Showing posts with label dreams. Show all posts
Showing posts with label dreams. Show all posts

06 March 2013

Hindi ko talaga maipaliwanag

Naranasan niyo nabang mapunta sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan o mga eksena na hindi mo inaasahan, mga taong hindi mo kilala? Sa panaginip malamang "oO". Yun bang kung minsan yung panaginip mo eh parang or nangyari na sa tunay na buhay? *De javu or minsan "Premonitions" Sa totoo lang napakadami kong tanong sa sarili ko na hindi ko maipaliwanag lalo na pag pinaguusapan ang mga panaginip. 

Madalas pag nananaginip ako, lahat ng detalye natatandaan ko. Ultimo kulay ng damit, pangalan, lugar or kung ano pa man. At madalas pagkatapos ng panaginip ko, nagigising na agad ako. Madalas din sinasabi ko kaagad kay mama yung panaginip ko habang presko pa sa isip ko. Minsan nga yung panaginip ko hindi lang isa o dalawang beses na nangyayari sa totoong buhay. Minsan naman parang isang pelikula. (Sabi sakin ng tatay ko kaya daw ganun yung mga napapanaginipan ko kasi sa madalas kong panunuod ng mga palabas) Kung tutuusin tama siya kasi may mga panaginip ako na parang nakuha sa eksena sa mga palabas. Pero may isa lang akong palaging tanong sa sarili ko at sa mga panaginip ko. Bakit?? 

Naranasan niyo naba na yung habang nananaginip kayo eh kaya mong manipulahin yung mga mangyayari? Halimbawa: yung eksena eh may mahuhulog sa hagdanan, tapos parang hihinto yung scene tapos ikaw mismo na nananaginip sasabihan mo yung mahuhulog na wag dumaan sa hagdan kasi mahuhulog siya. Tapos biglang magpaplay at hindi nga siya dumaan sa hagdan. Yung ganun ba? naranasan niyo na ba yun?? Ako kasi madalas namamanipula ko yung panaginip ko. Katulad nalang nung isang linggo.

May pinatay akong bata, pero parang hindi ako satified sa ginawa kong pag tulak sakanya kaya inulit-ulit ko yung eksena kung pano ko siya itinulak. Yung una, nabagok siya, yung pangalawa, tumama yung dibdib niya sa kanto ng pader, at yung huli eh natusok siya ng payong sa dibdib. Nakakakilabot pero yun talaga yung panaginip ko.


Hindi ko alam kung ano itong mga nagaganap sa sarili ko, simula pa nung bata ako ganito na talaga ko. Sabi naman ng isa kong kaibigan kaya madalas naaalala ko yung lahat ng detalye ng panaginip ko kasi mabababaw daw ako matulog kapag nananaginip na, at isa pa kaya pa daw ganun kasi malapit na daw ako magising kapag nanaginip ako.

Minsan nga tumama si mama sa lotto dahil sa sinabi kong nanaginip ako ng nanalo kami sa lotto. Maliit lang naman pero nakakagulat lang. 

May isa pa: Yung time na bago magkatsunami sa japan, napanaginipan ko yun a month bago yung kalamidad na yun. Akala ko nga hindi magkakatotoo yun kasi napakalaking problema yun, pero ayun nangyari. 

This year may napanaginipan nanaman ako na mangyayari, natatakot akong sabihin kasi baka magkatotoo, pero sana wag naman kasi napakalaking trahedya yun. haist. knock.knock.knock on the wood.



19 September 2012

Facial na bitin


Isang umaga, may napulot akong 1000peso bill sa daan habang naglalakad papuntang SM Dasma. Iniisip ko kung anong gagawin ko sa 1k na napulot ko, Kung hahtiin ko ba samin ni mama o aangkinin ko nalang at bilin ang gusto ko. Habang [papalapit nako sa naturang mall naalala ko na gusto ko mag pa facial,Gusto ko itry. Hindi ko pa kasi nararanasan yun. PEro bago ako pumunta sa Surgulight *50percent off sila sa facial at kilala ko mga tao dun kasi suki ni mama sa ulam at meryenda. naglibutlibut muna ako, bumili ako ng Lipstick sa etude yung gustong gusto kong kulay na talaga namang minimithi ko pa nung kaarawan ko. Pagkatapos ay naglaro sa quantum ng halos isang oras. Drums lang naman ang inatupag kong laruin.. Tapos dumiretso na ko sa pagpapalinisan ko ng mukha.
 Medyo natatakot ako kasi nga perstaym ko ito. Ang daming gumugulo sa isip ko. Natatakot kasi baka tigyawatin ako, or baka gaganda mukha ko. So ayun, nagbayad ako ng 125pesos bago pumasok sa operating room, este higaan. Pero napansin ko parang ang onti ng tao? tapos yung iba nagliligpit na. Eh di pinahiga nako ni kuyang nakamaskara. Nilagyan ng parang glue at tsaka ikinalat ng maayos sa buong nasasakupan ng mukha ko. Tapos umalis siya. kabado ako kasi baka masubogyung mukha ko eh.. Dahil ng perstaym ko..
May dumaang babae tinanung ko if matagal paba to. Sabi niya medyo daw. Napansin ko na tapos na ung mga katabi ko at aalis na,parang ako nalang ata naiwan eh. Pagkabalik ni kuyang nakamaskara may dala siyang tuwalya at sabi niya "mam banlaw na po kayo" Sabi kotuloy, "Bakit tapus na?? un na yun??" Sabi ni kuya "Kasi mam magsasarana po daw kami sbi ng managementmay paparating daw pong bagyo ibabalik nalang po namin yung binayad ninyo,sa ibang arawnalang po kayo magpafacial." Anak ng teteng!! Perstaym ko na nga naudlot pa!  eh di nagbanlaw nako.
 Pag kalabas ko ng store nakita ko halos wala ng katao tao, Bumaba ako sa bingguhan para sumabay kela mama, eh ang kaso nakauwi na pala sila. So no choice, uuwi akong magisa. Sa labas napakalakas ng hangin! halos natumba na yung bubong ng terminal. Nakakatakot. Sabi ng mga tao centro daw ng bagyong popoy ang SM Dasmarinas.  Umihip ang napakalakas na hanginat kami lahat ay dinala. Dinala kung saan man, pero... Pagkatapos Ayun nagising ako.. Hahahah panaginip lang pala...

12 September 2012

Just do your part to fullfill your dreams
Sabi ng kuya ko. 
Tulad sa pag aaral daw.
Hindi mo naman kailangan ng matataas na grado, o kaya kasali ka sa top students, ang mahalaga lang ay makatapos ka ng maayos.
Madaming mga matatalinong tao na walang trabaho, pero mas marami ang may trabahong tao na hindi naman matalino pero nagawang makakuha ng disenteng trabaho.