Birthday
ni papa bukas, pero ngayon naisipan pumunta nila ate babes at sila kuya rodel.
Kaso ang nakakainis eh may seminar kami ng 8am-4pm kaya malamang hindi ko na
sila maabutan or di ko na sila makasama ng matagal. Pag uwi ko galling seminar,
hindi kasama ni kuya Rodel sila coche, malamang nag away nananman sila. Kasama
ni ate babes si jam, ara carl at si yrah pati yuan kaya Masaya ako at
nagmamadaling umuwi kasi alam kong kasama nga sila. Nasa Zamboangga sila Gerry
at kuya jun kaya hindi nakasama.
Sobrang gulo! Ang gulo gulo at isa pa akward..
Kasi . . .uhm. . . ewan ko basta pag andito si ate laging akward yung
pakiramdam.. Parang kasi nagkaroon kaming gap simula nung may aminin siya sakin
nung 18th birthday ko.
Dapat dito sila matutulog kaya lang pabago
bago ng isipn si ate. Tapos dinamay pa yung kwarto ko. Kesyo marumi daw yung
kwarto, hindi daw siya makakatulog ng maayos, masikip daw. Ganun.. Eh pucha!
Kung ayaw mo di wag di ka naman pinipilit matulog dito eh. Nakakayamot kasi, kung ayaw niya kasi di wag
diba? Hinatid namen sila sa gate. Ako si
mama at ate eya ang naghatid. Tapos umuwi na kami nun. Pag kauwi naabutan
naming sila kuya pogi na umiinom. Nakiupo kami nila mama. Kung baga
papalamig lang sa tapat kasi sila ng bahay nagiinom.
Medyo personal yung mga
pinaguusapan nila. About sa mga problema at sikreto, ganun. *Sa totoo lang hindi
ko alam magiging pananaw o reaksyon ko sa mga narinig ko. Akward! Kasi nung
bata ako pag may mga pangmatatanda na kwentuhan, lagi ako pinaaalis at
pnagbabawalang making sa kwento. PEro ngayon na malaki na ko 22years old nako
eh kaya parang ok lang na margining ko yung pinaguusapan nila, Pero kasi yung
pakiramdam na hindi ko nakasanayan yung ganun, kayaparang ang akward.Pakiramdam
ko kanina Dapat ku ba marinig yng mga yun o papasok nako sa loob. Pero nung
time na pinagusapan na nila yung mga hinanakit sa ibang grupo ng pamilya eh
pumasok na ko. Hindi ko na kaya making pa eh. . humiga nalang ako at natulog…
No comments:
Post a Comment