05 October 2012

SENTIMO


Sa panahon ngayon, halos hindi na natin pinapansin ang isang bentesingko. Marahil siguro kasi masyado ng maliit ang halaga nito kung ikukumpara mo sa mga bilihin ngayon.  Kung minsan nga kapag sinukli pa to parang labag pa sa kalooban ko. Kung dati sabi ng mama ko ganito lang baon nila nung panahon at makakabili na sila ng pagkain, eh sa ngayon parang ultimo kendi ata hindi pa mabibili eh. Masyado na kasing mataas ang mga bilihin at isa pa nagbabago din ang antas ng pera. Kung minsan nga nagkalat nalang sa kalsada eh hindi pa pulutin.

Pero ngayon nagbago ang pananaw ko dito, Isang araw kulang ang pera ko. Kulang ng 25cents para makabuo ako ng 8pesos pamasahe. 7.75 lang pera ko. Natakot ako. Kinabahan baka maglakad ako pauwi. "Lord 25cents lang kulang ko please, sana makapulot ako." Dalangin ko habang naglalakad papuntang simbahan. Nakatungo ako baka sakaling makakita ako ng barya.  Pagtawid ko may nakita akong 25cents sa gitna ng kalsada kung saan madaming sasakyan ang dumaraan. Dali dali akong natipagpatintero sa mga sasakyan para lang makuha ko yung barya. Muntik na ako mahagip ng isang Truck.  Pero sa awa ng diyos ligtas akong sumakay ng jeep at ibinayad ang eksaktong walong piso. 

Narealize ko na hindi lang simpleng barya ang binabalewala ko noon, kasi may halaga padin ito sa ngayon. Ang sabi nga ni papa, Hindi ka makakabuo ng isang daang piso kung walang mga sentimo. Kaya talagang mahalaga sila sa lipunan kahit na sabihin mong maliit lang ang halaga. 

Natutunan kong itago yung mga sentimo na nakukuha ko sa pagsusukli ng mga kahera sa sm at kung sakaling  hindi nila ibigay yung sukli ko kahit ilang mamerang piso man un, nagagalit ako. 



No comments:

Post a Comment