26 September 2012

Papel




Nag hahanap ako ng mga notes ko for the past few years. Para sa mga projects naming. Madami kasi akong naitabi na mga codes and designs nung lower level pa ako. Then kinuha ko yung clear book ko na halos lahat ng notes nandun pati nung highschool pako. Habang binubuklat ko isa isa yung mga pahina bigla ko nakita yung mga sulat ko. Sulat sa ex, sa crush sa magulang ko. Bigla nagflashback sakin yung mga nangyari noon. Sobrang  naexcite ako. Kinuha ko yung iba. Gustong gusto ko ulit basahin.

May isa akong sulat, well parang isang kwento siya ng past ko eh. About samin ni cy, nung medyo naguumpisa palang yung relationship naming. Bigla ko siyang naalala. 4pages back and fort. Actually parang scribble lang to eh. Ginawang ko pa nga to ng movie clip..

Gusto kong itype ito, ng kahit papano pag nawala yung sulat ko eh mareretrieve ko ito, yun nga lang hindi na siya handwritten, type na.  .pero ok lang atleast hindi mawawala yung memories.





L.Q. with him

(Magkausap kami ni cy: sa phone, halos magdadalawang oras na. pinaguusapan naming yung mga gusto naming gawin, at yung istilo ng bahay na gusto naming, then suddenly.. May nagtext sakin.)

Ako: Babe, wait ha…
cy:  Ok po babe.
….. Pagkatapos ko replayan  yung nagtext, pinagpatuloy naming yung
Paguusap namin, pero wala pang isang minute may nagtext nanaman.
Ako: Babe teka lang ulit ha..
cy:  Ok.. Hmmmmm. Sinu ba kasi yang nagtetext na yan?
Ako: Tropa ko may tinatanong lang. (Yung crush ko yung katext ko)
cy:  Ah. Ok sige…..

After few minutes of conversation ganun pa din, habang kausap ko siya, nirereplyan ko din yung katext ko.

cy:  anu ba naman yan, kanina kappa nagpipipindot dyan. Sakit na ng tenga ko!
Ako: Sorry naman!
cy:  Tangina naman oh! (Sabay baba ng phone.)
Ako: ay tae binabaan ako, ang bastos.

*Naguilty ako, alam kong mali yung action ko kaya siya nagalit at pinutol ang paguusap naming..

Text argument:
Ako: Sorry na nga diba?
cy:  Sino ba naman kasi matutuwa sa ginagawa mo! Minsan na nga lang tayo mag usap may katext kappa.
Ako: Ewan ko sayo! Napakaseloso mo kamo, alam mo yun.
cy:  Boyfriend mo ako kaya may karapatan akong magalit sayo kasi, magkausap tayo tapos may katext ka pa. anu yun naglolokohan ba tayo dito? Kung sayo ko kaya gawin yun? Ha!
Ako: Ayoko na! maghiwalay na tayo! Nakakasakal  ka naman! Palagi nalang ganito! Selos ka nalng ng selos! Break na tayo!!!

After 3 mins. . . . . .

cy:  Ano hindi kanaba magtetext??

Another few mins. . . . .

cy:  Gue bahala ka!

(*Dumaan ang isang buong araw.)

Gustuhin ko man siyang itext eh ayoko. Kasi baka hindi siya magreply. Mahal na mahal ko si  cy . ALam kong ako may mali at may kasalanan. Paiba iba kasi ako ng mood. Nabigla ako sasinab ko.
Pero ayoko padin siya itext. Taas ng pride ko eh..

Biglang nagtext si  cy:  .
cy:  Kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos babe, nababaliw na ko kakaisip sa iyo.
*Hindi ako nagrereply..
cy:  Hindi mo naba ako mahal? Wag ka ng magalit sakin babe. Usap na tayo. Mis na mis na kita alam mo bay un. Sige na ohh.. Uy! Bati na kami niyan..

*Ako naman pangiti ngiti lan.. Pero di padin ako nagtetext.

cy:  TAE naman eh! Hanggang kelan kaba ganyan? Nakkfrust8 na kasi e, kailangan bang ganyan?
cy:  Alam mo yan ang problema among the girls. Pag may problema nagkukubli, ayaw magparamdam kaya yung problema hindi nasosolve.  Eto na oh, nagmamakaawa na yung tao na pansinin mo.Hanggang  kelan mo b ko pahhrapan? Hanggang kelan ba ko kelangan humingi ng sorry sayo. Maging iba ka naman. Akala ko ba iba ka sa kanila?

*Hindi ako makapagtext. Hindi ko alam kung bakit. Talaga bang ayaw ko na sakanya? Or gusto ko lang ng space para makapagisip.

cy: Ipapadanas mo din bas akin yung ganito? Pahihirapan mo din ba ako ng halos isang taon?

