13 December 2012

Its more Fun in the Streets


Kaninang umaga pagkagising ko ang ingay sa labas puro bata. Yun pala nanguha(nagnakaw) sila ng manga dun kela kuya michael. Ang dami isang supot ata. Whew nangasim ako. 

Dun nila mismo binalatan at kinain sa tapat ng bahay namin kung saan mausok at napakainit dahil tirik ang araw, pero hindi sila natinag pati yung baby namin kasama.. WALA pang Tsinelas! Pak sheyt. 



12 December 2012

12.12.12

Inuman Session with BSCS4B



FoodTrip


Chef Zaril Boy YumyumYum


*Umutot kaba?? ang baho eh.




Ang dalawang Heartrob KUNO?





Tipsy na ako!




Kami lang yung Chix
KUNO??
 (Wasted yung mukha ko kaya tinakpan ko )
 


Picture picture na!!!


SObrang nakakapagod na araw ito pero masaya. 

Habang pauwi ako, dumaan ako ng MCDO malapit sa School namin para kumain kasi ramdam ko na talagang Lasheng ako! LASHENG!!! Wheww. Gewang na yung lakad ko. Nagorder ako ng Chicken Fillet at Cokefloat. Eh Syempre pag Lasheng imbalance yung katawan eh di naibuhos ko yung madaming gravy sa plato ko, nagmukhang Mushroom soup yung dinner ko tapos tapon tapon sa gilid. Nakakahiya talaga kaya pinilit kong maging okay habang kumakain, yun nga lang nauta ako kaya di ko naubos. Pagkatapos ko kainin yung Mushroon Soup yung float naman yung pinagdiskitahan ko. HHmmmm.. Ewan ko lang kung tatanga tanga ako pero tatanga tanga talaga ako kasi Habang sumisipsip ako ng malamig at puru yelong float eh biglang natapon! Natapon sa Bag ko, sa pantalon ko, ultimo buhok ko meron parang uhaw. hahahha. Nakakahiya talaga. Para akong Party Crasher. :( halos yung mga katabi ko tinitignan ako. Umuwi kong barang umihi sa pantalon at basa ang buhok. Sa Bus naman nakasabay ko yung si Sir Paul. Whew.. Pormang estudyante pero Guro siya. Sa totoo lang medyo hindi ko na naalala pano ako nakauwi pero ang natatandaan ko nung nasa bus ako iniisip ko na sa kanto ako bababa at sasakay nalang sa trycicle na pagkamahal mahal para makauwi ng deretso kesa makauwi ng walang saplot sa katawan hahaha JOKE! S0 ayun. Nagising nalang ako kaninang umaga na nasa kwarto ako at katabi ko pa yung bag ko sa kama pati yung sapatos ko naka suot pa sa paa ko.. Pag harap ko sa salamin para akong nakakita ng BABOY NA MULTO! hgahahahah ang Panget! Mukhang busabos yung mukha ko, kalat yung eyeliner sa mata pati yung lipstick nasa pisngi ko na at yung buhok ko parang pugad ng ibon sa sobrang gulo.. hahah Pero nagpapasalamat ako kasi walang Hangover na nanalaytay sa katawan at ulo ko. :)





10 December 2012

Even the best falls down Sometimes



Kahit ganun yung naging kinalabasan ng laban ni Mr. Manny Paquiao eh saludo parin ako sa pagiging sports niya. Nakakaiyak talaga, noon ko lang nakitang bumulagta siya. Sana lang wag siyang husgahan agad ng tao dahil sa pagkatalo niya. Tao lang naman siya eh. Yung iba kasi sinisisi siya dahil natalo kaya pati yung pusta talo. Respeto naman kahit papano. Hindi naman sila manok panabong para pagpustahan ng libo libo o milyon man..

Im proud of you Mr. Manny Paquiao. .

09 December 2012

You want some Coffee?


Sunday morning naisipan kong gawin yung isa sa pinaka kinatatakutan kong gawin sa Journal ko.  



Spill Some Coffee

Eto yung actually photo habang sinasabuyan ko ng kape yung pinakamamahal kong journal. Pakiramdam ko huminto yung mundo. hahah LOL!

Hindi pa eto yung Finish product nung naganap na paghahagis ng kape. medyo may binago pako, Baka bukas ko nalang i post kasi hindi ko pa napipicturan..


