14 September 2012

Nightmare with SHOMBA!


            Mag isa akong nanunuod ng insidious. Habang nanunuod ako, ramdam ko yung takot at kabog ng dibdib. Nasa isang lumang kwarto ako na pang sinauna, hindiko kwarto yun. 
Gabi na ng matapos ako manuod. Lumabas ako saglit para bumili ng dinner. Nakakapag taka kasi parang isang lumang apartment yung tinitirahan ko. Parang sa palabas na the echo. Ganunyung style. Pag ka labas ko, nakita ko ang mga kaklase ko “San kayo pupunta” Sabi ko. “intrams ngayon! Nu kaba halika na!” sabi ni jovel. Eh di wala akong nagawa kung hind sumama.
 Sa field daw kaminagtipun tipun. Daming tao, bukas lahat ngilaw at nakatutok samin. Nung una akala ko sa luneta. Tapos kelangan daw naming humakbang sa isang kanal para makapunta sa kabilang side ng field. May isang tumpok dun ng lupa. Parang nuno sapunso. Natapakan namin. “Tabi tabi po, tabi tabi po, sorry po” lagi ko daw sinasabi habang humahakbang. “Korni mo naman!”  sabi ng isa kong kaklase. Pagkatapos naming makaalpas dun, nakita naming yung prof namin. Pero habang papalapit kami may  hindi inaasahang nangyari sakin, lumamig ang buong paligid na para ba gang hinahangin ako ng malakas.
Ang daming tao! Ang dami dami! Pero may ibang mga mukha na iisa lang, Tas nung paglingon ko sa likod andun si shomba!!


Biglang nagiba ang scene, nawala ang field nagging isang parang nakakatakot na lugar. Puno ng punung kahoy, at matataas na talahib. Hindi ko namakita mga kaklase ko. Nagiisa nalang ako.Habang naglalakad patungo sa direksyon kung saan nakalatag ang kalsada, pakiramdam ko may mga sumusunod sakin. May dumaan, isang matanda, isang kapre, bampira, white lady, at si shomba nanaman. Yung itsura ng kalsada akala mo may nagsisiga kasi may usok. Tapos paglingon ko sa likod may mga tumatakbo, hindi ko maaninag hanggang sa nakita ko malapit na sila sakin! Mga aswang, multo at kung ano ano pang nakakatakot na element hinahabol daw ako. Takbo lang ako ng takbo. *Kalako nga kasali ako sa marathon. Basta takbo lang daw ako ng takbo. Sa dulo daw makikita yung dulong kalsada at isang tulay na talaga namang napakarupok.  Kung choice ko ay tumalon mamamatay din ako, kasi puru mga bato ang babagsakan ko. Halos masira ang suot kong tsinelas. Pakiramdam ko nagsitayuan lahat ng hibla ng buhok ko sa takot. Biglang nakita ko nanaman si shomba sa unahan ng tulay. Inaabangan ako! Wala akong nagawa kung hindi kayapin siya. Binulungan niya ko, “Gumising ka! Makikikta mo ang liwanag” Bigla akong natauhan na Panaginip lang pala yun!!

Good Afternoon! Kagigising ko lang. 

No comments:

Post a Comment