. . . . . . . few seconds. . .

cy:  aminin mo na ksi may mali ka din. Parang ang nangyayari kasi ako lang yung lumalabas na mali. Parang kasi tungkol lang sayo dapat. Parang gusto mo ikaw lagi yung tama. Unfair naman kasi na lagi nalang ako, lagi nalang ako yung may kasalanan. Tao din ako, nassktan. Pakiramdam ko kahapon parang kung sino lang ako. ALam mo ni hindi ko nga maramdaman na mahal mo ako or may halaga ba ako sayo eh. Hindi kasi yun bsta bsta, isipin mo din namanako, hindi lang naman dapat ikaw yung isipin. Pano naman ako? Kausap mo nga ako pero may tinetext ka pang iba. Sino b ko sayo? Ano bang papel ko sa buhay mo? ALam mo yun, Parang echapwera lang ako kahapon. Sobrang bussy mo magtext kung kaninp. Babe, I never did it to you diba? Kasi alam mo na IKAW angPriority ko. All of my time is just for you, tapos ganun yung ipinapakita mo sakin. Bakit ba kasi kelangan maging isip bata? Be mature enough babe, your note a teenager na, 19 kana. Kaya please? I needyou. I really really need you so badly babe.

*Grabe naguiguiltyako, anong gagawin? Ngayon pako naubusan ng load. Huhuh

cy: Sana kung alam ko lang na magaaway tayo kahapon, sana hindi nalang ako nagpaload pa,alam mo nama diba na ayokong ayoko na nagaaway tayo.

*iniisip ko tama siya, at narealize ko na yung mali ko.

cy:  Babe, I promise, this wont happen again,.I will try to control my self nextime just don’t break up with me. Its Killing me.! Please give me another chance to prive to you that you’re my everyting, babe please. Pag nangyari ulit to then  you can dump me and I let go and try to survive it..

*this time gusto ko na talga siyang itext kaya lang wala akong load. At wala akong pera. Wala din akong kasama sa bahay ngayon. Anong gagawin ko?!!!

cy: I hope that you are reading all my message. Sana napalambot ko naman kahit kaunti yung damdamin mo para sakin. Madami tayong pangarap diba? Madami akong pangarap at kasama ka dun.Lagi kitang iniisip sa bawat Segundo na nabubuhay ako ngayon . Mahal na mahal kita.
cy:  wag mo namn gawin sakin ito babe. Di dahil natuto kana sa past relationship mo. Iba kasi tayo eh. Wag mokong iwan ng ganito. Mababaliw ako.
cy:  Just one text babe, one text lang na binabawi mo na yung sinabi mo na iiwan mo ko. Ayoko ikaw mawala! Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayoko!
cy:  Parang kahit anung gawinko hindi kita makumbinsi na magstay. Pakiramdam ko mamamatay nako.

*pumunta ako ng tindahan habang hangos ang luha, walang tsinelas at umiiyak, nakiusap ako sa tinder na pautangin ako ngload kahit sampu lang. 
Pagkaload ko dali dali ko siyang tinext at nananalangin n asana hindi pa huli ang lahat…

Ako: Babe, Sorry sorry so much if naun lang ako nagkapagtext. Wala kasi akong load, at naguguluhan din ako kung ano bang dapt kong sabihin sayo. Sorry babe, naguiguilty ako sa ginawa ko, ikaw pa yung nahihirapan samantalang ako yung may kslanan. Sana ako yung mapatawad mo ako yung nagkamali. Sorry kasi napakachildish ko mgisip, selfish ksi sarili ko lang yung iniisip ko. Nalinawan ako babe sa mga sinabi mo. Sorry kadi hindi ko man lang inisip yung kapakanan mo. Babe! Hindi ko kayang mawala ka alam mo yan. Ikaw yung nagpapsaya sakin, nagbibigay halaga, nagiging sandalan ko pag may problema ako, at inspirasyon ko para mabuhay pa ng matagal. Sorry if minsan or madalas iniisip mo hindi kita mahal . Pero babe! Mahal na mahal kita! Di ko kasi alam kung pano ieexpres ng maayos yung nararamdaman ko para sayo eh. ALam mo naman na ikaw lang yng lalaking nagpatino sakin e,. Pakakawalan pa ba namankita? I love you so much babe…. Sana hindi pa huli ang lahat, sana hindi mo ako ginive-up..

*Sakit ng kamay ko pero, mas masasaktan ang puso ko kung mawala siya sakin.

30mins ang  lumipas pero wala padin siyang tex.t. nagaalala nako baka talgang ginive-up niya nako. Kaw naman ksi babae, nagmatigas kappa eh!
Biglang may tumawag.

Calling  cy:  :
Hello babe, (Ramdam ko na Masaya na siya) Ayan bati na tayo,hehheh .
Ako: oo bati na tayo. Sobrang sorry talaga babe ha.
cy:  Sabi ko na eh hindi mo ako kayang mawala no. Adik ka talaga. Pinahirapan mo pa ko, at ang sakit ng daliri ko.
Ako: Sorry ulit.. ako nga isang buong text lang sayo masakit na daliri what more pa yung sayo. Sorry talaga ha.
cy:  I love you babe, I love you so much. Ok na tayo ha..
Ako: oo naman,hindi hindi na ulit  tayo magaaway.

*After that fight halos hindi na kami nag aaway, pag may misunderstanding pinaguusapan agad namin para hind na agad lumaki yung problema. Mahal na mahal ko si cyrus.  And as of now  1 year na kami and still counting.

At diyan nagtatapos yung sulat ko. Whew. Kahit ako napagod sa katitpye nito. Pero ngayon wala na kami pero magkaibigan parin kami. Bigla ko tuloy siyang naalala ngayon. Kamusta na kaya siya?

Sa susunod na yung iba pang mga sulat ko. Medyo mahahaba din kasi yun. 


No comments:

Post a Comment