07 December 2012

12 days

12 days nalang kaarawan nanaman ng aking pinakamamahal na ina. At dahil nakagawian kong itreat siya tuwing birthday niya. Itetreat ko siya ngayon. Gusto niya daw maranasan yung Footspa. Kaya yun ang treat ko tapos kakain kami. Gusto niya lang halo halo. Solve na daw siya..

Simple lang ang kaligayahan ni mama..

Advance Happy birthday mamalo. I love you so much..

Half a Year

Kahapon, habang nagaantay kami ng next class namin *Social Philosophy 3:00pm. Tumambay muna kami sa sheperd dun sa computer shop na madalas pinagtatambayan ng mga klasmayts ko. Tapos habang naguusap kami ng isa kong kaklase napagusapan ng ibang tropa ang DOTA@! |Booom bigla kong naisip ang ex ko. Nakakainis, para kong sumabit sa live wire. hahaha 

Madalas kasi nung kami pa ni C eh naglalaro kami ng DOTA pag free time lalo na pag walang pasok. Nung unang beses na naglaro kami tanda ko pa yun 8months na kami tapos natalo ko siya. Lagi siya inaasar ng mga tropa niya kasi natatalo ko nga siya pero habang tumatagal eh bumaligtad na yung sitwasyon lagi nalang akong patay. hahah. Madalas pag Tiny gamit ko hindi ako nafifirstblood pero pag iba palagi yun.. Taena namimis ko na siya. 

Nakwento ko yung saa kaklase ko, sabi niya "eh di ngayon ayaw mo na maglaro ng DOTA?" OO ayoko na kasi sa tuwing nakakakita ko ng nagdodota naaalala ko siya. Naiinis talaga ko sa sarili ko pakiramdam ko pinakawalan ko yung taong alam kong makakapagpaligaya sakin sa pagtaga. Isa pa halos di na din ako madalas magload.. Kasi nga sinu ba itetext ko wala naman? haist. Dati rati halos uminit yung tenga ko pag magkausap kami, kahit sa gabi o madaling araw pa.. 

Hay buhay! kung minsan/madalas nasasaktan...

Nakakatawa pa kaninang umaga pag gising ko hindi ko talaga matanggal sa isip ko yung kantang pusong bato.

Wreck this journal Post #5



Eto yung mga  previous part na Finishing touch nalang yung kulang. Sobrang nasatisfy ako sa mga pinagagawa ko. Nakaktuwa kasing isipin na kahit papano malikhain pala ako. hahaha

Medyo hindi pa pulido pero para sakin ok na yan.

 Right part, Dahil di kasya yung name ko kaya yan lang yung nailagay ko.,


Finish product nunh Negative comments. Masyadong ewan yung mga nilagay ko wala na kasi ako maisip eh.


Last na natapos ko kagabi. Sobrang dami kong pagod dito. Pagkakatapos ng klase pumupunta akong MCDO para ituloy ito. Sa sobrang kahibangan ko nga naghahanap ako ng mga patern na makikita ko sa paligid para ilagay ko dito. ultimo yung mga dumadaang sasakyan


So far wala pa naman akong masyadong nilalagay sa cover ng journal ko. 


Updated Test page *Nail polish


Pagising ko kaninang umaga nakita ko to sa galery ko. Pinicturan ako ng pinsan ko habang natutulog kagabi. haha. Pagising ko nga nakita ko yung journal nasa mukha ko na tapos yung lapis nasa may bandang lapag na..



04 December 2012

WTJ photo post #4




 

Cover Page


Instruction said "Find a way to wear the journal. Infact i try lots of things to wear the journal. I wear it as a bra but definitely not a good idea for posting then after almost 3days i decide to wear it like a hat. *i look Ewan in this photo.  lol. :)


Leaves.... ☺ We almost have lots of plants around the house.  (pinitas ko yan gabi kaya hindi ko alam yung iba, bukod tanging malungay lang ang alam ko.)


 Test page for Pens, ink etc. Ang Dugyot talaga, hindi ko kasi alam pano magsimula.


Eto yung pinaka Exciting na ginawa ko so far. Ginawa ko sa bus. hahah. lol. ☺ Alam mo yung moment na habang nagguguhit ako ng linya hindi maiwasang may tumingin o magtaka sa ginagawa ko. Actually parang katangahan talaga siya pero naenjoy ko talaga ng sobra lalo na yung mga time na biglang hinto ng bus kaya yung linya nagugulo.. hahahha..


