02 August 2012

Today is another day

Isang panibagong araw na naman para sa isang taong katulad ko. Kagabi sobrang nanginginig ako sa takot dahil may topak ang aking mahal na AMA dahil sa Pwesto namin sa SM. *yung moment na narinig mo na nagbukas yung pintuan nila, tapos biglang bubuksan yung pinto ng kwarto at walang habas na isasara! Sabay TADYAK SA PINTO! na hindi mo naman alam kung bakit. Sobrang takot na takot talaga ako, pag tinotopak si Papa, yung itsura ng bahay namin parang lungga ng ipis. Kapag andyan pa yung monster walang lumalabas. Pero kapag wala na, kung saan saan sulok nagpupunta mga tao. Dahil sa insidenteng iyon, mga 4am nako nakatulog kasi baka magising nanaman ang Monster at tadyakan ang kawawang pintuan na walang kasalanan.

Ngayong umaga, nagising ako ng maaga bali 4am ako natulog tapos gumising ako ng 6am *2hrs lang tulog ko. Pero need ko na pumasok kasi ^11Days akong bakasyon kasama na yung class suspended, pati yung araw na may sakit ako. 8amang unang klase ko, pero as usual hindi dumating si Sir Gwapong Paul; NGANGA! hanggang 11am. Buti next class namin andun si Mam M, Ang aming gabay sa buhay.. hehehe. Usapang thesis. Wala ang partner ko. Wala kaming naipacheck. BOOMM!!! Inexplain ni mam yung mga dapat naming gawin, ipasa, ilagay, ihabol, at kung ano ano pang gawaing hardcore. Deadline ng thesis namin with 50% ng system ay sa aug.28. *WALA PA KAMING NAUUMPISAHAN!! WTF! First week ng September Defense na! My god! makakagraduate ba ko lord?? ohhh diyos ko!! Pakiramdam ko katapusan na ng buong sanlibutan ko. Iniisip ko pa lang, mamamatay nako. :( Tapos yung narative report pa, hanggang next week nalang. Hay buhay mo Keizha, laging last minute.

3pm Advance programming namin pero pito*7 lang kaming pumasok, kung tutuusin dapat ako lang ata ang papasok. Yung mga klasmayt ko kasi ay nagsipag galaan sa SM BACOOR. Pero thankful ako na hindi na sumunod yung anim ko pang kaklase kaya may kadamay ako sa lecture namin.. :) Diniscuss ni mam L yung mga pointers para sa midterm next week. Kung tutuusin ay ngayon ang midterm week namin, pero sa kadahilanang dumaan si gener sa buhay ng mga estudyante, na mas lalong nagpakomplikado ng buhay eskwela namin ay na move ang MIDTERM!!!! Late na nga kami, late padin ang exams!

No comments:

Post a Comment