28 October 2012

Patayin sa Shokot si monmon

Kahapon maghapon lang ako sa bahay. Kasi nga walang pasok. Solong solo ko yung sala, walang nangaagaw ng panunuod ng t.v. Habang kumakain ako ng Goya chocolate at Sprite. Sarap ng pakiramdam ng biglang dumating si papa. At ayun nasermunan. Kaya pinatay ang T.V at naghugas ng sandamakmak na pinggan. Sakto 7pm nako natapos sa dami. Tapos bukas ulit ng T.V. jamming kami ni papa habang nanunuod ng Weekend getaway. 
Bandang mga 8pm umalis si papa para sunduin si mama sa SM. eh di ako nanaman magisa. Pagkatapos ng Weekend Getaway eh inilipat ko sa ch7. Extra challenge yung palabas. Well, maganda naman siya tapos ayan na. Jesicca Soho na. whew. excited ako kaso nung bandang climax na nung show medyo napraning ako. Nakakatakot kasi yung featured nila eh sakto naiihi nako, hindi talaga ako umihi. Tapos yung part na about sa walang ulo, salamin at doppleganger yung part. Hindi ako mapakali. Sinarado ko yung lahat ng nakabukas na pintuan sa bahay tapos yung pintuan namin palabas ng bahay eh binuksan ko ng todo tas bukas lahat ng ilaw. Mag aalas nueve na wala padin sila. Inilipat ko sa ch2 ganun din nakakatakot, pati sa ch11. hays. halos mahulog na nga ako sa labas ng pintuan kasi dun ako nakastay habang nanunuod. Grabe yung pakiramdam..

Naalala ko tuloy nung bata pako, magkakasama kami ni mama at papa na nanunuod ng Magandang gabi bayan kapag sasapit ang undas. Eh talaga namang nakakatakot.

Finally!

Finally at last! nabili ko na din siya. After all this years na hinahanap ko to. Ang sabi eh sa Cebu at Davao nalang daw meron, well maigi ng magantay.. hehehe. This is it. Eto na yung makakapag kumpleto ng sembreak ko. nakakatuwang isipin na sa inaraw araw kong pagbisita sa isang bilihan ng libro sa isang mall, at last meron na! *siguro nakulitan na yung staff sakin kasi bawat araw pumupunta ako dun para magtanong... 


26 October 2012

Fridate (alone part two)


Eto nanaman ako, kinakausap ang sarili. Dapat talaga manunuod kami ng friend ko ng Looper kaya lang tinanggal na siya sa list ng movies na showing sa isang mall dito sa Cavite. Sobrang nakakalungkot kasi ilang linggo din naming inantay yun tas 3days lang siya pinalabas. Tsk. kaya ako nalang ang nagmovie trip. Gusto ko sana yung A secret affair nila Anne Curtis at Derek Ramsey kaso may promo dun sa isang cinema roon 50% off. Apparition yung movie eh mukhang maganda kaya yun nalang pinanuod ko. bali 75pesos lng yung binayaran ko.


Sakto pag pasok ko kakaumpisa palang, wala akong idea kung tungkol san ito. pero nung rumorolya na yung film eh. Napansin ko na Korni siya.. OO korni para sakin, ang kilala ko lang dun ay yung gumanap na malfuoy sa HP. Parang ang kwento ay binabalikan sila ng mga multong ginambala nila sa university tapos yung nasa cover ng movie eh walang kaalam alam dun dahil yung Boyfriend niya yung may kasalanan. Bali nadamay lang sila. Sa totoo lang hindi naman nakakatakot eh. mas nakakatakot pa yung Paranormal eh o kaya Insidious. Sa huli namatay din silang lahat. 

Oh eh tapos na. wala na kong pupuntahan, sakto kulakalam nanaman ang sikmura ko. Bumalik ako sa Greenwich kung saan ang sabi ko ay hindi na ko babalik dahil sa maduming utensils nila. Eto yung post ko about dun: Ang maduming utensilsEwan ko ba parang lagi akong hinihila papunta sa fastfood na yon.


