Kagabi, pag kauwi ko dala ang isang supot ng Mcfloat na hiningi pa ni Cacai. Masaya ako kasi naabutan ko yung Jesica Soho. Yun ang lagi kong inaabangan. Sa gitna ng panunuod namin ni cacai, habang nasa labas si Ka-roger at lumalagok ng paborito niyang inumin, may hindi kanais nais na sigaw kaming narinig.
Sa una akala ko ungol lang ng aso, baka may mamamatay nanaman. Dumukwang ako banda sa may bintana. Kinabahan ako kasi hindi aso yung umuungol. Isang babae, na sa una hindi namin alam kung san nangagaling yung sogaw at iyak pero talagang sobrang lakas niya. Ang dami ko tuloy naisip, *baka may namatay? baka humihingi ng tulong? baka binugbug? Sabay labas din ni papa, kasi narinig niya.. Natatakot ako, kasi tipsy na si papa eh, baka magwala yun. Ayaw pa naman niya ng maingay. Lumabas din ako. Pinakinggan namin maigi kung san yung Iyak, yun pala sa katabing bahay namin.. Sigaw padin ng sigaw , kaya sinaway ni papa. Maya maya ay nawala na, pero as usual, laseng si erpats kaya nagbida bidahan. Kinalampag yung kapitbahay at tinanong kung ano ang problema.
Matagal pa bago lumabas yung babae, Si ate buntis pala yun. Duguan ang mukha niya. Narinig ko lang kay papa at cacai na punung punu ng dugo ang mukha niya. Natakot ako. Pero sabi ni ateng buntis ok lang daw siya.. Ang dami ko nanaman naisip. (*Baka mamaya nagaaway sila ng asawa niya kasi nalaman niya na hindi siya yung ama ng pinagbubuntis nito, baka ihostage si ate buntis at paputukan sila papa sa labas, tapos may dadating na mga pulis, o swat para pigilan siya. Tapos may mga media na dun, at aabutin ng 24 oras yung hostage taking.) Pero hindi pala. hahaha.. Nadulas lang daw siya sa Cr nila kaya nawakwak yung noo. Pero palagay talaga namin binugbug siya.. Pagkatapos ng eksena na yun, balik na ulit sa paglagok ng alak si papa at kami ni cacai ay nanuod nalang
Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko nung mga oras na yun, habang nanonood ako ng MMK (Card), sobrang anxious ako.

your blog is very good and interesting *_* you are very beautiful! maybe follow? im glad if you visit my blog, too <3
ReplyDeletexx
beauthi.blogspot.com
Thanks..
Delete