26 October 2012

Fridate (alone part two)


Eto nanaman ako, kinakausap ang sarili. Dapat talaga manunuod kami ng friend ko ng Looper kaya lang tinanggal na siya sa list ng movies na showing sa isang mall dito sa Cavite. Sobrang nakakalungkot kasi ilang linggo din naming inantay yun tas 3days lang siya pinalabas. Tsk. kaya ako nalang ang nagmovie trip. Gusto ko sana yung A secret affair nila Anne Curtis at Derek Ramsey kaso may promo dun sa isang cinema roon 50% off. Apparition yung movie eh mukhang maganda kaya yun nalang pinanuod ko. bali 75pesos lng yung binayaran ko.


Sakto pag pasok ko kakaumpisa palang, wala akong idea kung tungkol san ito. pero nung rumorolya na yung film eh. Napansin ko na Korni siya.. OO korni para sakin, ang kilala ko lang dun ay yung gumanap na malfuoy sa HP. Parang ang kwento ay binabalikan sila ng mga multong ginambala nila sa university tapos yung nasa cover ng movie eh walang kaalam alam dun dahil yung Boyfriend niya yung may kasalanan. Bali nadamay lang sila. Sa totoo lang hindi naman nakakatakot eh. mas nakakatakot pa yung Paranormal eh o kaya Insidious. Sa huli namatay din silang lahat. 

Oh eh tapos na. wala na kong pupuntahan, sakto kulakalam nanaman ang sikmura ko. Bumalik ako sa Greenwich kung saan ang sabi ko ay hindi na ko babalik dahil sa maduming utensils nila. Eto yung post ko about dun: Ang maduming utensilsEwan ko ba parang lagi akong hinihila papunta sa fastfood na yon.


Tinry ko naman yung Overloaded meal C. Yung  spaghetti na may kasamang solo size na hawaian pizza tapos nagpaadd ons nalang ako nung ipinopromote nilang new Pearl Coolers na Choco Mint. At infairness, mabilis yung pag dating ng kakainin ko. parang nabasa ata nila yung post ko hahaha joke.  Ganun parin yung mga tao dun may family, group of students tapos ako. Ako lang ang magisa nanaman. habang buhay na atang magisa nalang akong kakain. ahahaha.. Nabusog naman ako at masayang umuwi kasi hindi na madumi yung lagayan ng kutsara.  Inisip ko nga dito ko nalng dadalhin si mama sa birhtday niya sa December. para sulit yung 250pesos na magagastos ko. Pangako ko kasi sakanya na kapag birthday niya itetreat ko siya kahit saan.

4 comments:

  1. Good at enjoy mo yung mag-isa. Paboritong hobby ko yan. lol Kaya pala promo kasi korni. hehe. :P

    ReplyDelete
  2. mag-isa ka na naman kumain? lol samahan kita sa susunod gusto mo? date tayo.(asa ka cy, in your dreams!! ) lol!!

    ReplyDelete
  3. hahahah.. tama po. korni talaga siya.. nakakainis nga kasi hanggang ngayon showing padin siya eh yung looper na ilang linggo namin inantay wala na..

    ReplyDelete
  4. Pwede rin cy.. hehehe.. kaso ang layo mo eh. hahhaha..

    ReplyDelete