Tinry ko naman yung Overloaded meal C. Yung  spaghetti na may kasamang solo size na hawaian pizza tapos nagpaadd ons nalang ako nung ipinopromote nilang new Pearl Coolers na Choco Mint. At infairness, mabilis yung pag dating ng kakainin ko. parang nabasa ata nila yung post ko hahaha joke.  Ganun parin yung mga tao dun may family, group of students tapos ako. Ako lang ang magisa nanaman. habang buhay na atang magisa nalang akong kakain. ahahaha.. Nabusog naman ako at masayang umuwi kasi hindi na madumi yung lagayan ng kutsara.  Inisip ko nga dito ko nalng dadalhin si mama sa birhtday niya sa December. para sulit yung 250pesos na magagastos ko. Pangako ko kasi sakanya na kapag birthday niya itetreat ko siya kahit saan.

24 October 2012

Human Tester

Simula ng pagkabata ko, may asthma nako. Lagi akong sinusumpong mas madalas kapag gabi. Naalala ko pa non, grade 3 ako hatid sundo ako ni mkama, lagi akong late pumasok kasi nilalakad lang namin eh dapat dahan dahan lang yung paglalakad ko kasi nga hinahapo ako madalas. Nakakapit ako sa braso ni mama kapag naglalakad. Madalas din, hindi ako nakikipaglaro o harutan sa mga ka-eskwela ko kasi kaunting galaw lang hihikain agad ako.

May isang bese pa nga, ako yung naatasan mag ricite ng poem para sa program namin, Buwan ng Wika ata yun kaso ang nangyari hinika ako that time kaya hindi ako nakapasok kaya pinalitan ako ni mam nung araw na ding yun. 

Sabi pa ng iba, kapag hindi pa daw natanggal yung asthma ko until 7 years old ko eh habang buhay ko na daw itong dadalhin. Baka eto na din daw yung sanhi ng ikamatay ko. 

May kilala si mama na may anak din na may hika, bandang kanto pa nga yung bahay nila tapos pababa sa ilog. Inimbitahan kami para magpacgeck up sa isang pribadong ospital dito sa Cavite. Libre naman daw lahat, walang gagastusin at may allowance pa!  kaya pumayag si mama. 

Kada Sabado, bumabyahe kami ni mama ng jeep papuntang DLSUMC. Pumasok kami sa isang malaking building tapos sa dulo yung kwarto. Malamig at walang kurtina, maaliwalas din yung paligid. Hinarap kami ng isang babae, si mam anne. Di ko alam kung doctor siya basta alam ko may suot syang stetoscope. May lugar dun na pwedeng maglaro. Ang daming toys. Habang naglalaro ako, parang kinausap ni mam anne si mama. Well, hindi ko alam yung pinagusapan nila pero batid kong tungkol sa gagawing therapy un para sakin. Bago kami umuwi may ipinasubo sakin si mam an na parang tubo, tapos sabi niya bumuga daw ako yung pinakamalakas ko. After nun may isinulay siya sa isang papel na may nakasulat na pangalan ko. Tapos inabutan na ni mam anne si mama ng sobre. Bago kami umuwi dumaan muna kami ng Walter para kumain, yun kasi yung sabi niya eh. Syempre bata pako nun kaya Jolibee ang pinili ko. Tapos yung sobrang pera mula dun sa allowance ko eh pinang Bingo ni mama. Eh ano naman pakeelam ko dun wala pakong muang sa pera basta maibili na ung gusto ko eh ok nako.

Kada sabado yun. walang mintis akong dinadala ni mama dun. may allowance may jolibee, specially may pangbingo. :)  Tapos kada isang buwan pumupunta kami sa laboratory para ipa ECG ako. 

