09 August 2012

Ka-Roger Again

Nagyong gabi, nagbabadya nanaman magwala ang monster na padre de pamilya dito sa bahay. Ganun padin yung pinaguugatan ng himagsikan.  "Ang Galit kay kuya" mga dalawang buwan na din nung mas lalong tumindi ang iringan ni papa at ni kuya. Yun yung time na mag bukas sila ng canteen canteenan sa loob ng SM Dasmariñas. *pero dati pa, mainit na talaga ang dugo ni papa sakanya, dahil na rin siguro sa sakit ni kuya.
Nakakatakot, nakakakilabot, dumadagundong yung mga tagpo sa bahay kapag nagpapang abot silang dalawa. Parang eksena sa Telebisyon. *Yung tipong naghuhurumintado ang Ama. "Gago, eh putang $na, Eh walang &*ya yang anak mo eh! Sira*lo." Ganyan ang madalas na bigkas ni monster dear sa bahay. Wala naman talaga siyang kaaway talagang gusto niya lang magsisigaw. May mga oras at pagkakataon din na pati mga kapitbahay namin natatakot na, nagsasara ng mga bahay.. Di ko talaga alam kung bakit ganyan ang padre de pamilya namin, pero sa umaga hindi naman siya ganun. Ubod ng bait niya.. Sana Dumating yung panahon na wala ng ganung eksena sa gabi, kasi hindi lang naman kami yung naapektuhan, pati ata buong Village.. 

No comments:

Post a Comment