Actually hindi pa siya tapos. kulang pa. Well, wag niyo nalang intindihin yung mga nilagay ko. 
 

28 November 2012

All I Want for Christmas!


Salamat sa pag tag sakin Mr.Cyron
Sa taya ng buhay ko ngayon lang ako nakatanggap ng ganito. :) 



let's begin with the rules which are as follow:
1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree) in your post.
2. List 6 things that you want to receive for Christmas.
3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).
4. Send me the link so I could check it out, too.




6 Things I want to receive for Christmas

  • Sony Experia Go - Dahil kakarag karag ang cp ko ngayon dahil nga sa wala magamit eh gusto ko nito. Nung unang beses ako nangarap ng magandang Cellphone eh Samsung Corby II pa yun, hangang naging Galaxy Y, tapos nauso yung Galaxy mini 2 Hanggang sa eto na talaga yung gusto ko. Mapapanatag nako dito.. Waterproof, dustproof, mineral glass, android at syempre maganda resolution ng Camera.


  •  Canon EOS 5D DLSR Camera - Hindi masamang mangarap. Pero gustong gusto ko talaga to. Di dahil eto madalas ang ginagamit ng Alodia sa pag take ng picture pero gusto ko talaga siya dati pa. Lalo ng kung may isang set ako ng iba't ibang lens? naku! Pero ok na sakin yung fix na lens. Beginer palang naman ako eh. 

  •  Vaio Laptop -Dahil Computer Science ang course ko hindi pwedeng hindi ako gumamit ng computer. Madalas namin pinagtatalunan ni mama yan kasi 4th year nako wala padin akong sariling computer.  Meron kami sa bahay pero sa kuya ko yun eh. War kami kaya di ako makagamit. Hirap ng ganito yung sitwasyon kaya din kami bumagsak sa thesis dahil wala kaming naipakitang system. Nganga. Kaya sana kahit wala na yung iba eto lang yung bukud tanging kailangan ko.. 
 

  • Manalo kami ng 100,000pesos this coming December 15 sa Bingo.   Magiging masaya yung Birthday ni mama kung magkapera kami sa December. At Syempre magiging masaya yung pasko namin.. 
  •   Tour to Baguio with my Family - Hindi pako nakakapunta ng bagiuo. Gusto ko talaga malaman at makita kung pano hinaharvest yung mga strawberies. Sabi pa ng pamangkin ko pag huminga ka daw may lalabas na usok sa bibig mo. gusto ko maramdaman yun. hahaha.
  •  Buo ang family sa Christmas -Ito na ata yung pinakamahalaga sa lahat. Ang buo ang pamilya. Gusto ko kami lahat magkakapatid, mga pamangkin at apo. Minsan lang naman sa isang taon yung eh kaya sana matupad...

27 November 2012

Every doodle has a story


Kahapon naisipan kong gawin tong instruction na to da Wreck ko. Medyo inspired kasi ako sa mga nakita kong paterns sa net na nakapukaw ng damdamin ko.  Masyadong mahirap yung pinagdaanan ko kasi hindi aminado ako na hindi talaga ako magaling pag dating sa pagdodoodle. Mahina ang Patience ko. Gusto ko kasi pag ginawa ko eh tatapusin ko kaya habang nanunuod ako ng Hitman sa T.V.5 kagabi eh pilit kong tapusin ko. Actually hindi pa talaga siya tapos, kita naman diba? sa itaas hindi blanko pa. Tapos habang ginagawa ko to may naging eksena sa sala. 

 ► Habang nagdadrawing ako lumabas si ate*Hipag ko hawak niya yung cp niya. Nagshashade ako nung napansin kong ang tagal niya bago pumasok sa kwarto nila.  May tinetext siya. tapos pumunta ng kusina pero nagtetext padin siya. Pinakikiramdaman ko kasi parang alam ko na yung mangyayari. Then pag balik niya sa sala may tumawag sakanya. Mukhang galit si ate tapos tanong siya ng tanong "Sinu kaba?! ha? Bakit ka nangugulo?" Ganyan tapos bandang huli sabi ni ate "Kami ok kami ng asawa ko, yang asawa mo ang tanungin mo." ANung department yang asawa mo ha?" Biglang lumabas si papa sa kwarto para uminom ng tubig, kinabahan ako kasi baka marinig niya na may kaaway si ate. Makalipas ang 10minuto lumabas ulit si papa at kasunod na niya si mama naririnig ata si ate na masyadong malakas ang boses. Eh ako tuloy padin sa pagshashade. Pumasok na si ate at tinanong ako ni papa kung bakit? sabi ko hindi ko alam pero pakiramdam ko katext ng kuya ko yun at nahuli ni ate. Well, Nung malapit nako matapos sa ginagawa ko naririnig ko na sila na nagtatalo. Ngayon ko lang sila narinig ng ganyan. Tahimik lang kasi sila magaway parang hindi mo mararamdaman compare sa isang kuya ko. 

