Showing posts with label si Ka-Loida. Show all posts
Showing posts with label si Ka-Loida. Show all posts

07 December 2012

12 days

12 days nalang kaarawan nanaman ng aking pinakamamahal na ina. At dahil nakagawian kong itreat siya tuwing birthday niya. Itetreat ko siya ngayon. Gusto niya daw maranasan yung Footspa. Kaya yun ang treat ko tapos kakain kami. Gusto niya lang halo halo. Solve na daw siya..

Simple lang ang kaligayahan ni mama..

Advance Happy birthday mamalo. I love you so much..

20 October 2012

Bente for richer for poorer



Kaninang umaga pag gising ko, hindi magkanda ugaga si mama maghiwa ng mga iluluto ni papa kaya tinulungan ko siya. Tinanggalan ko ng gilid at dulo yung Bitswelas ba yunh?? o baguio beans? d ko alam eh. Tapos habang nag hihiwa siya kunausap niya ko.


mama: Mon alam mo ba binilihan ako ni papa mo ng Pantalon.
ako: Oh talaga? me pera siya??
mama: oo nakakuha siya diba yung sa bonus niya sa pension.
ako: magkano??
mama: tag bebente lang, (sabay ngiti) 
ako: (may kumurot sa puso ko) Wow naman eheheh.. 
mama: tag isa kami.
ako: ahh partner.
Nung mga oras na yun, ang laki ng tanong ko sa sarili ko, bakit naging ganito kami?? dati magara yung mga damit namin. Hindi bumibili si mama ng walangk! (signature) Pero dahil nga nawalan na ng trabaho si papa dahil nagsara yung kumpanyang pinapasukan niya, eh naging ganito na kami. Hindi ko nga halos lubos maisip kung pano na kami pag dating ng panahon. Kaya nga gustong gusto ko na makapagtapos ng pagaaral para naman mabili ko yung gusto nila mama at papa. Haist.

07 September 2012

Root for my success

*yes they are my parents

Hindi ako nahihiya na nagtitinda lang kami, nagluluto, naglalako. Hindi kami ganito dati, ewan ko ba. Masagana kami, pero nung dumating yung time na nagsarado yung kumpanya na pinapasukan ni papa, naghirap kami. Pero naging matatag kami.. Eto nalang ang tanging paraan para makapagaral ako. Sila ang nagtataguyod sakin para mapagtapos ng pag-aaral. Sa araw araw na ginawa ng diyos, walang kibit balikat nilang sinusuong ang init at lamig, ulan man or araw para lang may pangkain kami sa araw araw. Alam ko dadating yung panahon na iiwan na nila ko. Pero ayokong dumating yung panahon na iyon na hindi ko man lang sila napasalamatan sa mga ginawa nila para sakin.. Pilit kong pinagbubutihan ang pagaaral ko para sakanila kasi alam ko na sa lahat ng panahon, kapakanan ko lang ang lagi nilang iniisip. Mahal na mahal ko sila.. 

30 August 2012

Parents


Nung sabado pa walang kibuan sina mama at papa. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari, pero ramdam ko may away sakanilang dalawa dahil saCanteen namin sa Sm. Marahil siguro dahil pagod na si papa magluto, o baka tinatamad na. Sobrang bigat sa pakiramdam na nakikita mong nasa isang bahay lang kayo pero ang mga magulang mo hindi nagkikibuan. Ang sakit, kasi ayaw ko ng ganun sila. Natatakot ako, maging si mama man ay ayaw ng ganung sitwasyon, pero si papa kasi masyadong maprideAdroposal stage na kasi sila.
Hanggang kahapon, di padin sila nagkakaayos, hindi kumakain si papa sa bahay. Kumukuha siya ng kamote, at saging saka niya nilalaga at yun ang kinakain niya.. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ayaw niya kumain ng luto ni mama, marahil siguro kasi naiinis siya. Sa araw araw na paguwi ko sa bahay galing eskwelahan, lagi kong pinapanalangin na magkaayos na sila. paulit ulit.“Lord please, sana po ok na sila mama at papa, magpapakabait na po ako, magsisimba na po ako basta sana pag uwi ko bati na sila, please papa jesus..” Yan ang mga eksaktong bukambibig ko habang naglalakad pauwi..
Kaninang umaga pagising ko, may kakaiba kasi nagluto si mama ng almusal, at nagtimpla ng kape. BATI na sila!! :) sobrang nakakatuwa. sobrang nakagaan sa damdamin ko yung nakita ko kaninang umaga. Parang mga bagong kasallang na sweet sa isa’t isa..  Dininig ng panginoon ang mga dalangin ko.. Napakasaya ko talaga. Noon ko lang din ulit narinig ang boses ni papa ng tawagin niya si mama para ibigay ang kalahating basong kape na ininum niya. matapos ang limang araw na nagdaan, mas nakita ko pa yung diwa ng pagmamahalan nilang magasawa.