na pasukan eto nanaman ako magaaral nanaman at sana makagraduate na next year. jusko ang tanda ko na. Ewan ko ba pero tinatamad na ako pero hindi pwede kasi nageepect sila mama eh kailangan kong tapusin isang taon nalang eh aayaw paba ako?? 

Tapos yug thesis nanaman, kapag iniisip ko yun dahil nga dun sa nangyari eh pakiramdam ko gusto ko magpakamatay (De joke lang) Ngayon namomoblema tuloy ako kung pano ko gagawin ng magisa. ang dami ko naiisip na baka hindi ko kayanin baka mabully ako kapag defense kasi magisa ako na baka bumagsak nanaman ako. huehue.. Grabe halo halo na yung nararamdaman ko parang Halo-Halo ng Chowking o ng Mang inasal pa man yan. 

Tapos napepresure pako sa tuwing may nakakasalubong ako na kakilala tapos tatanungin ako kung san ako nagtatrabaho o kung graduate naba daw ako? kaya minsan, hindi naman sa pagiging masungit o suplada ko kapag hindi ko sila pinapansin eh umiiwas lang ako sa mga tanoang na ganun kasi maiisip ko nanaman tapos mapepresure nanaman ako tapos magiisip nanaman ako ng mga negatibong bagay hanggang sa hahantong sa Pakadesperada ko.


Haist. ang buhay nga naman sabi ni Kuya Kim “Weather weather lang yan”



13 August 2013

MALALAMAN MO ANG VALUE NG ISANG BAGAY PAG NASIRA O NAWALA ITO.


Parang sa love, pag nawala o nasaktan mo yung isang tao dun mo lang marerealize kung ano yung worth niya para sayo.
Minsan kasi kahit anung effort ang gawin natin sa isang tao, hindi niya basta basta nakikita o nararamdaman yun. Baka kase ginagawa niya din yun sa iba kaya nasasapawan ka. .
Pero pag napagod kana o nag sawa sa kakaeffort, dun lang niya mapapansin kung ano yung talagang ginagawa mo para sakanya.

12 August 2013

J,

August/12/13
10:48pm

Kanina nagkita kami ng ex ko. wala daw kasi siya magawa sa bahay kaya inaya niya ko magmovie marathon na madalas naming gawin nung kami pa. 

Ayoko sana kase nga, medyo akward para samin pero kasi sabi ko naman sakanya na kahit wala na kami ok lang na friends kami as long as okay sakanya. Sinundo niya ako sa may bandang Area kasi umuulan saka madaming mga loko dun. . Akward talaga nung nakita ko siya, pero infairness. . mas pumuti, pumayat at *Gumwapo(sa paningin ko) siya. nahiya tuloy ako.  Nakakatawa nga, sa jeep halos hindi kami nagiimikan at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Almost 5months ko din siya hindi nakita kaya parang namiss ko siya.

Pag dating namin sa bahay nila, naabutan kong may nagpipintura ng buong bahay nila. medyo nanibago ako, siguro syempre kase nga matagal akong di nakapunta sa bahay nila saka nagiba yung ayos ng mga upuan. .

Habang nanunuod kami hindi ako mapakali. Siguro kase akward talaga e katabi ko siya e. . Tamang kwentuhan lang nung mga nangyari sa buhy buhay. . Hindi nga ako makatingin saknya ng deretso. Pero nung time na inakbayan niya ko medyo may kurot o kuryente akong naramdaman sa puso ko. Bigla niya ko niyakap ng mahigpit kaya bigla naman ako napabalikwas. . Halos ayaw niya ako pakawalan sa braso niya. . Niyakap ko nalang din siya.

Alam kong mali pero masaya ako nung mga oras na yun. Habang inaamoy niya yung buhok ko at sinusuklay niya ng kamay, tapos tamang kanta lang siya sa may tenga ko. Pakiramdam ko okay kami nung time na yun. . Parang nakalimutan namin na wala na kami.

After namin matapos yung movie, pumasok kami sa kwarto para matulog. . Dahil nga medyo hapon na nun at saka antok kami. . Medyo malayo nga yung pagitan namin sa kama, pero lumapit siya at niyakap niya ko mula sa likod.  Ramdam na ramdam ko yung pag hinga niya malapit sa tenga ko. .  Humarap ako sakanya kase nakikiliti yung tenga ko. Hindi ko inaasahan na bigla niya kong hinalikan. . ayyy!!! Mas lumakas yung kaba ko kasi tinitignan niya ko Mata sa Mata. eeeeeehhhh. . kinikilig ako. . niyakap ko siya ng mahigpit at saka pumikit para matulog.
Siguro mga 1hr din kami nakatulog habang malakas ang buhos ng ulan. Ang sarap lang sa pakiramdam yung ganung eksena. napakasweet tignan. Quality time kung baga, pero dadating sa point na marerealize ko na ngayon lang pala ito. .

