09 December 2013




Dear Friend,

           Nitong mga nagdaang araw marami akong isiisip, mga problema or mga kung ano ano lang. Tapos ngayong umaga pagkagising ko habang nagpapainin pa sa pagkagising, naisip ko yung mga problema na dapat kong gawin o tapusin ng walang halong katamaran.  Naisip ko na parang kailangan na muna kitang bitawan sa ngayon? o panghabang buhay na? hindi pa alam pero balak ko na talagang bitawan ka, pero hindi ko alam kung bakit. Siguro masyado lang akong nadedespress kaya ako ganito. Pakiramdam ko hindi ko na kilala ang sarili ko, para bang gusto ko nalang sumuko sa lahat. Gusto ko nalang mamahinga ng tuluyan. Pero may oras na masaya naman ako. Pero talaga kasing. . . Hays! hindi ko alam. Para bang may kulang talaga *hindi parang! Mayroon talagang kulang. Minsan naisip ko kung bakit ang dami kong iniisip. Mga bagay, tao o kung ano pa pero ang totoo ay hindi ko naman dapat problemahin. Kung may magbibigay lang sakin ng lakas ay yung mga magulang ko at ilang mga matatalik na kaibigan at ang Diyos Ama. 
                                   
                                                              
                                                                                                             






02 December 2013

Lintek!


Dahil sa sobrang stress at puyat at pagod sa pagiisip ng concept about sa Thesis namin ay hindi ko namamalayan na nagkakasakit na pala ako. Nagsimula lang naman to nung nag umpisa kami mangalap ng impormasyon para sa concept paper namin. Yung tipong halos apat na oras ka sa computer shop kakasearch, may chances pa na halos Sampung oras ako na nakaupo as in walang tayuan sa sobrang kamamadali ko para makagawa agad ng lintek na concept na yan. 


25 November 2013

These is Shit!


Thesis Shit talaga para sa mga taong hindi naman ganun ka sipag. Eto nanaman ako. Thesis nanaman, at wala ng katapusang pagaaral. Nabulok na ako ng ilang taon sa kolehiyo. Ang tawag na nga sakin ng Ex ko "Doctorate in Computer Science" And honestly, nakakababa ng selfconfidence. Ang sakit na sa brain, ang sakit pa sa damdamin na halos lahat ng makakita sakin lagi akong tinatanong kung nagtatrabaho na daw ako. *_*  Kamusta naman ang anim na taon at nagpapatuloy pa? Tapos ngayon Eto nanaman ako at nagbabalik eskwela para ituloy ang naudlot na tagumpay na sana noon ko pa natamo.. 

Tungkol naman sa Thesis ngayon eh, maguumpisa nanaman ako sa wala, kasi bago Partner ko. Inantay ko siya magthesis ngayong sem para sabay na ko sakanila gumraduate which is okay na para sakin. Ang kaso lang eh hanggang ngayon wala padin ako maisip na tittle, may maisip man ako eh ang hirap umpisahan kase hindi mo alam kung matatapos, eh pano nalang kung may dead end pala tapos naka OO kana?? eh di patay nanaman tulad ng nangyari sakin last year.  . Sana talaga patnubayan kami ng Poong Maykapal at matapos namin ito ng walang halong bigti sa huli..  

Hindi alm kung bakit kasi ako ng CS. Kung dati palang ay nagustuhan ko na bumasa ng behavior ng isang tao eh di sana nag Pyschology nalang ko. Akala ko kasi kapag Computer Science Student ka Madali lang yung para bang naglalaro ka lang ng Counter Strike habang nagkakape, eh kaso mali pala yun. Pumasok na ako sa realidad na CS is much more on pag gagawa ng laro like Counter Strike na sadya namang kinaadikan ko nung highschool pa ako, kaya ayan tuloy nga-nga ako. Tapos late ko na din nalaman na puro Math pala tong kurso na ito eh halos lahat naman ata tayo ayaw sa math. (Pwera nalang yung mga gifted sa math) Ang sakit sa bangs! 

Tapos ngayon Medyo madugo pa yung mga kasabayan namin. Kadalasan ng ipinopropose na tittle o system eh kung hindi ANDROID eh puro ONLINE. What da Pak! Susmaryosep! Tapos ang sabi naman ng prof namin eh "natural lang naman daw na gumawa ng system na hindi itinuturo sa eskwelahan kasi hindi naman daw dapat isinusubo/spoonfeed sa mga estudyante lahat, kaya nga may research day para matuto pa sa labas ng paaralan which is para sakin eh tama na medyo mali." 

Ang isa pa na inaalala ko eh yung partner ko, para kasing may something na hindi niya sinasabi. Hindi ko tuloy malaman kung gusto paba talaga niya ko maging partner o ayaw na. Pero tingin ko kaya namin to. hahaha!!

