Thesis Shit talaga para sa mga taong hindi naman ganun ka sipag. Eto nanaman ako. Thesis nanaman, at wala ng katapusang pagaaral. Nabulok na ako ng ilang taon sa kolehiyo. Ang tawag na nga sakin ng Ex ko "Doctorate in Computer Science" And honestly, nakakababa ng selfconfidence. Ang sakit na sa brain, ang sakit pa sa damdamin na halos lahat ng makakita sakin lagi akong tinatanong kung nagtatrabaho na daw ako. *_* Kamusta naman ang anim na taon at nagpapatuloy pa? Tapos ngayon Eto nanaman ako at nagbabalik eskwela para ituloy ang naudlot na tagumpay na sana noon ko pa natamo..
Tungkol naman sa Thesis ngayon eh, maguumpisa nanaman ako sa wala, kasi bago Partner ko. Inantay ko siya magthesis ngayong sem para sabay na ko sakanila gumraduate which is okay na para sakin. Ang kaso lang eh hanggang ngayon wala padin ako maisip na tittle, may maisip man ako eh ang hirap umpisahan kase hindi mo alam kung matatapos, eh pano nalang kung may
Hindi alm kung bakit kasi ako ng CS. Kung dati palang ay nagustuhan ko na bumasa ng behavior ng isang tao eh di sana nag Pyschology nalang ko. Akala ko kasi kapag Computer Science Student ka Madali lang yung para bang naglalaro ka lang ng Counter Strike habang nagkakape, eh kaso mali pala yun. Pumasok na ako sa realidad na CS is much more on pag gagawa ng laro like Counter Strike na sadya namang kinaadikan ko nung highschool pa ako, kaya ayan tuloy nga-nga ako. Tapos late ko na din nalaman na puro Math pala tong kurso na ito eh halos lahat naman ata tayo ayaw sa math. (Pwera nalang yung mga gifted sa math) Ang sakit sa bangs!
Tapos ngayon Medyo madugo pa yung mga kasabayan namin. Kadalasan ng ipinopropose na tittle o system eh kung hindi ANDROID eh puro ONLINE. What da Pak! Susmaryosep! Tapos ang sabi naman ng prof namin eh "natural lang naman daw na gumawa ng system na hindi itinuturo sa eskwelahan kasi hindi naman daw dapat isinusubo/spoonfeed sa mga estudyante lahat, kaya nga may research day para matuto pa sa labas ng paaralan which is para sakin eh tama na medyo mali."
Ang isa pa na inaalala ko eh yung partner ko, para kasing may something na hindi niya sinasabi. Hindi ko tuloy malaman kung gusto paba talaga niya ko maging partner o ayaw na. Pero tingin ko kaya namin to. hahaha!!
Hays ang gulo ng buhay mo Keizha.
Ilang Kembot nalang eh gagdraduate na ako pramis. Kung hindi ako nagkakamali eh lahat lahat nalang ng kulang ko sa subject eh hindi bababa sa 9. imaginin mo yun 9 nalang.
Ps. Kung sino man ang pwede tumulong samin please parang awa niyo na.. Salamat.
Credits to the owner of the photo.
No comments:
Post a Comment