Naalala ko pa nun December may gift sakin si mam anne, isang malaking bag pack, at isang alarm clock na hello kitty tapos umiilaw yung gitna..  Limang buwan din yun. Limang buwan na hindi ako sinusumpong ng hika dahil sa gamot na ibinibigay sakin ni mam anne.  

Pagkaraan ng 5months -last visit namin May 1997. Malungkot ako habang kinakausap ako ni mam anne kasi alam ko na eh sinabi sakin ni mama na last na punta na namin dun. Last time ko na din bubuga sa parang tubo na aparato na yun at last time ko na makikita yung kwarto na yun kasi ako na daw yung last na patient nila. After ko sa Amerika na sila mag tetest ulit ng iba.. Yung bag na binigay sakin ni mam anne nilagyan niya ng sangkatutak na Gamot, nebule, vitamins. Tapos binigyan niya din ako nung katulad ng tubo na ipinasusubo niya sakin kaso plastic. Gamitin ko daw yun pag nararamdaman kong hihikain ako, para malaman daw ni mama kung hinihika talaga ako. 


Pagkatapos nun matagal na ulit akong hinika, dalaga nako ulit nung hinika ako..

Sabi nga ni mama parang ginawa daw akong human tester eh..


Mondate (Alone)



Sobrang nakakapagod talaga yung byahe from Imus to Dasma. Samahan pa ng traffic. Nakakagutom. Kaya bago umuwi dumaan muna ako sa SM Dasma para kumain. Hindi ko alam kung san ako kakain, nakatatlong ikot ako sa mga fast food chain. Tapos naisip ko hindi pa ko nakakakain sa Greenwich. Kaya ayun. Bali ang inorder ko yung oveloaded meal nila na One piece fried chicken, rice at half spaghetti, tas coke. Eh nung magbabayad nako wala na daw silang coke if ok lang daw pineapple juice nalang. Habang nakaupo ang dami kong naiisip, nakikita, napapansin sa paligid ko. May dalawang bading na nilalandi yung isang staff doon, may dalawang babae na walng ginawa kung di magsalita ng english, may isang family na parang may birthday. Tapos, ako eto magisa habang inaantay yung order ko. 


After 15mins, wala pa yung order ko pero napansin ko yung mga sumunod sakin na nagorder may kinakain na, at ang malupet pa dun May Coke sila! eh ako pinagdagdag pa ng 12 pesos para dun sa pineapple juice. Anak ng!! Pagkadating pa sakin nung lagayan ng kutsara eh ang dumi. Maligasgas tapos may kanin kanin pa..

Dumaan ulit ang 15minuto bago pa nakarating yung order ko. Natapos na't lahat yung mga katabing table ko ako kakain palang.


Ayan kitang kita pa yung dumi dun sa lagayan ng kutsara. Hindi lang talaga ko yung tipong mitikuloso sa maghahanda ng pagkain ng iba eh, pero siguro kung ibang tao yung nakakita niyan malamang baka nagreklamo na yun. Next time di na ko kakain dito. Bukod sa madumi yung utensils nila, eh ang sabi ko sa nagtake ng order sakin well done yung chicken. Eh pagbukas kon nung chicken ang lansa pa sa loob, tapos malalaman mong minadali yung pagluto. ok na nga yung nagantay ako ng matagal basta tama lang yung ibibigay nilang inorder ko eh.

Enjoy ako kumain magisa. Aminado ako, mas stress free ako kumain pag walang kasama. Loner na kung loner pero ganun talaga ako. Pero depende naman din sa kasama ko, kung close ko yung taong kasama okay naman pero kapag hindi, parang bawat kilos ko limitado dun sa platong kinakainan ko. 

Madalas kasi sa bahay ako lang magisa, wala akong kasabay kumain. Kaya siguro ganun. Parang baliw nga lang.


22 October 2012

Early Campaign?