 Hays ang gulo ng buhay mo Keizha. 

Ilang Kembot nalang eh gagdraduate na ako pramis. Kung hindi ako nagkakamali eh lahat lahat nalang ng kulang ko sa subject eh hindi bababa sa 9. imaginin mo yun 9 nalang. 

Ps. Kung sino man ang pwede tumulong samin please parang awa niyo na.. Salamat.

Credits to the owner of the photo. 


22 November 2013

15 Reasons to Date a Nurse

Here are 15 reasons to date a nurse:
1. Nurses are compassionate and patient, and are often great listeners.
2. Nurses are super-smart. If you’re into both brains and beauty, your date can deliver.
3. Tired of nursing that hangover? Let an actual nurse work his/her feel-better magic.
4. Nurses have seen bodies of all shapes and sizes — and witnessed every kind of bodily function imaginable. Your insecurities and body quirks will likely leave your date unfazed.
5. No waiting in line. You’ll get a quick diagnosis every time you feel under the weather.
6. The uniform. It’s not just sexy on Halloween. (Translation: those scrubs just look so cute and comfy.)
7. Impressive nerves. Nurses remain calm and collected in pretty stressful situations. You want to be dating a nurse in times of emergency and chaos.
8. Nurses work long hours. So if you want a little alone time, a nurse’s crazy schedule might suit you just fine. (Also, with odd hours come odd date times.  Monday afternoon might become the new Friday night.)
9. Nurses make great future parents. No pressure or anything.
10. You’ll be safe. Date a nurse and you’ve got instant access to CPR, safety advice and disease-prevention tips.
11. Awesome “How was your day?” stories. Nurses have endless tales of patient and/or doctor drama.
12. You’ll start to understand the medical jargon on your favorite medical dramas.
13. Nurses will love your thoughtful gestures. They give to others all day and can often feel unappreciated.
14. Nurses understand selflessness, one of the key ingredients to a healthy relationship.
15. Your date saves lives. That’s brag-worthy.


19 November 2013

First Time


Believe it or not, first time ko kumain ng sisig nung Tuesday. Marami nagsasabi mukha or either tenga at dila daw yun ng baboy. Eh ano naman? Masarap eh. Hindi ko pa nga alam gagawin dun sa kalamansi eh kala ko sawsawan yun pala ilalagay dun sa meat tapos hahaluin. Hindi ko maipapangako ng hindi na ko ulit kakain nito kasi may itlog. Pero talagang gusto kong ulitin ito. 


I don’t know if you’ve ever felt like that. That you wanted to sleep for a thousand years. Or just not exist. Or just not be aware that you do exist. Or something like that. I think wanting that is very morbid, but I want it when I get like this. That’s why I’m trying not to think. I just want it all to stop spinning.

18 September 2013

Wrecking Ball


Nung una pumanget tingin ko kay Miley Cyrus dahil dun sa ginawa niyang eksena sa MTV Musix awards. Medyo ewan yung dating niya dun i mean hindi mo aalakain na gagawin niya yun. Well, lahat naman ng tao may kakayahan magbago pero kasi minsan kung ano yung nakikita ng mga tao sayo noon mas gusto nila na magstay ka nalang sa ganun kesa mag Out of the box ka.Pero nung napanuod ko yung latest niyang music video, dun ko masasabi na *Nagbago lang itsura niya pero yung talento niya andun parin

Mararamdaman mo yung emotions kahit medyo may pagka hard yung Scene kase may time na naka hubad siya pero ang point e yung meaning nung kanta. Grabe habang pinapanuod ko yun sa umpisa nakakunot ang noo ko pero nung patapos na hindi ko namalayan na nadala nako dun sa kanta at parang sumabog yung emosyon ko.

Miley Cyrus hindi man ako avid fan pero, ikaw padin talaga.


13 September 2013

TIME IS PRICELESS


Masakit sa damdamin pag si papa ang nagsalita. Masyadong prangka at walang preno. Para kang na Hit and Run. Buti pa yung iba nakakapagtrabaho na eh ako daw nagaaral at magaaral parin. Buti pa yung iba Graduate na e ako daw nabulok na sa kolehiyo. *sad face.Hindi ko naman siya o sila masisisi, halos lagpas apat o limang taon na ako sa lintek na kolehiyo at usad pagong padin ako sa rurok ng tagumpay na inaasam nila.Nagsisikap naman ako e, nagsisikap talaga. Hindi naman ako tulad ng iba na balewala lang yung paghihirap ng magulang para matustusan lang yung pagaaral ng anak e. Pakiramdam ko tumatanda akong paurong.  