 Pagkatapos kong gawin yung drawing hindi ko na namalayan yung sumunod na nangyari pagkapasok ko ng kwarto. pagising ko kaninang umaga katabi ko yung journal tapos yung lapis at eraser nasa lapag na.

Sundate with my Gerprens

 Tickets

 

After watching the entire movie i posted like EWAn dito sa Tarp ng isang ?? uuuhhm porn? hahah joke. yun kasi sabi ng kaklase ko. porn daw yan.. kadiri yung post ko kaya tinakpan ko. 

 
Jhenest, Keizha, Raechelle its picture time!!


Sabik sa Camera eh.


No. 10 kami *siya yung 1 ako yung 0. (Gets?)


Sobrang epic nung Movie. halos tulo na uhog namin tapos may twist pala sa dulo! Buset!!!! hahaha pero ganda nung flashback. yun talaga nakakaiya. Sana talaga may part three yung about kay renesmee at jacob na. hahaha lol! 


23 November 2012

Karanasang magbasa

Hindi ako mahilig magbasa. nung bata ako ayaw na ayaw ko magbasa ng kahit ano. Nakakatamad kasi. Pero ngayong taon na to parang nagiba yung ihip ng hangin at bigla akong nahumaling magbasa. Marahil ngayon ko palang nararamdaman yung kagalakan sa pagbabasa. Yung natatandaan ko unang librong binasa ko na hindi ako tinamad eh yung The little prince.. Kakatuwa kasi yung kwento. Tas nung naging talamak yung mga ebooks sa Net madalas nalolobat cp ko kakabasa sa mga na download ko. Halos lahat ng libro ni Nicholas Sparks meron ako, may trilogy din ako ng Fifty Shades of grey, may Perks of being a wallflower, kite runner, Little miss Perigrine, at madami pang iba. Pero hindi ko pa halos nababasa lahat. Puro Ebooks yun wala pa dun yung mga librong binili ko.. 
 
 Eto yung ilang collection ko ng libro na nabasa. Karamihan puro galing Book sale. At yung last na nabili ko yung Memory keepers Daugther na presyong pang masa lang 75pesos pero sa national bookstore 315pesos ata. Kaya talagang nakamura ako, pero may konting punit. Ok na yun. 


 Craving for more books.

Pag nagkapera talaga ako or magkatrabaho bibilin ko yung gma gustong gusto kong libro na nabasa ko lang sa ebook. Iba parin kasi yung nahahawakan mismo yung libro kesa sa apps lang..





Wreck this journal post no.3

Ako nanaman ang nakita!

Nitong mga nagdaang araw napapansin kong lagi akong napupuna ni papa. 

21 November 2012

Proud to be Dasmarineño

Ngayon, masasabi kong. . .  Kasama na ako sa milyong milyong taong handa ng bumoto sa 2013 Election dahil nakuha ko na ang voters ID ko. (Clap, clap, clap) After almost 4years of waiting for my ID. Nakuha ko na siya kanina. Nakakatawa itsura ko, hagard na hagard. Way back 2008 kasi nung time ng Registration alas-sinko palang ng madaling araw nakapila nako, until 5pm ako inabot. Walang kain kain yun. tubig lang at candy. Ngayon masasabi ko na  nagawa ko na ung tungkulin bilang isang Pilipino ..

Untitled

Panibagong araw nanaman para sakin. 

-After 5months nagsulat ulit ako sa diary ko. Medyo, outdated na nga yung iba na sinulat ko. Pakiramdam ko tuloy nagtampo si diary sakin kasi habang nagsusulat ako, ayaw lumabas ng tinta ng ballpen ko. Parang ayaw na niya akong pasulatin.

