Isang umaga, may napulot akong 1000peso bill sa daan habang naglalakad papuntang SM Dasma. Iniisip ko kung anong gagawin ko sa 1k na napulot ko, Kung hahtiin ko ba samin ni mama o aangkinin ko nalang at bilin ang gusto ko. Habang [papalapit nako sa naturang mall naalala ko na gusto ko mag pa facial,Gusto ko itry. Hindi ko pa kasi nararanasan yun. PEro bago ako pumunta sa Surgulight *50percent off sila sa facial at kilala ko mga tao dun kasi suki ni mama sa ulam at meryenda. naglibutlibut muna ako, bumili ako ng Lipstick sa etude yung gustong gusto kong kulay na talaga namang minimithi ko pa nung kaarawan ko. Pagkatapos ay naglaro sa quantum ng halos isang oras. Drums lang naman ang inatupag kong laruin.. Tapos dumiretso na ko sa pagpapalinisan ko ng mukha.
Medyo natatakot ako kasi nga perstaym ko ito. Ang daming gumugulo sa isip ko. Natatakot kasi baka tigyawatin ako, or baka gaganda mukha ko. So ayun, nagbayad ako ng 125pesos bago pumasok sa operating room, este higaan. Pero napansin ko parang ang onti ng tao? tapos yung iba nagliligpit na. Eh di pinahiga nako ni kuyang nakamaskara. Nilagyan ng parang glue at tsaka ikinalat ng maayos sa buong nasasakupan ng mukha ko. Tapos umalis siya. kabado ako kasi baka masubogyung mukha ko eh.. Dahil ng perstaym ko..
May dumaang babae tinanung ko if matagal paba to. Sabi niya medyo daw. Napansin ko na tapos na ung mga katabi ko at aalis na,parang ako nalang ata naiwan eh. Pagkabalik ni kuyang nakamaskara may dala siyang tuwalya at sabi niya "mam banlaw na po kayo" Sabi kotuloy, "Bakit tapus na?? un na yun??" Sabi ni kuya "Kasi mam magsasarana po daw kami sbi ng managementmay paparating daw pong bagyo ibabalik nalang po namin yung binayad ninyo,sa ibang arawnalang po kayo magpafacial." Anak ng teteng!! Perstaym ko na nga naudlot pa! eh di nagbanlaw nako.
Pag kalabas ko ng store nakita ko halos wala ng katao tao, Bumaba ako sa bingguhan para sumabay kela mama, eh ang kaso nakauwi na pala sila. So no choice, uuwi akong magisa. Sa labas napakalakas ng hangin! halos natumba na yung bubong ng terminal. Nakakatakot. Sabi ng mga tao centro daw ng bagyong popoy ang SM Dasmarinas. Umihip ang napakalakas na hanginat kami lahat ay dinala. Dinala kung saan man, pero... Pagkatapos Ayun nagising ako.. Hahahah panaginip lang pala...
No comments:
Post a Comment