13 August 2013

wtj update



After several months na hindi ko to pinakeelaman. Eto na ulit bagong obra maestra ko for my “Wreck This Journal” (clap.clap.clap) I am so impressed sa ginawa ko kahit medyo ewan lang yung itsura. And totally sinisira ko na talaga tong journal. Haha Ang sabi nga ni Kerri Smith “To create is to destroy”Nung una talaga i was planning to draw some mustache in it, but when i put some hair inside it crashes and the hair always go in other directions. Kainis much. .  I have to put one by one so i decided to recreate/redesign something.. Putting some paints is nice because seriously the paper are covered with glue.  After putting hairs i closed the book and leave it until the next morning. Then pooofff it became Cococrunch haha joke.
Nasaktan ako sa sinabi ng kaibigan ko tungkol sa isang crush ko. ‘Mukha daw pokpok’ :’(
Medyo ay hindi pala, Sobrang sakit talaga. . kaya niya nasabi kase yung unang pic na nakita niya e naka panty at bra. Pero sabi ko sakanya wag niya husgahan yung tao dahil sa nakikita niya dahil hindi naman niya alam yung tunay ng kwento ng tao na tinutukoy niya. .
Nakakainis lang isipin na may mga tao talagang makitid ang utak.
May feelings pa naman ako sa lalake na to pero nung, nagside comment siya about dun sa babaeng crush ko medyo naguluhan ako. Naisip ko tuloy nararapat paba siya sakin??

MALALAMAN MO ANG VALUE NG ISANG BAGAY PAG NASIRA O NAWALA ITO.


Parang sa love, pag nawala o nasaktan mo yung isang tao dun mo lang marerealize kung ano yung worth niya para sayo.
Minsan kasi kahit anung effort ang gawin natin sa isang tao, hindi niya basta basta nakikita o nararamdaman yun. Baka kase ginagawa niya din yun sa iba kaya nasasapawan ka. .
Pero pag napagod kana o nag sawa sa kakaeffort, dun lang niya mapapansin kung ano yung talagang ginagawa mo para sakanya.

C,


I know that your mad at me because of what happend last night. But i think, this is the best way to say goodbye to you. I can’t say that i don’t love you anymore, but the fact that i can’t control my self of being attached to you again can't easily takes the pain you brought to me couple of years ago. Im afraid to be with you again and lose you once more.

~Im Sorry. .



C,


8/10/13 12:02

Call ended. . Ayaw na kitang abalahin sa mahimbing mong tulog kaya hindi na ako nag callback pa. Ramdam ko na yung sarap ng tulog mo dahil sa hilik mo. Kahit gusto pa kita makausap, ayoko naman na maging unfair sayo.
Habang nandyan ka sa kabilang linya at natutulog ako eto panay iyak. . Hindi ko mapigilan. . Sabi mo naguguluhan ka, sorry. . Gusto man kitang bitawan, hindi ko pa kaya. Hindi ko pa ata kaya ng wala ka. . Baka madapa ulit ako at hindi na bumangon pa dahil wala ng kamay ang tutulong sakin para tumayo pa. *Korny! Shet.

Bakit ba kasi ganyan ka?? Nalulungkot ako sa tuwing sasabihin mong okay na kayo. Sinasabi ko pa sayong balikan mo na siya kase okay na kayo, pero ang totoo nasasaktan nanaman ako. . Napakaselfish mo kase! Namamangka ka nanaman sa dalawang ilog Or ako lang talaga pang gulo.
Todo payo ako sayo, pero ang sarili ko hindi ko magawang patinuin. .  Ayaw mo naman ako magbago sayo, pero sa ipinakikita mo binabale wala mo nanaman ako. . 

Ako nanaman si ‘No Choice’ sayo palagi eh. Pero okay lang sakin kase mahal kita e. Kahit alam kong hindi na tunay yang mga halik mao o yang mga sinasabi mo na ‘mahal na mahal kita’ eto parin ako, nagbubulagbulagan, nagbibingibingihan sa mga bagay bagay na dapat kong makita o marinig. Mahal kasi kita. Mahal na Mahal.
Nung sana dati nung tayo pa hindi ako naging manhid sayo di sana hindi tayo nagkakaganito. Sana tayo pa. Sana masaya pa tayo kapiling ang isa’t isa. Pero ano ginawa ko? Sinayang ko yung effort mo. Kaya eto at bumaligtad ang mundo at ako naman ang nagpapakatanga sayo. .

"palayain ang isa’t isa kung tayo, tayo talaga."



12 August 2013

J,

August/12/13
10:48pm

Kanina nagkita kami ng ex ko. wala daw kasi siya magawa sa bahay kaya inaya niya ko magmovie marathon na madalas naming gawin nung kami pa. 

