20 October 2012

Bente for richer for poorer



Kaninang umaga pag gising ko, hindi magkanda ugaga si mama maghiwa ng mga iluluto ni papa kaya tinulungan ko siya. Tinanggalan ko ng gilid at dulo yung Bitswelas ba yunh?? o baguio beans? d ko alam eh. Tapos habang nag hihiwa siya kunausap niya ko.


mama: Mon alam mo ba binilihan ako ni papa mo ng Pantalon.
ako: Oh talaga? me pera siya??
mama: oo nakakuha siya diba yung sa bonus niya sa pension.
ako: magkano??
mama: tag bebente lang, (sabay ngiti) 
ako: (may kumurot sa puso ko) Wow naman eheheh.. 
mama: tag isa kami.
ako: ahh partner.
Nung mga oras na yun, ang laki ng tanong ko sa sarili ko, bakit naging ganito kami?? dati magara yung mga damit namin. Hindi bumibili si mama ng walangk! (signature) Pero dahil nga nawalan na ng trabaho si papa dahil nagsara yung kumpanyang pinapasukan niya, eh naging ganito na kami. Hindi ko nga halos lubos maisip kung pano na kami pag dating ng panahon. Kaya nga gustong gusto ko na makapagtapos ng pagaaral para naman mabili ko yung gusto nila mama at papa. Haist.

3 comments:

  1. yaka yan. basta gusto, maraming paraan.

    ReplyDelete
  2. Ganun talaga mare. Pero wag ka magalala pag nakatapos ka, aangat kagad kayo. Kapit lang.

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  3. Grabe.. maraming salamat sa suporta.. nakakataba ng puso.. salamat salamat... :)

    ReplyDelete