Sa totoo lang, hindi ako relihiyosong tao. Hindi alam kung bakit pero ngayong nakatungtong nako sa simbahan kung saan noong bata ako halos kada miyerkules eh nagsisimba kami lagi ni mama dito. Ang Baclaran, maraming tao, paninda, masikip, mainit, maraming mamimili, at siguro may ibang mga nananamantala. Kada lumuluwas ako ng Maynila lagi ko itong nadaraanan tapos magsisign of the cross pako. Pero nitong paglaki ko hindi ko pa talaga nakikita yung loob. Kahapon yung pagkakataon na halos 15years kong inantay. Nakakamangha. First time ko makakita ng simbahan na mahaba yung lakaran, yung kisame ibang iba sa mga simbahan dito sa probinsya. Nakakamangha. Parang pakiramdam ko nasa ibang bansa ako. Ganun kasi yung kadalasang nakikita ko na mga simbahan sa ibang bansa. Narealize ko na "Ang dami ko pang hindi natutuklasan sa buhay ko" Para akong bata na tuwang tuwa habang pinagmamasdan yung buong kabuuan ng simbahan. Pero hindi lang naman pagpasyal ang pakay ko kung hindi manalangin ng taimtim at damahin ang presensya ng diyos.
No comments:
Post a Comment