Ang hirap mag type o magisip dahil sobrang sakit ng ulo ko ngayong araw simula pa kaninang tanghali pero dahil nga pag nakakarinig ako ng magagandang kanta especially mga intrumental eh talaga namanang umaatikabong expresyon ang nararamdaman ko at napakadami kong naiisip na mga bagay bagay.
Tulad nalang ni Cy. Haist ilang araw na ring kaming hindi naguusap dahil sa napaka walang kwenta niyang sermon. Nakakainis kasi siya, ultimo paglilinis ko ng kuko ikagagalit niya, ang katwiran niya eh may sasabihin daw siya eh pwede naman niyang sabihin pag katapos ng ginagawa ko lalu na ilang daliri nalang naman yun tapos ayun nagmaktol na hanggang sa nagsumbatan nagsigawan at tuluyan na kaming nag away. Sa totoo lang, napaka babaw niya kasi palagi. Lagi naman niyang sinasabi na binabago na niya yung pagkabugnutin niya pero ang totoo hindi naman, ganun pa din siya at mas lalong lumalala.
Pero ang totoo na kahit ganun siya eh sobrang namimis ko na siya, at alam kong namimis na din niya ako. Alam ko yun kasi lagi kming ganito.. Alam kong tinitiis niya lang din na wag akong itext pero ang totoo sobrang mis na niya ko. Kaya ko din nasabi kasi ganun din yung nararamdaman ko.. huehue..“Yhat i miss you so much na” Sana bago ako pumasok sa lunes e magkaayos na kami.
Tapos eto naman speaking of pasukan, hay monday na pasukan eto nanaman ako magaaral nanaman at sana makagraduate na next year. jusko ang tanda ko na. Ewan ko ba pero tinatamad na ako pero hindi pwede kasi nageepect sila mama eh kailangan kong tapusin isang taon nalang eh aayaw paba ako??
Tapos yug thesis nanaman, kapag iniisip ko yun dahil nga dun sa nangyari eh pakiramdam ko gusto ko magpakamatay (De joke lang) Ngayon namomoblema tuloy ako kung pano ko gagawin ng magisa. ang dami ko naiisip na baka hindi ko kayanin baka mabully ako kapag defense kasi magisa ako na baka bumagsak nanaman ako. huehue.. Grabe halo halo na yung nararamdaman ko parang Halo-Halo ng Chowking o ng Mang inasal pa man yan.
Tapos napepresure pako sa tuwing may nakakasalubong ako na kakilala tapos tatanungin ako kung san ako nagtatrabaho o kung graduate naba daw ako? kaya minsan, hindi naman sa pagiging masungit o suplada ko kapag hindi ko sila pinapansin eh umiiwas lang ako sa mga tanoang na ganun kasi maiisip ko nanaman tapos mapepresure nanaman ako tapos magiisip nanaman ako ng mga negatibong bagay hanggang sa hahantong sa Pakadesperada ko.
No comments:
Post a Comment