Ayoko sana kase nga, medyo akward para samin pero kasi sabi ko naman sakanya na kahit wala na kami ok lang na friends kami as long as okay sakanya. Sinundo niya ako sa may bandang Area kasi umuulan saka madaming mga loko dun. . Akward talaga nung nakita ko siya, pero infairness. . mas pumuti, pumayat at *Gumwapo(sa paningin ko) siya. nahiya tuloy ako.  Nakakatawa nga, sa jeep halos hindi kami nagiimikan at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Almost 5months ko din siya hindi nakita kaya parang namiss ko siya.

Pag dating namin sa bahay nila, naabutan kong may nagpipintura ng buong bahay nila. medyo nanibago ako, siguro syempre kase nga matagal akong di nakapunta sa bahay nila saka nagiba yung ayos ng mga upuan. .

Habang nanunuod kami hindi ako mapakali. Siguro kase akward talaga e katabi ko siya e. . Tamang kwentuhan lang nung mga nangyari sa buhy buhay. . Hindi nga ako makatingin saknya ng deretso. Pero nung time na inakbayan niya ko medyo may kurot o kuryente akong naramdaman sa puso ko. Bigla niya ko niyakap ng mahigpit kaya bigla naman ako napabalikwas. . Halos ayaw niya ako pakawalan sa braso niya. . Niyakap ko nalang din siya.

Alam kong mali pero masaya ako nung mga oras na yun. Habang inaamoy niya yung buhok ko at sinusuklay niya ng kamay, tapos tamang kanta lang siya sa may tenga ko. Pakiramdam ko okay kami nung time na yun. . Parang nakalimutan namin na wala na kami.

After namin matapos yung movie, pumasok kami sa kwarto para matulog. . Dahil nga medyo hapon na nun at saka antok kami. . Medyo malayo nga yung pagitan namin sa kama, pero lumapit siya at niyakap niya ko mula sa likod.  Ramdam na ramdam ko yung pag hinga niya malapit sa tenga ko. .  Humarap ako sakanya kase nakikiliti yung tenga ko. Hindi ko inaasahan na bigla niya kong hinalikan. . ayyy!!! Mas lumakas yung kaba ko kasi tinitignan niya ko Mata sa Mata. eeeeeehhhh. . kinikilig ako. . niyakap ko siya ng mahigpit at saka pumikit para matulog.
Siguro mga 1hr din kami nakatulog habang malakas ang buhos ng ulan. Ang sarap lang sa pakiramdam yung ganung eksena. napakasweet tignan. Quality time kung baga, pero dadating sa point na marerealize ko na ngayon lang pala ito. .

Nagising ako medyo pagabi na kelangan ko na umuwi. Nagising na din siya nun. . Pagkatapos ko mag ayos ng buhok e umalis na kami. inihatid niya ko sa bayan para sumakay papunta samin. .  Medyo gloomy na yung pakiramdam ko nung time na un. Narealize ko kase na panandaliang saya lang pala yung kanina. Parang panaginip lang. . Malakas din ang ulan nun. Pero sinugod ko para makauwi. . Naglalakad sa habang basa ng ulan. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko that time. . Sobrang minahal ko kase siya, kaya kahit ganito nalang kami ok lang sakin. .
Simula nung nagbreak kami ng walang magabdang dahilan, hindi pa din siya nag kaka gf parang ako wala pading bf. 

Komplikado kase yung reason kung bakit kami naghiwalay. Ayoko namang sabihin na pinagpalit niya ko sa relihiyon na pinasok niya pero parang ganun na din yun…
haggang dito nalang…



06 August 2013

EDSA


Palibhasa kase hindi nila nararamdaman hirap ng pagcocomute kase may mga sasakyan sila. Sariling mga pangarap lang yung iniintindi nila, hindi para sa mamamayan. Hindi ata nila alam yung salitang ‘to serve people’.
Maraming mga empleyado, estudyante na nalate kanina dahil sa pagpapatupad ng bus ban, marami din ang umuwi nalang kesa makipag sapalaran sa dami ng tao na nag aabang ng masasakyan papuntang Maynila.
Ang inisip lang nila pano mawawala ang trafic sa Edsa, e pano naman yung mga tao na pupunta ng maynila? Maglalakad?
Hindi ba nila naisip na kung ginawan nila ng terminal yung para sa Cavite at Batangas. Bat di nalang din nila gawan ng terminal papuntang Manyila para kahit papano hindi abala. .
Haist. .
Bakit nung nangangampanya sila hindi nila binanggit yung pagpapatupad ng bus ban na yan. Kung kelan sila umupo saka nila gagawin yun. Ano? Para saan? Para mas madali nila maipatupad kase nakaupo na sila sa kapangyarihan. . 
Sana

20 July 2013

Linamnam



E kasi bagong bukas kanina yung Krispy Kreme dito sa Mall na walking distance lang samin. Medyo araw araw ko inaantay yung pagbubukas nun kase, gusto ko ulit matikman un. *isang beses ko palang natikman yung donut nila bigay pa ng boyfriend ng classmayt ko nung college pero talagang hinanap hanap ko yung lasa.. Malayo kami sa realidad ng maynila kaya hindi ako makabili. buti nalang medyo nagiging sibilisado na tong lugar namin e, kung ano yung nasa downtown e nasa upland na. haha.

