Dahil sa sobrang stress at puyat at pagod sa pagiisip ng concept about sa Thesis namin ay hindi ko namamalayan na nagkakasakit na pala ako. Nagsimula lang naman to nung nag umpisa kami mangalap ng impormasyon para sa concept paper namin. Yung tipong halos apat na oras ka sa computer shop kakasearch, may chances pa na halos Sampung oras ako na nakaupo as in walang tayuan sa sobrang kamamadali ko para makagawa agad ng lintek na concept na yan.
Tapos dumating pa yung time na lumuwas kami ng Maynila para pumunta sa iba't ibang unibersidad para makahanap ng RRL at RRS pati nga sa National Library eh pumunta kame pero sa kasamaang palad ay sarado ang lahat ng ito. (*Pumunta kasi kami dun ng November 30, eh Holiday pala yun) *Face Palm. *_* So walan kaming nakuha ni isa man lang. Kaya para hindi naman sayang yung punta namin eh nag Luneta Park nalang muna kami at para kahit papano ay makalimot sa kung ano mang problema ang kinahaharap namin.
Garden Clock
Syempre hindi Pwedeng wala akong picture dito
Share share ang ginawa namin sa pagkain kase yung iba walang dala tulad ko. hahaha
After lunch upo muna busog eh
Epic!!!!
Ang early bird sa grupo na halos dalawang oras nagintay sa costal. Pano ba naman mga vip kasama namin. whahahaha
Eto yung time na nagpunta kami sa isang playground na may sampung pisong bayad. Kita niyo naman sobrang pagod na kami.
Masaya naman yung araw na yon kaya lang talagang nakakapagod. Bago nga kami umuwi bigla na namin naisip kung pano kami sa Martes kase malamang wala kami halos maipapasa.
Ps: hindi ako nakapasok ngayon dahil may sakit ako. Lagnat sipon ubo at soarthroat. Lintek diba? kung kelan kami magpapasa saka ako nagkasakit. :(
dalawang oras na naghintay?kung ako yan sinapak ko na mga vip na yan. haha.
ReplyDeleteVIP mga lintek eh... whahaha
ReplyDelete