09 August 2012

Huling habilin ni Itay



  • *Habang nakatable si mama sa terrace kay papa, naguusap sila about sa buhay buhay nila at ang mga napagdaanan nila. Pero eto yung pinaka nakapagpalambot sakin:
  • P: Matatanda na tayo eh, dapat mag enjoy nalang tayo.
  • M: ......... *Hindi talaga sumasagot si mama, hinahayaan niya lang si papa.
  • P: Malalaki na naman yung mga anak natin, dapat nga magbinggo nalang tayo o kaya mag laktwatsa yung saan saan kasi wala na tayong gagawin eh.
  • M: ...........
  • P: Isa nalang naman kailangan natin eh.. , Basta makatapos lang si monmon ok na ko, tapos na misyon ko sa mundong ito. Pwede nako mamatay.
  • M: ..........
  • P: Basta pag ako namatay, ayoko iburol, ...., sunugin niyo ako at itapon sa dagat. Basta yan lagi mong tatandaan kapag nauna ako sayo. .
  • (*yung pakiramdam ng marinig mo yung mga ganung usapin. Sobrang hirap magadjust lalo na kapag alam mo at alam din nila na malapit na nila akong iwan magisa. )

No comments:

Post a Comment