Linggo pagkatapos ko maglaba eto bumungad sakin sa harap ng pintuan. May assembly. Buong sampaloc I-IV ata. daming tao. Yun pala andun si Mayor, mga konsehal, at si Mr. jay Lacson at Mr. Ayong Maliksi.  Umpisa naba ng Kampanya? Pero sa mga naririnig ko ay parang meeting de  abanse lang. Pero sa pananaw ko maagang kampanya. 

Ang daming plataporma ang sinabi nila. 

Sabi pa ni mayora "Tayo lang pong mga Dasmarineño ang may birthday gift na 1,000 piso para sa mga Senior Citizens"

*Pero ang alam ko ang unang gumawa nun ay yung mga taga Makati. 

Wel hindi naman ako agaisnt sa kanila kasi napakalaki ng ginawa nila para sa Lungsod ng Dasma. 

May isang issue pang binanggit si Gov. Ayong na sinasabi na parang may nangahas pang kumalaban sa pagka-Mayor ng Dasma na isang Konsehal pa. 
Haist ang pulitika nga naman..

Sana lang hindi sila puro pangako. 












20 October 2012

Bente for richer for poorer



Kaninang umaga pag gising ko, hindi magkanda ugaga si mama maghiwa ng mga iluluto ni papa kaya tinulungan ko siya. Tinanggalan ko ng gilid at dulo yung Bitswelas ba yunh?? o baguio beans? d ko alam eh. Tapos habang nag hihiwa siya kunausap niya ko.


mama: Mon alam mo ba binilihan ako ni papa mo ng Pantalon.
ako: Oh talaga? me pera siya??
mama: oo nakakuha siya diba yung sa bonus niya sa pension.
ako: magkano??
mama: tag bebente lang, (sabay ngiti) 
ako: (may kumurot sa puso ko) Wow naman eheheh.. 
mama: tag isa kami.
ako: ahh partner.
Nung mga oras na yun, ang laki ng tanong ko sa sarili ko, bakit naging ganito kami?? dati magara yung mga damit namin. Hindi bumibili si mama ng walangk! (signature) Pero dahil nga nawalan na ng trabaho si papa dahil nagsara yung kumpanyang pinapasukan niya, eh naging ganito na kami. Hindi ko nga halos lubos maisip kung pano na kami pag dating ng panahon. Kaya nga gustong gusto ko na makapagtapos ng pagaaral para naman mabili ko yung gusto nila mama at papa. Haist.

19 October 2012

GINISA NA SINABON PA



Ayun gisado. Sinabon at nagmukhang ewan. Malamang dahil na din wala kaming tulog.
Non ko lang narealize na may point talaga yung mga panel. hhahaa.
Sana Pasado padin. Ayoko na magtagal pa sa kolehiyo. pang limang taon ko na to.. 


May narealize din akong isang malaking tanong sa sarili ko dati pa.
Hindi naman pala talaga siya walang alam, sadyang tamad lang siya pero may utak.. Thumbs up ako sa pagtatanong niya samin. Napaka professional niya sa pagtatanong although nganga kami eh napahanga ako sakanya.


Lesson learned:

Kahit kilala mo at kaclose mo yung nagpapanel, huwag maging confident na papasa ka. At ang pinaka espesyal “Huwag magoovernight sa paggawa ng thesis pag kinabukasan yung defense.”

17 October 2012

Thesis ang pinaka mahirap na sginagawa ng isang college student




Ang sakit sa ulo, sa batok, sa tiyan, sa mata. Puyat, gutom, pagod ang mga kamay, mata puwet, balakang, pati nga mukha eh.  

Nagovernight kami dito kela madilyn para tapusin ang isang pagsubok na aming kinakaharap. Overnight lang namin dapat gawin kasi kinabukasan or este ngayon palang umaga ay haharap na kami sa isang malaking pagsubok. Defense of the Acient. hahah. Salitan kami ng tulog, ako nga halos wala pa atang tulog? Hindi kasi ako makatulog eh, pakiramdam ko kasi talagang dapat pagpuyatan ito. 

