Nung sabado pa walang kibuan sina mama at papa. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari, pero ramdam ko may away sakanilang dalawa dahil saCanteen namin sa Sm. Marahil siguro dahil pagod na si papa magluto, o baka tinatamad na. Sobrang bigat sa pakiramdam na nakikita mong nasa isang bahay lang kayo pero ang mga magulang mo hindi nagkikibuan. Ang sakit, kasi ayaw ko ng ganun sila. Natatakot ako, maging si mama man ay ayaw ng ganung sitwasyon, pero si papa kasi masyadong mapride. Adroposal stage na kasi sila.
Hanggang kahapon, di padin sila nagkakaayos, hindi kumakain si papa sa bahay. Kumukuha siya ng kamote, at saging saka niya nilalaga at yun ang kinakain niya.. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ayaw niya kumain ng luto ni mama, marahil siguro kasi naiinis siya. Sa araw araw na paguwi ko sa bahay galing eskwelahan, lagi kong pinapanalangin na magkaayos na sila. paulit ulit.“Lord please, sana po ok na sila mama at papa, magpapakabait na po ako, magsisimba na po ako basta sana pag uwi ko bati na sila, please papa jesus..” Yan ang mga eksaktong bukambibig ko habang naglalakad pauwi..
Kaninang umaga pagising ko, may kakaiba kasi nagluto si mama ng almusal, at nagtimpla ng kape. BATI na sila!! :) sobrang nakakatuwa. sobrang nakagaan sa damdamin ko yung nakita ko kaninang umaga. Parang mga bagong kasallang na sweet sa isa’t isa.. Dininig ng panginoon ang mga dalangin ko.. Napakasaya ko talaga. Noon ko lang din ulit narinig ang boses ni papa ng tawagin niya si mama para ibigay ang kalahating basong kape na ininum niya. matapos ang limang araw na nagdaan, mas nakita ko pa yung diwa ng pagmamahalan nilang magasawa.
No comments:
Post a Comment