Foodtrip: crispy wings with extra large fries and coke float *117php.
Time: 1:00pm start 3:00 finish
Pagkapasok ko medyo walang katao tao siguro wala pang 30 katao yung nasa loob. kaya solong solo ko yung isang row ng upuan sa may balcony. habang nakataas ang paa at inaantay magsimula yung palabas. Sa totoo lang wala akong idea sa panunuorin ko, hindi ko nakita yung trailer pero pakiramdam ko kasi maganda or baka naman yung isang side ng utak ko yung nagsasabing panget baka video diary lang. Pero hindi pala. Halos kakasimula palang ng maubos ko na yung kinakain ko eh.
Naramdaman ko na yung excitement nung time na pinagbawalan sila ng mga militar na makaalpas sa checkpoint pero etong si Yuri *yung Extreme Tourguide di umano nila na naghanap ng ibang lagusan para makapasok sa hazard zone. Dahil abandoned na yung lugar eh wala na talaga halos tao. Inabot sila ng hapon na kakaikot.Kaya lang sila nagpasya bumalik sa van eh may naencounter silang oso pero kakaiba at sabi ni yuri madalang daw ang ganun. Pagkatapos nung nakasakay na sila sa van may problema, may sumira ng sasakyan nila kaya naisipan nalang nilang magpalipas ng gabi doon ng silang pito lang at wala halos ilaw na makikita.
Nakakatakot halos hindi ako humihinga sa mga eksena na yun. Stranded sila!!!! waaahhh!
Actually parang ang pinaka nilalaman nito movie yung parang sa I am Legend ni Will Smith. Yung ibang tao na hindi lumikas nacontaminate ng radiation kaya parang naging zombies. Panget lang ng ending patay sila lahat eh.. Kala ko pa naman makakaligtas yung magshota kaso binaril yung lalake ng militar tapos yung babae dinala sa parang isang treatment room kaya lang ang sabi nung doctor wag na buhayin kasi nakita niya yung sikreto ng chernobyl kaya inilagay siya sa isang bartolina na punu ng mga infected na tao.. Ayun..
SPOILER KA! HAHAHA!
ReplyDeleteat hindi ko na dapat ito binasa dahil gusto kong syang panoorin. pero naikwento mo na rin at sad ang ending, hindi ko na papanoorin-
ReplyDeleteGanyan ikinuwento na lahat. lol
ReplyDeletehahaha.. grabe ah.. maganda naman eh maganda yung mga scene. iba padin pag kwento lang.. panuorin niyo. hahahha
ReplyDeletenagskip reading ako at tumingin sa mga comments. haha. buti na lang :P
ReplyDelete