Sana lang talaga makapasa kami. 

Goodluck sa amin mamaya. 

Godbless us.

15 October 2012

Minsan sa isang taon


Sa totoo lang, habang pinapanuod ko to para akong nauupos na kandila, nakakaawa yung sitwasyon nila. Aani ka ng 27kilos ng abaca sa isang taon na mahigit kumulang 1,000 piso lang tapos iaawas pa yung utang na halos 600piso.

Kung yung ibang tao nga nagsasayang pa ng kanin o bigas eh. Sila halos isang beses lang nakakakain.  Yung mga maswerteng tao minsan binabale wala nalang yung natatapong kanin.


Nakakainis isipin na halos walang ginagawa yung gobyerno para maabutan sila ng tulong. Sagana tayo sa bigas yung iba nga nabubulok nalang dahil itinatago sa imbakan, eh kung ipinamimigay nila? e di sana hindi nasasayang.

Saludo ako sayo Mang Tusan sa ipinakita mong sakripisyo para sa pamilya mo. Isa kang napakabait na ama. 

14 October 2012

Taken 2


MOVIE INFO

Liam Neeson returns as Bryan Mills, the retired CIA agent with a "particular set of skills" who stopped at nothing to save his daughter Kim from kidnappers. When the father of one of the villains Bryan killed swears revenge, and takes Bryan and his wife hostage in Istanbul, Bryan enlists Kim to help them escape. Bryan then employs his unique tactics to get his family to safety and systematically take out the kidnappers, one by one. -- (C) Official Site Rotten tomatoes

Akala ko nung una walang second part yung taken, pero eto pala. Kahapon imbis na humiga nalang ako sa bahay at matulog.  
Mga dala dala ko:
Yung ticket na worth 150php.
Jolibee yung crispy chicken wings combo (2pc chiken wings, coke float, large fries =109php)

Pagpasok ko gusto ko umupo sana sa pinakagitna sa taas tulad ng nakagawian kong upuan kaso punu na kaya sa gilid ako. Hindi pa nagsisimula yung palabas eh nilantakan ko na yung pagkain. halos maubos ko na nga siya bago pa nagsimula yung palabas. Si liam neeson at Maggie Grace padin yung character kaya lang yung sa mother iba na si famke janssen kung hindi ako nagkakamali nsiya yung sa xmen last stand.. Hindi kasi ako masyado maalam sa mga tunay na pangalan nila pero sa mukha kilala ko. 

Sa totoo lang, mas gusto ko ito kesa dun sa nauna. Well hindi lang dahil mas maganda yung mga fight scenes pero talagang halos dumadagundong yung puso ko sa bawat scenes lalo na nung si kim na yung pinaghahanap at siya yung tumulong sa tatay niya para makatakas. Thumbs up talaga! Whew. Nakakaiyak din siya. Ewan ko ba, marahil may mga bagay lang akong pinagdadaanan kaya ako napaiyak habang nanunuod. Naiingit siguro ako kapag niyayakap na ni byran si kim. May isang segundo pa ngang inisip ko na ako yun.  






12 October 2012

Movie Trip


Friday, usapan namin ni Jam manunuod kami ng Taken2 kaya lang sa hindi maipaliwanag ng dahilan e eto yung pinanuod namin.. Mukha namang maganda kaya siguro eto yung pinili namin kesa sa Taken2.