Nagbayad ako ng mga bills and payments namin. *Tubig, kuryente, at ilaw. Nung pauwi nako nadatnan ko na napakahaba ng pila sa may bandang upperground floor. Kinabahan nako! At naka tunog na opening na nga. E kaso need ko pa mag bantay sa canteen kaya gabi na ako nakabili ng doughnut.. 



Sa wakas!! pero medyo dismayado ako kase original glazed lng meron. No choice. Kaya un nalang binili ko saka yung chocolate chocolate na frapp. *Hindi ko na napicturan kase masyado akong naexcite kainin yun. haha at isa pa lobat na din ako..

Umuwi naman akong masaya at may ngiti sa mukha.
Bukas babawi ako. hahaha. 

I shall RETURN!!!

*PS: Sorry if medyo outdated na tong blog ko, medyo wala kasing time mag net. isa pa, wala akong income dahil nga tambay ako ngayon. Madalas nag uupdate ako ng blog ko sa tumblr. Kung gusto niyo dun niyo nalang muna ako kamustahin.. http://magandangpinataba.tumblr.com maraming salamat.

19 April 2013

100 Truths about me


[Rules: Once you've been tagged, you are supposed to write a note with 100 Truths about you. At the end, choose people to be tagged]

1. Real name: NO WAY HAHAHAHA
2. Nickname(s):Monmon, Keizha, Avii
3. Zodiac Sign: Virgo
4. Male or female: Female
5. Elementary School: VPVMS
6.High School: NENHS
7. College: Cavite State University
8. Hair color: Black
9. Tall or short: 5'5
11. Sweats or Jeans: Jeans
12. Phone or Camera: phone
13. Health freak: Kind of
14. Orange or Apple: Apple
15. Do you have a crush on someone? Definetly Yes.
16. Eat or Drink: Eat
17. Piercings: 2
18. Pepsi or Coke: Coke

HAVE YOU EVER
19. Been in an airplane: Yes
20. Been in a relationship: Yes
21. Been in a car accident: No
22. Been in a fist fight: Yes
23. First piercing: Earlobes
24. First best friend: IDK
25. First award: Ms. United Nations (Ms.Japan)
26. First crush: Romeo Samala
27. First word: I d
29. Last person you talked in person: mommy
30. Last person you texted: My ex
32. Last food you ate: Ice Cream
33. Last movie you watched: The Grudge 3
34. Last song you listened to: OO-Up dharma Down
35. Last thing you bought: Lipstick
36. Last person you hugged: Mom

FAVE:
37. Food(s): Liver Steak / Menudo / Carbonara / Any kind of chocolate cake
38. Drink(s): anything chocolate-flavored / Gatorade Propel / Mogu-Mogu
39. Bottom(s): Shorts / Pajama
40. Flower(s): Rose
41. Animal(s): cats / Hamster
42. Color(s): black / white / red / pink
43. Movie(s): Waterworld / The Hangover / Ironman / Death Race / And any kind of war type
44. Subject(s): Philosopy / Literature / Arts

HAVE YOU EVER:(Put an X in the brackets if yes) 
45. [x] fell in love with someone.
46. [x] celebrated Halloween. 
47. [x] had your heart broken. 
48. [x] went over the minutes or texts on your cell phone. 
49. [x] had someone question my sexual orientation. 
50. [ ] There is actually no number 50 so yeah, I placed this here.
51. [ ] got pregnant. 
52. [ ] had an abortion. 
53. [x] did something I regret.     
54. [x] broke a promise. 
55. [x] hid a secret
56. [x] pretended to be happy.
57. [x] met someone who changed your life.
58. [x] pretended to be sick. 
59. [ ] left the country.
60. [x] tried something you normally wouldn't try and liked it.
61. [x] cried over the silliest thing.
62. [ ] ran a mile.
63. [ ] went to the beach with your best friend.
64. [x] got into an argument with your friends. 
65. [x] hated someone. 
66. [x] stayed single for 2 years

CURRENTLY:
67. Eating: nothing
68. Drinking: yakult
69. Listening to: Colide (Cover)
70. Sitting/Laying: sitting
71. Plans for today: Finish reading the book that i brough 2months ago. :)
72. Waiting for: someone

YOUR FUTURE:
73. Want kids? - NO.
74. Want to get married? - NO!
75. Career: I wanna become a Model (Plus Size) / Writer someday 
76. Lips or eyes? - Eyes
77. Shorter or taller? - Taller
78. Romantic or spontaneous? - Nothing
81. Hook-up or relationship? - Relationships
82. Looks or personality? - Personality. 

