02 July 2014

The BucketList


Lahat naman tayo may kanya kanyang gustong gawin sa loob ng isang taon. Yun bang bago, yung hindi mo pa nagagawa or let us say hindi mo pa naeexperience in your entire life. Yung na cucurious ka sa mga bagay bagay na bago, na iniisip mo kung ano yung magiging reaksyon mo o ano yung mararamdaman mo. At dahil syempre limitado lang naman tayo bilang isang tao e, hindi natin nagagawa iyon. 

Ako, matagal ko ng naiisip yung mga bagay na gusto kong gawin, yung hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Tulad nalang ng Mag Travel out of town or kung saan man. Yung malayo sa lugar na kinalakihan ko. Kung bibigyan man ako ng chance eh balak kong libutin ang buong Pilipinas (How i wish). Sa totoo lang kasi never ko pang naexperience na pumunta sa mga malalayong lugar ng ako lang. Para kasing ang saya nun kahit na sabihin nating ang lonely.  Parang ang sarap magkaroon ng tittle na "Perks of being a Traveler" kung baga. Yung pupunta ka sa isang lugar na hindi mo masyadong alam kaya ieexplore mo tapos titikman mo yung mga pinoy delicacies nila tapos sa bawat bayan na napuntahan mo eh may maiuuwi kang suvenier na nagpapatunay na nagpunta ka dun tapos iboblog mo. Yun bang gagawa ka ng listahan ng mga gusto mong puntahan, tapos chechekan mo pag napuntahan mo na. At syempre hindi mawawala ang mga litrato. Dahil kahit anong sabihin natin pictures are one of the best memories we have.

Lalo na ngayong ang bilis na ng panahon, mabilis narin madagdagan ang taon sa buhay, Sabi nga ng isang pari dito sa lungsod namin "Life is too short, so make the most out of it!" Parang nakakainspire lang yung quotation na yun. Well, totoo naman dahil tao lang din naman tayo namamatay din pero syempre una una lang yan kaya hanggat hindi mo pa oras ay gawin mo na yung mga bagay na tingin mong magiging dahilan para masabi mong nakuntento ka sa buhay na ibinigay sayo at hindi mo ito sinayang. 

Uunahin ko ang lugar na Batanes para sa first ever Experience ko. 




Siguro kasi sabi ng marami ay maganda daw talaga dun. Talagang one of a kind place para puntahan. Simple at payak ang pamumuhay at maraming magagandang tanawin Well wala akong masyadong alam dahil gusto ko ako yung makaktuklas non kaya iniimagine ko nalang muna yung mga sabi sabi ng ibang tao. Pero ang gusto ko talaga makita dun ay yung mga bangin at yung sinasabi nilang lokasyon ng pacific ocean na kung saan ay talaga naman daw na napaka lamig at malalakas ang alon, gusto ko rin puntahan doon yung mga sinaunang bahay na gawa sa bato at ang pinaka importante na sigurong reason is yung Light house (Hindi pa ko nakakakita ng light house ng totoo hindi yung sa t.v o sa kung saan man kahit sa kwento. Syempre gusto ko makakita nun sa personal na buhay, At yung pagbabayanihan ng mga tao doon.


No comments:

Post a Comment