Sa totoo lang, Maganda naman siya. Ako appreciated ko talaga. Ewan ko lang dun sa kasama ko, mukhang di niya gusto. hahah.. Neweiz, sana makatulog ako mamayang gabi. Baka kasi maalala ko yung mukha ni Mr.Bagul or ni Staphanie. hahahah 

Dear Friend,



         Ngayon malapit ng matapos ang unang semester at nanganganib na hindi tayo magkita ng halos isang buwan.Pero alam ko,magkikita’t magkikita pa din tayo. Mamimis ko yung mga panahon na naggagala tayo, kain, nuod cine, usap ng kung ano ano. Ayun. Sana next sem pumasok ka padin para gala ulit tayo kapag walang klase.  Yung tipong antayan tayo kapag may klase pa ung isa.Ganun.hehehe. Sana pag datingng second sem. Ganun padin yung bonding natin, yung mga tawang wagas, usapang halos walang katapusan. Na kung hindi pa magyayaya ung isa umuwi, hindi pauuwi. Yung foodtrip sa paboritong fastfood. Mamimiss ko talaga yun. Hahaha.. At sana talaga pasado tayo sa math.hahaha.Sabay nadin nating kunin yung integral. Hahaha. . Take care.
                                                                                               Keizha                                                                             

Baclaran getaway



Sa totoo lang, hindi ako relihiyosong tao. Hindi alam kung bakit pero ngayong nakatungtong nako sa simbahan kung saan noong bata ako halos kada miyerkules eh nagsisimba kami lagi ni mama dito. Ang Baclaran, maraming tao, paninda, masikip, mainit, maraming mamimili, at siguro may ibang mga nananamantala. Kada lumuluwas ako ng Maynila lagi ko itong nadaraanan tapos magsisign of the cross pako. Pero nitong paglaki ko hindi ko pa talaga nakikita yung loob. Kahapon yung pagkakataon na halos 15years kong inantay. Nakakamangha. First time ko makakita ng simbahan na mahaba yung lakaran, yung kisame ibang iba sa mga simbahan dito sa probinsya. Nakakamangha. Parang pakiramdam ko nasa ibang bansa ako. Ganun kasi yung kadalasang nakikita ko na mga simbahan sa ibang bansa. Narealize ko na "Ang dami ko pang hindi natutuklasan sa buhay ko" Para akong bata na tuwang tuwa habang pinagmamasdan yung buong kabuuan ng simbahan. Pero hindi lang naman pagpasyal ang pakay ko kung hindi manalangin ng taimtim at damahin ang presensya ng diyos. 



Wat the hell!

I was really upset and disappointed when i saw this kind of item i buy online where in nasa bangketa lang siya ng Baclaran. Damn! i paid for alsmost 250pesos, and shifting fee 70pesos and i was very shock when my classmate told me that it cost only 50pesos in divisoria.
Ginawa ko pa siya ng review Eto: Hit here But the fact that its not worth it pala. Well im not mad at the shop but in my self. I was so tanga!  Next time hindi nako bibili ng products online. 

Lookbook.nu


Ang lakas lang ng loob ko na gumawa ng account dito. Well, anyway try lang naman.. 

08 October 2012

Doomsday!!

     This is it. How i wish i shift course before this doomsday.  I am lost, lost in nowhere feel sick and down. How i wish i knew this before. Thesis!! why you so fucking hard?

     Ngayon, hindi ko na alam kung makakapagtapos ako ng pagaaral. Hindi ko alam kung tama ba tong daang tinatahak ko, or may kulang lang? Sana noon ko pa nalaman kung gano kahirap ito. Eh di sana nakapaghanda ako?  In short. Wala kami ipapasa. Habang nagdedefense na yung iba naming kaklase. Kami eto mukang tanga lang. Hindi ko naman pwedeng sisihin yung partner ko kasi halos siya lang ang gumagawa nung docu. Eh ano ba silbi ko? Hindi ko alam kung ganun lang talaga siya or ganun talaga siya? Baka kasi sabihin niya siya lahat gumagawa. Eh andito naman ako eh, ang mahirap lang saliwa yung free time namin. At isa pa WALA KAMING MAGAMIT NA LAPTOP OR PC! Putangeeeeeenna!!1 Nag Computer Science pako. Nganga. Sabi ni papa, gumawa daw ako paraan eh pano?? Isusulat ko sa papel?? idedefense namin sa pader?? hahahha..  nakakatawa. Ngayon ano?? Pag hindi kami nakapagdefense tapos na! wala ng pagaasa sa thesis 3. 