HAVE YOU EVER:
83. Lost glasses/contacts: no
84. Snuck out of a house: Yes
85. Held a gun/knife for self defense: Yes
86. Killed somebody: No
87. Broken someone's heart: Yes
88. Been in love: Yes
89. Cried when someone died: Yes

DO YOU BELIEVE IN:
90. Yourself: Yes
91. Miracles: Yes
92. Love at first sight: Yes
93. Heaven: Not sure
94. Santa Clause: No
95. Kiss on the first date: No

TRUTHFULLY:
96. Is there one person you want to be with right now? - Definetly YES. 
97. Do you know who your real friends are? - No.
98. Do you believe in God? - Maybe
100. Post as 100 truths? - Sure

__________________________________________________________________________



Congrats!!!



Unang una. Binabati ko kayo ng Congratulations kase nakamit niyo na yung dapat niyong makamit. Alam kong masayang masaya kayo sa araw na ito, kase ito na yung araw na pinakahihintay ninyo sa humigit kumulang na apat na taon.. Mamimis ko yung mga pangaasar sakin ng mga iba dyan, yung mga tawanan sa klase, yung bonding nung tour, at kung ano ano pa.

Sa totoo lang. . . Iniisip ko, sana kasama niyo ako diyan sa picture. hahha lol. Grabe! naiingit talaga ako. pakiramdam ko napaglipasan nako ng panahon. Ilang batch narin yung dumaan at ako eto hindi parin tapos sa pakikipagsapalaran bilang estudyante. Kung naging masinop siguro ako, kung naging masipag siguro ako, at kung naging matatag lang siguro ako eh kasama ko sa picture na to. :(

Kanina nga sinabi ko sa mama ko na graduation ngayon, tapos yung bang, hindi maipinta yung mukha niya. Siguro kase gusto niya kasama ako sa magtatapos ngayon. *Teary eyes. Pero eto ako hindi ko na alam susunod na hakbang ko sa mga dadating na araw. Kung maibabalik ko lang yung panahon hindi ko talaga sasayangin yung oras. Pero sabi nga  "nasa huli ang pagsisisi"  Anu pa nga bang magagawa ko kung hindi magintay ng konti pang panahon.

Pero PINAPANGAKO KO! Makakagraduate ako, anu man ang mangyari. 

12 April 2013

First Snail mail

Kaninang umaga may dumating na kartero sa bahay, akala ko yung utang nanaman namin sa city bank, o kaya bill ni kuya sa Sun, o kaya padala ng kapatid ng hipag ko galing dubai. Pero nung tinawag ako ni mama at sabi para sakin daw yung sulat. 

Actually nagulat ako, at kinabahan. First time ko makatanggap ng Snail mail sa buong buhay ko. Natakot ako baka ipinadala ng school yung records ko o kaya may kaso ako? ^_^ hahaha. 

Si papa na nga nagbukas para sakin tapos. . . . . . 

Ang laman eh isang sulat at sampung piraso ng parang calling card. 
Galing pala yun sa president nung dating pinasukan kong school. Parang Campaign letter. 

Abroad party list yung nakalagay. Well acutally hindi ko alam kung bakit ako nakatanggap ng ganito, pero dahil narin voter nako kaya nila ko pinadalahan ng ganito. Sa totoo lang hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin ng partylist at para san yung kahit na nagaral ako ng constitution. Medyo malabo lang sakin. Tinanong ko nga si papa kung dapat bang pumili ako sa lahat ng nakasulat sa balota at dapat walang iwang blanko. 

Pangalawang beses ko na boboto ngayon dadating na mayo pero parang hindi ako eksayted. Hindi ko alam kung bakit pero sabi ni papa at ng guro ko sa consti, eh karapatan daw ng bawat pilipino o tao na pumili ng gusto niyang maging pinuno. 

Oh sya hanggang dito nalang.

09 April 2013

Dear Little Snake,

Kamusta kana? ilang araw ka ding wala sa bahay dahil pinalayas ka ng ate ko. Ilang araw ding tumahimik ang kwarto ko.


27 March 2013

Manang's Chicken

Hindi ako fan ng Chicken kasi nga allergic ako dun, madalas kung chicken man ang kakainin ko eh talagang tustadong tustado. Well nahanap ko na yung hinahanap ko.
 