-Kahit anong gawin kong pagset ng alarm clock laging 11:15am ako nagigising. Maaga naman ako natutulog na. PAno nalang sa pasukan baka nganga nanaman ako, ayoko naman laging late.

-Kanina bago ko pumuntang shop. Yung jeep na nasakyan ko nahuli ng traffic enforcer. Pakiramdam ko ako may kasalanan oh yung dalawang taga lasalle na sumakay sa hindi tamang sakayan. Ramdam ko yung hinanakit ni manong driver. Para lang sa sabihin na nating bente kwatro pesos eh nag take risk siya kaso nahuli kaya multa siya ng 200 pesos na wala pa sa kita niya.. Hindi ko tuloy lubus maisip, bakit kasi may mga taong mahilig pumasok sa isang sitwasyon na hindi naman nila alam kung maganda yung kakalabasan.

-Isa pa ako. naglaro ako sa Quantum kanina. Isang token lang ginamit ko, parang gusto ko lang itry yung fish catch tapos mananalo ka ng tokn. limang beses ako nakakuha ng malaking prizes. dalawang 40, isang 150, isang 90, at isang twenty.  Kung tutuusin napakadaming token na yun. umaapaw na nga sa kamay ko eh. Hanggang sa tumaya ulit ako ng tumaya. Sabi ko last na. halos nakailang last nako. Hangang sa naubos ko din yung isang dakot na token. hahaha.. Pero atleast kahit papano  kahit naubos eh nasatisfy ako.

15 November 2012

Chernobyl Diaries

Wednesday afternoon tinamad ako pumunta ng school para magpapirma. Well, infact balak ko talaga manuod ng sine this time at hindi naman ako nagkamali kasi mapanunuod ko na tong movie na to na halos isang linggo ko din pinagisipan. 

14 November 2012

Bakit?

Its been 3months since my last conversation with Cyrus and i definitely missing him so much.

Wreck this journal post no.2

Daily those of my Wreck this journal


Balik eskwela na si monmon

Sa totoo lang, hindi ko alam gagawin ko ngayong pasukan nanaman, Nakakastress. 2014 pako makakagraduate. At akala ko dalawa lang ang subj ko next sem (thesis*bagsak at numerical analisys*di ko pa tinake) eh nadagdagan. Bagsak ako this last sem sa Modeling and simulation na medyo hindi ko expexted pero later on narealize ko kung bakit nga ako bumagsak. Gustuhin ko man umiyak sa harap niya para magmakaawa na ipasa ako kasi nga graduating nako eh kaya lang  pinigil ko. nahihiya ako at ang kapal naman siguro ng mukha ko kung sabihin kong ipasa nalang niya ko. Napapagod na talaga ko halos 6 na taon na ata ako sa kolehiyo, nahihiya ako sa mga magulang ko, pero anong magagawa ko? tao lang naman ako nagkakamali lang.. 

Ngayon eto nanaman panibagong 8subjects ang kahaharapin ko ngayong second sem at nananalangin akong mapagtagumpayan ko lahat yun bukod dun sa apat na subj na babalikan ko this coming june. Hindi na ko makapaf antay pa na makamit ang matagal ng gusto ng magulang ko!

Holiday Blues

Its almost 15 days after a long week vacation and still pakiramdam ko bakasyon padin. Honestly, hindi ko na feel na nagbakasyon ako kasi nga naman i helped my mom to manage our food business sa isang mall sa Cavite. Nakakapagod, ako nagtutulak ng kariton simula bahay hanggang sa Sm. siguro about 50kgs yun lahat lahat kasama na yung isang malaking cooler ng coke. Araw araw kaya lang magaan kasi me gulong. Ako din yung runner kapag may ipinabibili si mama, kunwari wala ng kanin at bibili ako ng bigas. Nagseserve ako sa mga customers tapos ako din yung nag babalot ng idedeliver ni mama. Ok lang naman kasi kahit papano binibigyan niya ko ng allowance na 100php per day. Pero hindi ko ginagastos yun iniipon ko para baka sakaling kailanganin ko. 


10 November 2012

Im back

After almost 13days of being a home girl. No phone, No FBs, No blog! Akalain ko yun nakaya ko?? well atleast if ever na mawala lahat ng gadget o magagandang gawa ng teknolohiya hindi ako maloloka. Nung mga nakalipas kasi na araw busy ako sa pagtulong sa aking ina sa Tindahan namin sa isang mall sa Cavite. kaya ayun. Medyo masaya na nakakapagod pero last day ko na ngayon kasi sa monday aasikasuhin ko na yung pagaaral ko. 
Wala naman ipinagbago yung mukha ko pero tumaba ako. Ikaw ba naman araw araw pagkaing masarap ang nakikita. hahahahahah

Anyways, Kamusta ba kayo mga kaibigan ko?? 

