23 November 2012

Karanasang magbasa

Hindi ako mahilig magbasa. nung bata ako ayaw na ayaw ko magbasa ng kahit ano. Nakakatamad kasi. Pero ngayong taon na to parang nagiba yung ihip ng hangin at bigla akong nahumaling magbasa. Marahil ngayon ko palang nararamdaman yung kagalakan sa pagbabasa. Yung natatandaan ko unang librong binasa ko na hindi ako tinamad eh yung The little prince.. Kakatuwa kasi yung kwento. Tas nung naging talamak yung mga ebooks sa Net madalas nalolobat cp ko kakabasa sa mga na download ko. Halos lahat ng libro ni Nicholas Sparks meron ako, may trilogy din ako ng Fifty Shades of grey, may Perks of being a wallflower, kite runner, Little miss Perigrine, at madami pang iba. Pero hindi ko pa halos nababasa lahat. Puro Ebooks yun wala pa dun yung mga librong binili ko.. 
 
 Eto yung ilang collection ko ng libro na nabasa. Karamihan puro galing Book sale. At yung last na nabili ko yung Memory keepers Daugther na presyong pang masa lang 75pesos pero sa national bookstore 315pesos ata. Kaya talagang nakamura ako, pero may konting punit. Ok na yun. 


 Craving for more books.

Pag nagkapera talaga ako or magkatrabaho bibilin ko yung gma gustong gusto kong libro na nabasa ko lang sa ebook. Iba parin kasi yung nahahawakan mismo yung libro kesa sa apps lang..





3 comments:

  1. tumatanda ka na kasi yun yon. HAHAHA... =)))))

    ReplyDelete
  2. hahahaha! mas masarap talagang magbasa ng paperback kay e-book. Ang dami mo namang books. Sana meron ding tindahan ng old books dito sa place namin. I love writing stories din. Send me a message if you want to read it. I'll send you a link to my wattpad account.

    ReplyDelete
  3. Sure. about saan yung mga sinusulat mo? Ako din marami akong gustong ikwento kaya lang hindi ko alam kung pano sisimulan eh.. Madalas pag tahimik ako, may mga kwento akong ginagawa sa isip ko. :)

    ReplyDelete