05 October 2012

SENTIMO


Sa panahon ngayon, halos hindi na natin pinapansin ang isang bentesingko. Marahil siguro kasi masyado ng maliit ang halaga nito kung ikukumpara mo sa mga bilihin ngayon.  Kung minsan nga kapag sinukli pa to parang labag pa sa kalooban ko. Kung dati sabi ng mama ko ganito lang baon nila nung panahon at makakabili na sila ng pagkain, eh sa ngayon parang ultimo kendi ata hindi pa mabibili eh. Masyado na kasing mataas ang mga bilihin at isa pa nagbabago din ang antas ng pera. Kung minsan nga nagkalat nalang sa kalsada eh hindi pa pulutin.

Pero ngayon nagbago ang pananaw ko dito, Isang araw kulang ang pera ko. Kulang ng 25cents para makabuo ako ng 8pesos pamasahe. 7.75 lang pera ko. Natakot ako. Kinabahan baka maglakad ako pauwi. "Lord 25cents lang kulang ko please, sana makapulot ako." Dalangin ko habang naglalakad papuntang simbahan. Nakatungo ako baka sakaling makakita ako ng barya.  Pagtawid ko may nakita akong 25cents sa gitna ng kalsada kung saan madaming sasakyan ang dumaraan. Dali dali akong natipagpatintero sa mga sasakyan para lang makuha ko yung barya. Muntik na ako mahagip ng isang Truck.  Pero sa awa ng diyos ligtas akong sumakay ng jeep at ibinayad ang eksaktong walong piso. 

Narealize ko na hindi lang simpleng barya ang binabalewala ko noon, kasi may halaga padin ito sa ngayon. Ang sabi nga ni papa, Hindi ka makakabuo ng isang daang piso kung walang mga sentimo. Kaya talagang mahalaga sila sa lipunan kahit na sabihin mong maliit lang ang halaga. 

Natutunan kong itago yung mga sentimo na nakukuha ko sa pagsusukli ng mga kahera sa sm at kung sakaling  hindi nila ibigay yung sukli ko kahit ilang mamerang piso man un, nagagalit ako. 



Finish


Katatapos ko lang basahin ito kaninang madaling araw. Sa totoo lang, kailangan mo talagang makuha yung tatlong books para maintindihan mo. Worth it naman yung pagpupuyat ko.  Nasa book two nako, at parang ganun padin yung feeling. Parang nakakaexcite sobra. Bawat lipat ko ng pahina halos ang lakas ng tibok ng dibdib ko eh. 
Book two

Eto na yung 2nd part,


03 October 2012

Family get together


Birthday ni papa bukas, pero ngayon naisipan pumunta nila ate babes at sila kuya rodel. Kaso ang nakakainis eh may seminar kami ng 8am-4pm kaya malamang hindi ko na sila maabutan or di ko na sila makasama ng matagal. Pag uwi ko galling seminar, hindi kasama ni kuya Rodel sila coche, malamang nag away nananman sila. Kasama ni ate babes si jam, ara carl at si yrah pati yuan kaya Masaya ako at nagmamadaling umuwi kasi alam kong kasama nga sila. Nasa Zamboangga sila Gerry at kuya jun kaya hindi nakasama. 

Sobrang gulo! Ang gulo gulo at isa pa akward.. Kasi . . .uhm. . . ewan ko basta pag andito si ate laging akward yung pakiramdam.. Parang kasi nagkaroon kaming gap simula nung may aminin siya sakin nung 18th birthday ko. 

