26 July 2014

Untittled

Sorry for being inactive this past few weeks. I am in deep and unhappy feelings because of some circumstances plus the Thesis is on going and i think i don't have enough time to finish this, The Documents and specially the system it self i don't even know how to start. I don't even know how to used those software in order to build this thing. I watched video tutorials, but it doesn't make any sense at all.

I think i do know whats really wrong. "Lack of inspiration" Thats the thing! The feeling of nothing, feeling of getting tired and you want to get sleep all day but you do nothing, eating up nothing at all, wide awake all night with no reason at all, making fun out of yourself because you think your stupid. Blaming yourself because you think that you are so weak. And the last thing you wanna do is scream and cry! 

Bullshit! I hope this will end soon, or else this will be the end of all.

02 July 2014

The BucketList


Lahat naman tayo may kanya kanyang gustong gawin sa loob ng isang taon. Yun bang bago, yung hindi mo pa nagagawa or let us say hindi mo pa naeexperience in your entire life. Yung na cucurious ka sa mga bagay bagay na bago, na iniisip mo kung ano yung magiging reaksyon mo o ano yung mararamdaman mo. At dahil syempre limitado lang naman tayo bilang isang tao e, hindi natin nagagawa iyon. 

Ako, matagal ko ng naiisip yung mga bagay na gusto kong gawin, yung hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Tulad nalang ng Mag Travel out of town or kung saan man. Yung malayo sa lugar na kinalakihan ko. Kung bibigyan man ako ng chance eh balak kong libutin ang buong Pilipinas (How i wish). Sa totoo lang kasi never ko pang naexperience na pumunta sa mga malalayong lugar ng ako lang. Para kasing ang saya nun kahit na sabihin nating ang lonely.  Parang ang sarap magkaroon ng tittle na "Perks of being a Traveler" kung baga. Yung pupunta ka sa isang lugar na hindi mo masyadong alam kaya ieexplore mo tapos titikman mo yung mga pinoy delicacies nila tapos sa bawat bayan na napuntahan mo eh may maiuuwi kang suvenier na nagpapatunay na nagpunta ka dun tapos iboblog mo. Yun bang gagawa ka ng listahan ng mga gusto mong puntahan, tapos chechekan mo pag napuntahan mo na. At syempre hindi mawawala ang mga litrato. Dahil kahit anong sabihin natin pictures are one of the best memories we have.

Lalo na ngayong ang bilis na ng panahon, mabilis narin madagdagan ang taon sa buhay, Sabi nga ng isang pari dito sa lungsod namin "Life is too short, so make the most out of it!" Parang nakakainspire lang yung quotation na yun. Well, totoo naman dahil tao lang din naman tayo namamatay din pero syempre una una lang yan kaya hanggat hindi mo pa oras ay gawin mo na yung mga bagay na tingin mong magiging dahilan para masabi mong nakuntento ka sa buhay na ibinigay sayo at hindi mo ito sinayang. 

Uunahin ko ang lugar na Batanes para sa first ever Experience ko. 




Siguro kasi sabi ng marami ay maganda daw talaga dun. Talagang one of a kind place para puntahan. Simple at payak ang pamumuhay at maraming magagandang tanawin Well wala akong masyadong alam dahil gusto ko ako yung makaktuklas non kaya iniimagine ko nalang muna yung mga sabi sabi ng ibang tao. Pero ang gusto ko talaga makita dun ay yung mga bangin at yung sinasabi nilang lokasyon ng pacific ocean na kung saan ay talaga naman daw na napaka lamig at malalakas ang alon, gusto ko rin puntahan doon yung mga sinaunang bahay na gawa sa bato at ang pinaka importante na sigurong reason is yung Light house (Hindi pa ko nakakakita ng light house ng totoo hindi yung sa t.v o sa kung saan man kahit sa kwento. Syempre gusto ko makakita nun sa personal na buhay, At yung pagbabayanihan ng mga tao doon.