Baka sa monday ko nalang i post yung mgas nangyari sakin noong mga nakalipas na araw. 

28 October 2012

Patayin sa Shokot si monmon

Kahapon maghapon lang ako sa bahay. Kasi nga walang pasok. Solong solo ko yung sala, walang nangaagaw ng panunuod ng t.v. Habang kumakain ako ng Goya chocolate at Sprite. Sarap ng pakiramdam ng biglang dumating si papa. At ayun nasermunan. Kaya pinatay ang T.V at naghugas ng sandamakmak na pinggan. Sakto 7pm nako natapos sa dami. Tapos bukas ulit ng T.V. jamming kami ni papa habang nanunuod ng Weekend getaway. 
Bandang mga 8pm umalis si papa para sunduin si mama sa SM. eh di ako nanaman magisa. Pagkatapos ng Weekend Getaway eh inilipat ko sa ch7. Extra challenge yung palabas. Well, maganda naman siya tapos ayan na. Jesicca Soho na. whew. excited ako kaso nung bandang climax na nung show medyo napraning ako. Nakakatakot kasi yung featured nila eh sakto naiihi nako, hindi talaga ako umihi. Tapos yung part na about sa walang ulo, salamin at doppleganger yung part. Hindi ako mapakali. Sinarado ko yung lahat ng nakabukas na pintuan sa bahay tapos yung pintuan namin palabas ng bahay eh binuksan ko ng todo tas bukas lahat ng ilaw. Mag aalas nueve na wala padin sila. Inilipat ko sa ch2 ganun din nakakatakot, pati sa ch11. hays. halos mahulog na nga ako sa labas ng pintuan kasi dun ako nakastay habang nanunuod. Grabe yung pakiramdam..

Naalala ko tuloy nung bata pako, magkakasama kami ni mama at papa na nanunuod ng Magandang gabi bayan kapag sasapit ang undas. Eh talaga namang nakakatakot.

Finally!

Finally at last! nabili ko na din siya. After all this years na hinahanap ko to. Ang sabi eh sa Cebu at Davao nalang daw meron, well maigi ng magantay.. hehehe. This is it. Eto na yung makakapag kumpleto ng sembreak ko. nakakatuwang isipin na sa inaraw araw kong pagbisita sa isang bilihan ng libro sa isang mall, at last meron na! *siguro nakulitan na yung staff sakin kasi bawat araw pumupunta ako dun para magtanong... 


26 October 2012

Fridate (alone part two)


Eto nanaman ako, kinakausap ang sarili. Dapat talaga manunuod kami ng friend ko ng Looper kaya lang tinanggal na siya sa list ng movies na showing sa isang mall dito sa Cavite. Sobrang nakakalungkot kasi ilang linggo din naming inantay yun tas 3days lang siya pinalabas. Tsk. kaya ako nalang ang nagmovie trip. Gusto ko sana yung A secret affair nila Anne Curtis at Derek Ramsey kaso may promo dun sa isang cinema roon 50% off. Apparition yung movie eh mukhang maganda kaya yun nalang pinanuod ko. bali 75pesos lng yung binayaran ko.


Sakto pag pasok ko kakaumpisa palang, wala akong idea kung tungkol san ito. pero nung rumorolya na yung film eh. Napansin ko na Korni siya.. OO korni para sakin, ang kilala ko lang dun ay yung gumanap na malfuoy sa HP. Parang ang kwento ay binabalikan sila ng mga multong ginambala nila sa university tapos yung nasa cover ng movie eh walang kaalam alam dun dahil yung Boyfriend niya yung may kasalanan. Bali nadamay lang sila. Sa totoo lang hindi naman nakakatakot eh. mas nakakatakot pa yung Paranormal eh o kaya Insidious. Sa huli namatay din silang lahat. 

Oh eh tapos na. wala na kong pupuntahan, sakto kulakalam nanaman ang sikmura ko. Bumalik ako sa Greenwich kung saan ang sabi ko ay hindi na ko babalik dahil sa maduming utensils nila. Eto yung post ko about dun: Ang maduming utensilsEwan ko ba parang lagi akong hinihila papunta sa fastfood na yon.


