01 March 2013

Superb!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama ko sa isang Birthday party ang mga classmayts ko. Madalas kasama ko sila pag may shot. Pero sa totoo lang, eto na ata yung pinaka malala at IMBAng Session na naganap. 


                                     Birthday ni ElyBugan noong Feb. 23

Pero bago pa kami magpunta sakanila eh sinabihan na niya kami almost a week before the party. Bawat isa samin ay may mga toka na dadalhin. Halos lahat nga kami ang dinala ay tag-iisang litro ng alak. Whew. Kaya sa una palang alam ko na na babaha ng alak nung araw na iyon. Well, sakto naman kasing wala kaming pasok kaya ok lang.



Syempre wala ako sa eksena kasi ako photographer nila. hahah ^_^

Ang gulo ng lamesa


 
Tipsy na halos lahat. Yung iba "Lumilipad" na




  
Yeah!


Sa kabuuan eh halos lahat kami ay bangenge lalo na ko. hahahha

Dumating nga sa point na hindi ko na alam mga pinagagawa ko. Gusto ko na umuwi pero ayaw nila ko pauwiin kasi nga lashhheeennng na daw ako. First time kong maramdaman yung ganito. Hindi naman ako mabilis malashing eh. Pero siguro dahil na din talaga sa dami ng nainom. 

Nagpapasalamat ako ng marami sa mga kasama ko kasi kahit ako nalang yung natitirang babae nung time na yun eh hindi nila ko pinabayaan, pati yung mama ng may birthday inaalalayan ako. Nakakataba lang ng puso na malaman mong may mga taong handa palang magmalasakit sayo. Hindi ko pa naranasan sa taya ng buhay ko yung ganung eksena. Pero syempre hindi ko nauulitin. 

Nagpaumaga na kami ng kasama ko kasi nga hindi ko talaga kaya umuwi ng ganun yung itsura ko. Halos maya't maya ang suka ko. Haist. Sabi ko nga sa sarili ko habang pauwi "Hinding hindi na ko iinom!" *Pero dahil may graduation party pa daw sabi ni ELYBUGAN eh isantabi ko na daw muna yung pangako ko hanggang graduation. Pero this time Control na gagawin ko. Hindi yung pag ipinasa na sayo yung tagay kahit alam mong hindi mo na kaya eh iinumin mo pa.


2 comments:

  1. hahaha, then pagkatapos ng graduation may important event na naman, isantanabi naman ang pramis..hahaha

    kumusta ang hangover? malala ba?

    ReplyDelete
  2. Sorry kung ngayon lang kita nasagot. Well. Eto na yung pinaka Grabeng hangover na naranasan ko sa buhay ko. hahaha

    ReplyDelete