03 August 2012

I know what you did last Friday

     Simula nanaman ng araw ko pagkatapos ng unos kagabi sa bahay dahil kay manong Roger. Alas Nuebe nako nagising, kung hindi pa ako ginising ng aking mahal na ina ay hindi pa ako babangon at magmamadali dahil may klase ako ng 10am. Pero dahil absent ako kay mam Luisa last week ay papasok ako ngayon, kahit gano man ka late! basta papasok ako!!  Pagkatapos maligo at magbihis sa loob ng Sampung minuto. Bumili nalang ako ng Skyflakes at ang pabortito kong inumin. "YAKULT" ok kaba tyan? 
Sa bus palang ay ramdam ko na ang nagagalit kong tiyan na parang sinasabi na "HOY!! TABA! PAKAININ MO NA KAMI!!" Kaya ininom ko na ang Yakult at kinain ng paunti unti ang matigas na biskwit. 
     Parang nung mga oras na iyon ay napakahaba ng byahe ko, pero buti nakaabot ako sa klase. Pinagusapan nanaman namin ang math!! math!! Derivatives! ang sakit sa ulo... Nadagdagan pa ng Inverse at Higher Derivatives. Pilit ko nalang ipinapakita kay Mam Luisa na naiintindihan ko kahit papano, pero ang totoo nanghuhula lang ako ng sagot at naiintindihan ko. *Ang hina ko talaga sa MATH! 
     Pagkatapos ng klase ay pinagusapan namin ang tungkol sa "MIDTERM EXAMINATION" at dahil next friday ay walang pasok dahil sa Aquaintance ng mga 1st at 2nd year ay namove ito ng NEXT NEXT WEEK! 
     Sana may klase pa ko ng 1-4pm, pero dahil wala ang motor ng aming butihing taga turo, ibig sabihin wala kaming pasok sakanya. Kumain muna kami sa sheperd bago pumunta ng SM. 
    Pagkadating sa loob ng Mall, nagdrums muna ko, pampalubag loob dahil iisang subject nanaman ang pinasukan ko. Pagkatapos nun, tumingin na kami ng palabas sa taas. Pero habang papalapit kami sa sinehan, napansin ko na hindi pinapapasok yung mga dalang pagkain sa nasabing sinehan, kaya tinanung ko kung bakit?? BAKIT hindi pwede? kahit mcfloat hindi pwede? "Yun po kasi yung utos ng snack house eh." Yun nalang nasabi samin ni kuyang taga bantay ng #8. Well siguro kasi nalulugi yung snack house dahil pwedeng bumili sa supermarket ng mas mura at nakakabusog na pagkain kesa sa napakamahal nilang tinda. Kaya pumasok kami sa sinehan ng wala ni ano mang makukutkot kahit man lang candy.. Nanuod kami ng Killer Elite ng gutom! 
     Sa loob ng sinehan wala kaming ginawa kung hindi magkwentuhan ng kung ano ano, yung mga bagay bagay na medyo similar kami. Tapos "Napanood mo na yung ano... " Yan yung madalas na bukambibig namin ni JP. Tawanan kami kahit yung tipong yung mga tao sa loob, masyadong tahimik.. Sige lang ng sige, parang nasa bahay nga lang. Nakataas pa paa ko.  Medyo hindi na namin siguro naintindihan yung pinanunuod namin.
    After nung eh, napagyayaan namin kumain, para tulad nung sa Chickboy lang.. Nagmanginasal kami at dahil sa sobrang gutom ko, nag kamay ako at Tag limang kanin ang nakain namin. Sa pag daan ng mga minuto biglang napagusapan namin ang Salitang PWET. *yung inorder kasi ng JP yung bandang pwet eh hindi siya kumakain nun.. 


J: Ano ba to? pwet?
K: oo masarap kaya yan. 
J: (tinanggal sa manok yung pwet at akmang ibibigay sakin) Gusto mo sayo nalang??
K: AYOKO! MAY PWET NAMAN AKO! (*Sabay tawa)


Tapos bigla niyang nakwento yung kapatid niya; usapang cornetong matigas at malambot naman.. Dami much kami tawa talaga! 


 |Sobrang sakit sa tyan na yung tipong hindi kana makahinga.. Bloated yung tiyan namin. Tapos naikta kami ng mga kaklase namin, at nagkayayaan sa foodcourt.  Akward ng pakiramdam kasi puro lalaki sila. Pero pakitang tao nalang.. Sa kabuuan ay masayang masaya, mga 8 na ko nakarating sa aming bahay. Buti good mood si karoger. Kaya ok na ok ang tulog ko.







No comments:

Post a Comment