24 October 2012

Mondate (Alone)



Sobrang nakakapagod talaga yung byahe from Imus to Dasma. Samahan pa ng traffic. Nakakagutom. Kaya bago umuwi dumaan muna ako sa SM Dasma para kumain. Hindi ko alam kung san ako kakain, nakatatlong ikot ako sa mga fast food chain. Tapos naisip ko hindi pa ko nakakakain sa Greenwich. Kaya ayun. Bali ang inorder ko yung oveloaded meal nila na One piece fried chicken, rice at half spaghetti, tas coke. Eh nung magbabayad nako wala na daw silang coke if ok lang daw pineapple juice nalang. Habang nakaupo ang dami kong naiisip, nakikita, napapansin sa paligid ko. May dalawang bading na nilalandi yung isang staff doon, may dalawang babae na walng ginawa kung di magsalita ng english, may isang family na parang may birthday. Tapos, ako eto magisa habang inaantay yung order ko. 


After 15mins, wala pa yung order ko pero napansin ko yung mga sumunod sakin na nagorder may kinakain na, at ang malupet pa dun May Coke sila! eh ako pinagdagdag pa ng 12 pesos para dun sa pineapple juice. Anak ng!! Pagkadating pa sakin nung lagayan ng kutsara eh ang dumi. Maligasgas tapos may kanin kanin pa..

Dumaan ulit ang 15minuto bago pa nakarating yung order ko. Natapos na't lahat yung mga katabing table ko ako kakain palang.


Ayan kitang kita pa yung dumi dun sa lagayan ng kutsara. Hindi lang talaga ko yung tipong mitikuloso sa maghahanda ng pagkain ng iba eh, pero siguro kung ibang tao yung nakakita niyan malamang baka nagreklamo na yun. Next time di na ko kakain dito. Bukod sa madumi yung utensils nila, eh ang sabi ko sa nagtake ng order sakin well done yung chicken. Eh pagbukas kon nung chicken ang lansa pa sa loob, tapos malalaman mong minadali yung pagluto. ok na nga yung nagantay ako ng matagal basta tama lang yung ibibigay nilang inorder ko eh.

Enjoy ako kumain magisa. Aminado ako, mas stress free ako kumain pag walang kasama. Loner na kung loner pero ganun talaga ako. Pero depende naman din sa kasama ko, kung close ko yung taong kasama okay naman pero kapag hindi, parang bawat kilos ko limitado dun sa platong kinakainan ko. 

Madalas kasi sa bahay ako lang magisa, wala akong kasabay kumain. Kaya siguro ganun. Parang baliw nga lang.


2 comments:

  1. ano ba yan parang ako lang. *forever alone* LOL!!

    oo nga pla, dapat nag-reklamo ka, kasi you have the right to eat your food in a quality way. pera mo yun. hindi ka nagbabayad dahil sa isang pagkaing mindali lang. pero ya, next time.

    ReplyDelete
  2. yeah eto nga eh kumain nanaman ako dun hahaha. pero now malinis na siguro natyempuhan ko lang na madumi yung utensils.

    ReplyDelete