Tinry ko naman yung Overloaded meal C. Yung  spaghetti na may kasamang solo size na hawaian pizza tapos nagpaadd ons nalang ako nung ipinopromote nilang new Pearl Coolers na Choco Mint. At infairness, mabilis yung pag dating ng kakainin ko. parang nabasa ata nila yung post ko hahaha joke.  Ganun parin yung mga tao dun may family, group of students tapos ako. Ako lang ang magisa nanaman. habang buhay na atang magisa nalang akong kakain. ahahaha.. Nabusog naman ako at masayang umuwi kasi hindi na madumi yung lagayan ng kutsara.  Inisip ko nga dito ko nalng dadalhin si mama sa birhtday niya sa December. para sulit yung 250pesos na magagastos ko. Pangako ko kasi sakanya na kapag birthday niya itetreat ko siya kahit saan.

24 October 2012

Human Tester

Simula ng pagkabata ko, may asthma nako. Lagi akong sinusumpong mas madalas kapag gabi. Naalala ko pa non, grade 3 ako hatid sundo ako ni mkama, lagi akong late pumasok kasi nilalakad lang namin eh dapat dahan dahan lang yung paglalakad ko kasi nga hinahapo ako madalas. Nakakapit ako sa braso ni mama kapag naglalakad. Madalas din, hindi ako nakikipaglaro o harutan sa mga ka-eskwela ko kasi kaunting galaw lang hihikain agad ako.

May isang bese pa nga, ako yung naatasan mag ricite ng poem para sa program namin, Buwan ng Wika ata yun kaso ang nangyari hinika ako that time kaya hindi ako nakapasok kaya pinalitan ako ni mam nung araw na ding yun. 

Sabi pa ng iba, kapag hindi pa daw natanggal yung asthma ko until 7 years old ko eh habang buhay ko na daw itong dadalhin. Baka eto na din daw yung sanhi ng ikamatay ko. 

May kilala si mama na may anak din na may hika, bandang kanto pa nga yung bahay nila tapos pababa sa ilog. Inimbitahan kami para magpacgeck up sa isang pribadong ospital dito sa Cavite. Libre naman daw lahat, walang gagastusin at may allowance pa!  kaya pumayag si mama. 

Kada Sabado, bumabyahe kami ni mama ng jeep papuntang DLSUMC. Pumasok kami sa isang malaking building tapos sa dulo yung kwarto. Malamig at walang kurtina, maaliwalas din yung paligid. Hinarap kami ng isang babae, si mam anne. Di ko alam kung doctor siya basta alam ko may suot syang stetoscope. May lugar dun na pwedeng maglaro. Ang daming toys. Habang naglalaro ako, parang kinausap ni mam anne si mama. Well, hindi ko alam yung pinagusapan nila pero batid kong tungkol sa gagawing therapy un para sakin. Bago kami umuwi may ipinasubo sakin si mam an na parang tubo, tapos sabi niya bumuga daw ako yung pinakamalakas ko. After nun may isinulay siya sa isang papel na may nakasulat na pangalan ko. Tapos inabutan na ni mam anne si mama ng sobre. Bago kami umuwi dumaan muna kami ng Walter para kumain, yun kasi yung sabi niya eh. Syempre bata pako nun kaya Jolibee ang pinili ko. Tapos yung sobrang pera mula dun sa allowance ko eh pinang Bingo ni mama. Eh ano naman pakeelam ko dun wala pakong muang sa pera basta maibili na ung gusto ko eh ok nako.

Kada sabado yun. walang mintis akong dinadala ni mama dun. may allowance may jolibee, specially may pangbingo. :)  Tapos kada isang buwan pumupunta kami sa laboratory para ipa ECG ako. 

Naalala ko pa nun December may gift sakin si mam anne, isang malaking bag pack, at isang alarm clock na hello kitty tapos umiilaw yung gitna..  Limang buwan din yun. Limang buwan na hindi ako sinusumpong ng hika dahil sa gamot na ibinibigay sakin ni mam anne.  