Dapat dito sila matutulog kaya lang pabago bago ng isipn si ate. Tapos dinamay pa yung kwarto ko. Kesyo marumi daw yung kwarto, hindi daw siya makakatulog ng maayos, masikip daw. Ganun.. Eh pucha! Kung ayaw mo di wag di ka naman pinipilit matulog dito eh.  Nakakayamot kasi, kung ayaw niya kasi di wag diba?  Hinatid namen sila sa gate. Ako si mama at ate eya ang naghatid. Tapos umuwi na kami nun. Pag kauwi naabutan naming sila kuya pogi na umiinom. Nakiupo kami nila mama. Kung baga papalamig lang sa tapat kasi sila ng bahay nagiinom.

 Medyo personal yung mga pinaguusapan nila. About sa mga problema at sikreto, ganun. *Sa totoo lang hindi ko alam magiging pananaw o reaksyon ko sa mga narinig ko. Akward! Kasi nung bata ako pag may mga pangmatatanda na kwentuhan, lagi ako pinaaalis at pnagbabawalang making sa kwento. PEro ngayon na malaki na ko 22years old nako eh kaya parang ok lang na margining ko yung pinaguusapan nila, Pero kasi yung pakiramdam na hindi ko nakasanayan yung ganun, kayaparang ang akward.Pakiramdam ko kanina Dapat ku ba marinig yng mga yun o papasok nako sa loob. Pero nung time na pinagusapan na nila yung mga hinanakit sa ibang grupo ng pamilya eh pumasok na ko. Hindi ko na kaya making pa eh. . humiga nalang ako at natulog…

Happy Birthday Papa!


Gabi nanaman, Simula nanaman ng araw ko. Hindi nanaman ako makakatulog. Ano pa nga ba? Eh di tamang tingala lang habang inaantay na dumating yung oras na sumikat na ang araw. Bale bukas seminar pa naman namin sa manila ulet. Sana magising ako ng maaga. 8:30 ang start eh. At ang isa pang pinoproblema ko aya kung panu pumunta dun. Hindi kasi ako pamilyar kapag pa monumento ang daan. At isa pa ayoko ng balikan yung mga panahon ko sa mga lugar dun. May masama akong alaala dun lalo na san agustin bus ang sasakyan. Naku!!
Maiba ako, Birthday na ni karoger sa monday pero bukas ang punta ng mga pamliya dito sa bhay. Isang magulong bahay nanaman ang aking dadatnan pagkauwi ko galing sa seminar. 65 na si erpats. Nalalapit na yung panahon na kinakatakutan ko. Pero ayokong isipin kasi na papraning ako. Kanina nga habbang pinagmamasdan ko siya habang kalong yung pamangkin ko, Kitang kita ko na yung pagkulubot ng mukha niya, yung pag payat niya na hindi katulad dati an maskulado siya, yung pag dami ng puting buhok niya kahit semi kalbo siya. Natatakot ako. Parang hindi ko kakayanin. Ang layo na ng itsura ni papa kumpara dati na balidoso at matikas ang pangangatawan. Pero kahit ganun siya, mahal na mahal ko padin siya, silang dalawa ni mama. Kung bibigyan ako ng chance na mabuhay ulit pagkatapos mamatay, sila padin yung pipiliin kong magulang. 

02 October 2012

SAY NO TO CYBER CRIME BILL!


Unexpected

Nakakayamot. Nakalimutan kong dalhin yung card reader ko. Panu ko tuloy maipopost yung mga entry ko. Halos dalawang araw ng nakatambak yun sa memory card ko. Unexpected kasi na magoonline ako ngayon. Dapat talaga papasok ako ngayon eh ang kaso wala kami pasok sa unang subj ko. Kaya tinamad ako. Ang malala pa dun. Hindi ko dala yung files ko! eh di sana ngayon may 4 na post ako na maidadagdag. Ang dami dami ko pa namang naihandang long post. Di bale. Baka sa thursday ko nalang ipost kahit sobrang late na