Bago lang to sa Mall sa amin, pero parang nakaktakam na yung mga pagkain, isa pa dun eh kahit hindi sila unlimited rice eh talaga namang mabubusog ka na din sa Upsized Rice nila. 

Isa pa, mura lang may panulak kana. Nung binabasa ko yung nakalagay sa pader nakalagay dun na dati parang food booth lang sila. 


Ang inorder ko eh yung *Garlic Pork Meal 

Kung mahilig kang kumain ng sinangag at paborito mo ang bawang eto ang para sayo. Nung kinaen ko kasi to kinutsara ko yung bawang sa pork at saka ko ihinalo sa kanin parang naging instant sinangag siya. Yung pinaka best eh talagang yung sauce yung nagkukumpleto ng lasa.. Sa Sobrang laki nung ulam eh parang gusto ko ng iuwi samin kasi hindi ko maubos. 1/4 lang ata yung nakain ko..


23 March 2013

Hoy ikaw!

       Gusto kitang murahin ng harapan "Putapete kang *$# mo ka!" Hindi kita minumura dahil galit ako sayo dahil maganda ka o sexy ka, pero minumura kita at nagagalit ako sayo kasi pakiramdam ko inaagaw mo na lahat ng para sakin. Lahat! lahat! nung una akala ko tahimik ka, pero habang tumatagal na nakakasama kita nagiiba ka! Akala ko hindi tama yung mga pinagiisip ng mga tao sayo, pero toto pala. ganun ka pala. Ang dami kong inis sayo kasi pakiramdam ko lahat nalang ng bagay na ginagawa ko eh ginagawa mo na din. 

Pati sa pamilya ko, pakiramdam ko ako yung walang halaga sakanila dahil ikaw yung napakikinabanggan nila! Ikaw na yung paborito nila. Katulad kanina, habang abala kayo sa pag aayos ng mga lulutuin ako nasa isang tabi hindi na halos makausap ni mama kase kausap ka. Pumasok nalang ako sa kwarto para umiyak. Damang dama ko yung naglalagablab na galit at poot sa sarili ko at sayo. Kung tratuhin ka nila parang pamilya na tapos ako parang hindi na. Ikaw nga inaalok ni kuya o at o papa o mama pag kakaen tapos ako hindi. Parang napaka Spesyal mo para sakanila. Pati sa tindahan, kung tignan ka ng tao parang may suot kang korona

Ang ganda at sexy mo kase, yun yung ginagamit mo para makuha mo yung gusto mo at para habulin ka ng mga tao. (Oo. aminin na natin na naiinis ako sayo kasi halos lahat ata ng lalake na nakakakita sayo nagkakagusto agad sayo, naiingit ako? kase ikaw ang dami gusto manligaw. Pero anong ginagawa mo? pinaaasa mo lang sila, kung minsan pa ata pineperahan mo lang eh.) Minsan gusto kong sabihin sayo na NAPAKA-ARTE MO! Ang daming lalakeng nagkakagusto sayo tas choosy kapa.  Ano ka Maria Clara? o Baka Maria Osawa? Hindi lang nila alam yung Baho na tinatago mo. 

Pati nga sa kwato ako pa dapat ang maglinis kasi kwarto ko yun. Ikaw bisita ka eh.  Pati yung mga nalalagas mong buhok sa C.R. ni hindi mo manlang pulutin at itapon sa basurahan. Sakin pa nagagalit si papa pag may mga buhok sa lapag. Hanggang kelan kaba sa bahay? sana umalis kana para hindi nako naiirita pa sayo!!!!


                                                                                                    Ang naiinis,
                                                                                                       Avii





06 March 2013

Hindi ko talaga maipaliwanag

Naranasan niyo nabang mapunta sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan o mga eksena na hindi mo inaasahan, mga taong hindi mo kilala? Sa panaginip malamang "oO". Yun bang kung minsan yung panaginip mo eh parang or nangyari na sa tunay na buhay? *De javu or minsan "Premonitions" Sa totoo lang napakadami kong tanong sa sarili ko na hindi ko maipaliwanag lalo na pag pinaguusapan ang mga panaginip. 

Madalas pag nananaginip ako, lahat ng detalye natatandaan ko. Ultimo kulay ng damit, pangalan, lugar or kung ano pa man. At madalas pagkatapos ng panaginip ko, nagigising na agad ako. Madalas din sinasabi ko kaagad kay mama yung panaginip ko habang presko pa sa isip ko. Minsan nga yung panaginip ko hindi lang isa o dalawang beses na nangyayari sa totoong buhay. Minsan naman parang isang pelikula. (Sabi sakin ng tatay ko kaya daw ganun yung mga napapanaginipan ko kasi sa madalas kong panunuod ng mga palabas) Kung tutuusin tama siya kasi may mga panaginip ako na parang nakuha sa eksena sa mga palabas. Pero may isa lang akong palaging tanong sa sarili ko at sa mga panaginip ko. Bakit?? 