Pagkaraan ng 5months -last visit namin May 1997. Malungkot ako habang kinakausap ako ni mam anne kasi alam ko na eh sinabi sakin ni mama na last na punta na namin dun. Last time ko na din bubuga sa parang tubo na aparato na yun at last time ko na makikita yung kwarto na yun kasi ako na daw yung last na patient nila. After ko sa Amerika na sila mag tetest ulit ng iba.. Yung bag na binigay sakin ni mam anne nilagyan niya ng sangkatutak na Gamot, nebule, vitamins. Tapos binigyan niya din ako nung katulad ng tubo na ipinasusubo niya sakin kaso plastic. Gamitin ko daw yun pag nararamdaman kong hihikain ako, para malaman daw ni mama kung hinihika talaga ako. 


Pagkatapos nun matagal na ulit akong hinika, dalaga nako ulit nung hinika ako..

Sabi nga ni mama parang ginawa daw akong human tester eh..


Mondate (Alone)



Sobrang nakakapagod talaga yung byahe from Imus to Dasma. Samahan pa ng traffic. Nakakagutom. Kaya bago umuwi dumaan muna ako sa SM Dasma para kumain. Hindi ko alam kung san ako kakain, nakatatlong ikot ako sa mga fast food chain. Tapos naisip ko hindi pa ko nakakakain sa Greenwich. Kaya ayun. Bali ang inorder ko yung oveloaded meal nila na One piece fried chicken, rice at half spaghetti, tas coke. Eh nung magbabayad nako wala na daw silang coke if ok lang daw pineapple juice nalang. Habang nakaupo ang dami kong naiisip, nakikita, napapansin sa paligid ko. May dalawang bading na nilalandi yung isang staff doon, may dalawang babae na walng ginawa kung di magsalita ng english, may isang family na parang may birthday. Tapos, ako eto magisa habang inaantay yung order ko. 


After 15mins, wala pa yung order ko pero napansin ko yung mga sumunod sakin na nagorder may kinakain na, at ang malupet pa dun May Coke sila! eh ako pinagdagdag pa ng 12 pesos para dun sa pineapple juice. Anak ng!! Pagkadating pa sakin nung lagayan ng kutsara eh ang dumi. Maligasgas tapos may kanin kanin pa..

Dumaan ulit ang 15minuto bago pa nakarating yung order ko. Natapos na't lahat yung mga katabing table ko ako kakain palang.


Ayan kitang kita pa yung dumi dun sa lagayan ng kutsara. Hindi lang talaga ko yung tipong mitikuloso sa maghahanda ng pagkain ng iba eh, pero siguro kung ibang tao yung nakakita niyan malamang baka nagreklamo na yun. Next time di na ko kakain dito. Bukod sa madumi yung utensils nila, eh ang sabi ko sa nagtake ng order sakin well done yung chicken. Eh pagbukas kon nung chicken ang lansa pa sa loob, tapos malalaman mong minadali yung pagluto. ok na nga yung nagantay ako ng matagal basta tama lang yung ibibigay nilang inorder ko eh.

Enjoy ako kumain magisa. Aminado ako, mas stress free ako kumain pag walang kasama. Loner na kung loner pero ganun talaga ako. Pero depende naman din sa kasama ko, kung close ko yung taong kasama okay naman pero kapag hindi, parang bawat kilos ko limitado dun sa platong kinakainan ko. 

Madalas kasi sa bahay ako lang magisa, wala akong kasabay kumain. Kaya siguro ganun. Parang baliw nga lang.


22 October 2012

Early Campaign?


Linggo pagkatapos ko maglaba eto bumungad sakin sa harap ng pintuan. May assembly. Buong sampaloc I-IV ata. daming tao. Yun pala andun si Mayor, mga konsehal, at si Mr. jay Lacson at Mr. Ayong Maliksi.  Umpisa naba ng Kampanya? Pero sa mga naririnig ko ay parang meeting de  abanse lang. Pero sa pananaw ko maagang kampanya. 

Ang daming plataporma ang sinabi nila. 

Sabi pa ni mayora "Tayo lang pong mga Dasmarineño ang may birthday gift na 1,000 piso para sa mga Senior Citizens"

*Pero ang alam ko ang unang gumawa nun ay yung mga taga Makati. 

Wel hindi naman ako agaisnt sa kanila kasi napakalaki ng ginawa nila para sa Lungsod ng Dasma. 

May isang issue pang binanggit si Gov. Ayong na sinasabi na parang may nangahas pang kumalaban sa pagka-Mayor ng Dasma na isang Konsehal pa. 
Haist ang pulitika nga naman..

Sana lang hindi sila puro pangako.