12 April 2013

First Snail mail

Kaninang umaga may dumating na kartero sa bahay, akala ko yung utang nanaman namin sa city bank, o kaya bill ni kuya sa Sun, o kaya padala ng kapatid ng hipag ko galing dubai. Pero nung tinawag ako ni mama at sabi para sakin daw yung sulat. 

Actually nagulat ako, at kinabahan. First time ko makatanggap ng Snail mail sa buong buhay ko. Natakot ako baka ipinadala ng school yung records ko o kaya may kaso ako? ^_^ hahaha. 

Si papa na nga nagbukas para sakin tapos. . . . . . 

Ang laman eh isang sulat at sampung piraso ng parang calling card. 
Galing pala yun sa president nung dating pinasukan kong school. Parang Campaign letter. 

Abroad party list yung nakalagay. Well acutally hindi ko alam kung bakit ako nakatanggap ng ganito, pero dahil narin voter nako kaya nila ko pinadalahan ng ganito. Sa totoo lang hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin ng partylist at para san yung kahit na nagaral ako ng constitution. Medyo malabo lang sakin. Tinanong ko nga si papa kung dapat bang pumili ako sa lahat ng nakasulat sa balota at dapat walang iwang blanko. 

Pangalawang beses ko na boboto ngayon dadating na mayo pero parang hindi ako eksayted. Hindi ko alam kung bakit pero sabi ni papa at ng guro ko sa consti, eh karapatan daw ng bawat pilipino o tao na pumili ng gusto niyang maging pinuno. 

Oh sya hanggang dito nalang.

No comments:

Post a Comment