21 November 2012

Untitled

Panibagong araw nanaman para sakin. 

-After 5months nagsulat ulit ako sa diary ko. Medyo, outdated na nga yung iba na sinulat ko. Pakiramdam ko tuloy nagtampo si diary sakin kasi habang nagsusulat ako, ayaw lumabas ng tinta ng ballpen ko. Parang ayaw na niya akong pasulatin.

-Kahit anong gawin kong pagset ng alarm clock laging 11:15am ako nagigising. Maaga naman ako natutulog na. PAno nalang sa pasukan baka nganga nanaman ako, ayoko naman laging late.

-Kanina bago ko pumuntang shop. Yung jeep na nasakyan ko nahuli ng traffic enforcer. Pakiramdam ko ako may kasalanan oh yung dalawang taga lasalle na sumakay sa hindi tamang sakayan. Ramdam ko yung hinanakit ni manong driver. Para lang sa sabihin na nating bente kwatro pesos eh nag take risk siya kaso nahuli kaya multa siya ng 200 pesos na wala pa sa kita niya.. Hindi ko tuloy lubus maisip, bakit kasi may mga taong mahilig pumasok sa isang sitwasyon na hindi naman nila alam kung maganda yung kakalabasan.

-Isa pa ako. naglaro ako sa Quantum kanina. Isang token lang ginamit ko, parang gusto ko lang itry yung fish catch tapos mananalo ka ng tokn. limang beses ako nakakuha ng malaking prizes. dalawang 40, isang 150, isang 90, at isang twenty.  Kung tutuusin napakadaming token na yun. umaapaw na nga sa kamay ko eh. Hanggang sa tumaya ulit ako ng tumaya. Sabi ko last na. halos nakailang last nako. Hangang sa naubos ko din yung isang dakot na token. hahaha.. Pero atleast kahit papano  kahit naubos eh nasatisfy ako.

2 comments:

  1. Etong blog mo na yata ang nagiging diary mo e. Online diary nga eto.
    Kawawa naman si manong driver pero di mo naman kasalanan.
    Nakakadik pala maglaro sa Quantum lalo na kung nanalo kana. Feeling kasi natin mananalo ulit tayo dahil sa naranasan na nating nanalo. Di natin naisip na minsan swertihan lang talaga. anu daw? lol dami kong nasabi :)

    ReplyDelete
  2. OO sir..
    Sobrang nakakaadik. kahapon nga 150pesos naubos ko dahil ulit dun sa nilaro ko. nakakainis.. hahha.. ayoko na nga pumunta dun pag me pera ako. nakakasilaw yung mga naglalaro dun.. hahaha

    ReplyDelete