Nagising ako medyo pagabi na kelangan ko na umuwi. Nagising na din siya nun. . Pagkatapos ko mag ayos ng buhok e umalis na kami. inihatid niya ko sa bayan para sumakay papunta samin. .  Medyo gloomy na yung pakiramdam ko nung time na un. Narealize ko kase na panandaliang saya lang pala yung kanina. Parang panaginip lang. . Malakas din ang ulan nun. Pero sinugod ko para makauwi. . Naglalakad sa habang basa ng ulan. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko that time. . Sobrang minahal ko kase siya, kaya kahit ganito nalang kami ok lang sakin. .
Simula nung nagbreak kami ng walang magabdang dahilan, hindi pa din siya nag kaka gf parang ako wala pading bf. 

Komplikado kase yung reason kung bakit kami naghiwalay. Ayoko namang sabihin na pinagpalit niya ko sa relihiyon na pinasok niya pero parang ganun na din yun…
haggang dito nalang…



19 February 2013

This is your fault!


Kaya ako hindi madalas makapag blog kasi eto yung dahilan! Mas madalas ko ng gamitin to kesa magblog. Dito kasi ako lang yung nakakabasa. At marami dito eh talagang sikretong malupit. Eto din yung parang ginagawa kong hobby pag nasa bahay ako. Halos lahat lahat ng tungkol sakin nadito. 

Yung una kong Diary eh yung kulay itim na may heart na may nakasulat na Hello Kitty, eto yung time na sobrang dami kong experiences sa buhay na hindi ko dapat makalimutan. May mga picture din siya sa loob. Parang Blog lang din pero eto its more on Creative work ang kailangan saka Handwriten siya kaya para sakin sobrang challenging kasi pangit ako mag sulat. Dito din sa first book ko nakalagay yung mga Revelations sa buhay ko.

Yung isa naman yung may mga flowers yung 2nd book ko na kasi punu na yung una. Eto naman yung latest kong pinagkakaabalahan.Karamihan dito eh puro litrato, at about sa love.

Kaya sorry mga katropa kung madalang ako magblog. hehehe. Pero nagtatakda naman ako ng time para sa blog ko. ayoko namang iwang nakatiwangwang to.




26 September 2012

Papel




Nag hahanap ako ng mga notes ko for the past few years. Para sa mga projects naming. Madami kasi akong naitabi na mga codes and designs nung lower level pa ako. Then kinuha ko yung clear book ko na halos lahat ng notes nandun pati nung highschool pako. Habang binubuklat ko isa isa yung mga pahina bigla ko nakita yung mga sulat ko. Sulat sa ex, sa crush sa magulang ko. Bigla nagflashback sakin yung mga nangyari noon. Sobrang  naexcite ako. Kinuha ko yung iba. Gustong gusto ko ulit basahin.

May isa akong sulat, well parang isang kwento siya ng past ko eh. About samin ni cy, nung medyo naguumpisa palang yung relationship naming. Bigla ko siyang naalala. 4pages back and fort. Actually parang scribble lang to eh. Ginawang ko pa nga to ng movie clip..

Gusto kong itype ito, ng kahit papano pag nawala yung sulat ko eh mareretrieve ko ito, yun nga lang hindi na siya handwritten, type na.  .pero ok lang atleast hindi mawawala yung memories.



15 September 2012

"Sometimes we love people so much that we have to be numb to it, because if we actually felt how much we loved them.. It would kill us."


Usapang love



         Ang hirap pala kapag naghiwalay kayo ng minamahal mo. Lalo na kung medyo matagal na kayo nagsama tapos masisira lang dahil sa pagaaway. Pero pano ba natin masasabi na mahal natin ang isang tao dahil ba sa pag andyan siya ang lakas ng tibok ng puso mo? Para sakin, basta Masaya ka sa kanya at nagiging mahalaga ang buhay mo. Umiibig ka kasi.  Ako? Ano ba napala ko? Wala.. 
Sa totoo lang namimis ko yung mga panahon na kasama ko sya, yung mga araw na palagi niya akong sinasabihan ng ‘Mahal kita keizha, hindi magbabago un’ sarap sa pakiramdam. Pero yung time na nawala na siya pakiramdam ko dala niya buong pagkatao ko.  Kung minsan pa, yung mga bagay na nakakapagpaalala sakanya lagi mo nakikita. Kahit simples mga words na madalas sakanya mo naririnig o kaya naman yung mga pagkaing madalas ninyong kainin. Haist. Sana ang love pag ayaw mo na talaga bigla nalang mawawala.Eh kaso hindi eh. Maghhihirap ka muna magmove on. Tapos pang inis padun kung minsa,kung kelan nakamoveon kana tsaka naman magpaparamdam.. HaaaaissssT… 

Walang perpektong relasyon, tao lang naman tayo lahat nagkakamali din..  ang mahirap na bagay lang ay yung matutunan mong wala na siya. Palibhasa kasi satin, iniinsist pa nating mahal natin yung tao pero sinaktan ka naman, ngiging bulag ka sakatotohanan.