Naranasan niyo naba na yung habang nananaginip kayo eh kaya mong manipulahin yung mga mangyayari? Halimbawa: yung eksena eh may mahuhulog sa hagdanan, tapos parang hihinto yung scene tapos ikaw mismo na nananaginip sasabihan mo yung mahuhulog na wag dumaan sa hagdan kasi mahuhulog siya. Tapos biglang magpaplay at hindi nga siya dumaan sa hagdan. Yung ganun ba? naranasan niyo na ba yun?? Ako kasi madalas namamanipula ko yung panaginip ko. Katulad nalang nung isang linggo.

May pinatay akong bata, pero parang hindi ako satified sa ginawa kong pag tulak sakanya kaya inulit-ulit ko yung eksena kung pano ko siya itinulak. Yung una, nabagok siya, yung pangalawa, tumama yung dibdib niya sa kanto ng pader, at yung huli eh natusok siya ng payong sa dibdib. Nakakakilabot pero yun talaga yung panaginip ko.


Hindi ko alam kung ano itong mga nagaganap sa sarili ko, simula pa nung bata ako ganito na talaga ko. Sabi naman ng isa kong kaibigan kaya madalas naaalala ko yung lahat ng detalye ng panaginip ko kasi mabababaw daw ako matulog kapag nananaginip na, at isa pa kaya pa daw ganun kasi malapit na daw ako magising kapag nanaginip ako.

Minsan nga tumama si mama sa lotto dahil sa sinabi kong nanaginip ako ng nanalo kami sa lotto. Maliit lang naman pero nakakagulat lang. 

May isa pa: Yung time na bago magkatsunami sa japan, napanaginipan ko yun a month bago yung kalamidad na yun. Akala ko nga hindi magkakatotoo yun kasi napakalaking problema yun, pero ayun nangyari. 

This year may napanaginipan nanaman ako na mangyayari, natatakot akong sabihin kasi baka magkatotoo, pero sana wag naman kasi napakalaking trahedya yun. haist. knock.knock.knock on the wood.



01 March 2013

Superb!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama ko sa isang Birthday party ang mga classmayts ko. Madalas kasama ko sila pag may shot. Pero sa totoo lang, eto na ata yung pinaka malala at IMBAng Session na naganap. 


                                     Birthday ni ElyBugan noong Feb. 23

Pero bago pa kami magpunta sakanila eh sinabihan na niya kami almost a week before the party. Bawat isa samin ay may mga toka na dadalhin. Halos lahat nga kami ang dinala ay tag-iisang litro ng alak. Whew. Kaya sa una palang alam ko na na babaha ng alak nung araw na iyon. Well, sakto naman kasing wala kaming pasok kaya ok lang.



Syempre wala ako sa eksena kasi ako photographer nila. hahah ^_^

Ang gulo ng lamesa


 
Tipsy na halos lahat. Yung iba "Lumilipad" na




  
Yeah!


Sa kabuuan eh halos lahat kami ay bangenge lalo na ko. hahahha

Dumating nga sa point na hindi ko na alam mga pinagagawa ko. Gusto ko na umuwi pero ayaw nila ko pauwiin kasi nga lashhheeennng na daw ako. First time kong maramdaman yung ganito. Hindi naman ako mabilis malashing eh. Pero siguro dahil na din talaga sa dami ng nainom. 

Nagpapasalamat ako ng marami sa mga kasama ko kasi kahit ako nalang yung natitirang babae nung time na yun eh hindi nila ko pinabayaan, pati yung mama ng may birthday inaalalayan ako. Nakakataba lang ng puso na malaman mong may mga taong handa palang magmalasakit sayo. Hindi ko pa naranasan sa taya ng buhay ko yung ganung eksena. Pero syempre hindi ko nauulitin. 

Nagpaumaga na kami ng kasama ko kasi nga hindi ko talaga kaya umuwi ng ganun yung itsura ko. Halos maya't maya ang suka ko. Haist. Sabi ko nga sa sarili ko habang pauwi "Hinding hindi na ko iinom!" *Pero dahil may graduation party pa daw sabi ni ELYBUGAN eh isantabi ko na daw muna yung pangako ko hanggang graduation. Pero this time Control na gagawin ko. Hindi yung pag ipinasa na sayo yung tagay kahit alam mong hindi mo na kaya eh iinumin mo pa.