*yes they are my parents
Hindi ako nahihiya na nagtitinda lang kami, nagluluto, naglalako. Hindi kami ganito dati, ewan ko ba. Masagana kami, pero nung dumating yung time na nagsarado yung kumpanya na pinapasukan ni papa, naghirap kami. Pero naging matatag kami.. Eto nalang ang tanging paraan para makapagaral ako. Sila ang nagtataguyod sakin para mapagtapos ng pag-aaral. Sa araw araw na ginawa ng diyos, walang kibit balikat nilang sinusuong ang init at lamig, ulan man or araw para lang may pangkain kami sa araw araw. Alam ko dadating yung panahon na iiwan na nila ko. Pero ayokong dumating yung panahon na iyon na hindi ko man lang sila napasalamatan sa mga ginawa nila para sakin.. Pilit kong pinagbubutihan ang pagaaral ko para sakanila kasi alam ko na sa lahat ng panahon, kapakanan ko lang ang lagi nilang iniisip. Mahal na mahal ko sila..
No comments:
Post a Comment