01 July 2014

What?:
Una sa lahat ay ang makatapos ng pagaaral, bakit? Kasi yung ang gusto kong patunayan sa magulang ko na makikita nila yung pinaghirapan nila ng ilang taon na may natutunan at napunta sa tamang landas ng buhay niya.*ako yun.
Pangalawa: Masuklian ko yung paghihirap nila para sakin, kahit sa simpleng paraan lang. Alam ko naman sa sarili ko na hindi nila hinangad ng marangyang buhay basta ang sabi nila“makatapos lang ako, sapat na daw sukli sa pagtataguyod nila sakin”.
Pangatlo: Simpleng buhay, kasama ang mga mahal ko sa buhay, mapanatili ang bahay namin sa Cavite, Marangyang trabaho, sapat na pera para sa kinabukasan ng bubuuing pamilya.
At huli sa lahat: Bigyan pako ng sapat na lakas at mahabang  buhay para makasama ng matagal yung mga mahahalagang tao sa buhay ko.
Iba pa:
  • Looking forward to see my Biological Father.
  • Looking forward to travel in and out of the country.
  • Looking forward to have MORE faith in god.
Why?? why?? Why do i Look forward in the future? Well simply because theres a lot of things in life that i wanted to do.
Mas enjoy ang buhay mo kung haharapin mo yung mangyayari sa hinaharap mo ng walang pag aalinlangan sa sarili mo, kung marami kang gusto sa buhay mo, dapat panindigan mo.
PS: Because life is too short to have a nonsense life make the most out of it.

conve 101


Kanina sa bahay bago ako pumasok medyo nagiisip ako if pano ako makaka isip ng proposal para sa sat… tapos habang nagbibihis ako nilagyan ko ng twalya yung buhok ko. TAPOS…..

Ako: Ma, alis nako…
Ma: Ohh. 100 lang muna ha..
Ako: anu ba yan naman..!! dagdagan mo na..
Ma: half day ka lang naman ehh…
Ako: mea pako uwi 7 kaya..
Ma: ayan(dinagdagan 20).. Naku ka talagang bata ka papatayin moko sa hirap.
Ako: thanks ma… muah..
(Sbay labas ng bahay)

Habang naglalakad ako may naramdaman akong mabigat sa ulo ko. Pag kapa ko yung twalya nasa ulo ko pa.. *nasa kanto na ko ng bahay namin tsaka ko pa napansin.. Pagbalik ko ng bahay tumatawa si mama.. ahhahaha. *alam pala niya na may twalya pako sa ulo.

Ako: ma! bat hindi mo naman sinabi na may twalya pako sa ulo?(sabay inalis ko yung twalya..)
Ma: eh kasi tinitignan ko if babalik ka eh.. hahahha.

Si mama talaga.. hahahha.. natawa nalang ako nung time na yun..

16 June 2014

Dear Cy,


Gusto sana kita batiin ng Happy 4th year anniversary. Gusto kitang isurprise ng isang gift or date, gusto kita kasama ngayong buong araw ng June 16 2014 kasi eto yung date na napagpasyahan nating maging date ng anniversary natin noong 2010 kasi sa totoo lang wala namang ligawang naganap at hindi tayo naging handa sa mga nangyaring kilig moments nung nagkakilala tayo ng dahil sa bestfriend mo na ex ko.  Naalala ko pa nga noon, nagalit ka sakin dahil napaka kulit ko sa text tapos lagi kitang tinatawagan. Sabi mo pa sakin noon wag nako magtext kasi nakakairita ako. Pero nung time na halos pagsukluban ako ng langit at lupa dahil sa problemang pag-ibig ko dahil sa bestfriend mo eh sinamahan mo ko at dun na nagsimula ang lahat. (Sa paningin man ng iba eh parang talo talo sa bestfriend pero hindi natin sila masisisi kasi hindi naman sila yung nakaramdam at hindi nila tayo naiintindihan. Pero thankful ako na nakilala ko ang bestfriend mo kasi nga nakilala kita.)  

Naalala ko nung mga unang taon natin eh panay away natin. Panay selos mo, panay puna mo ng mga isinusuot kong damit ako naman nawawalan ng time sayo kapag kasama ko mga kaibigan ko tapos napakaisip bata ko, minsan nagseselos din  tapos yung mga hindi natin dapat pinagaawayan eh napagaawayan dahil nga siguro nagaadjust tayo sa isa't isa. May mga araw pang halos hindi tayo nagkikibuan pero dadating yung time na ikaw na yung magsosorry kahit alam mong hindi naman ikaw yung may kasalanan kasi nga ayaw mo na nagaaway tayo. Tapos ako iiyak kasi guilty tapos magsasabi ako sayo ng nararamdaman ko, yung love ko para sayo tapos ikaw din iiyak tapos magiging okay na tayo at aabutin ng kinabukasan sa paguusap sa telepono.  Hanggang sa mga birthdays and monthsary eh napakadaming surprizes na sobrang nakakakilig para sakin. Lalo na nung nagcompose ka ng kanta for me sobrang naapreciate ko yun.  Pati na rin yung maya't maya mong pagsabi ng mga katagang "Mahal kita" na minsan kinaiinisan ko kasi paulit ulit pero narealize ko na masarap pala pakinggan yun.  

Hanggang sa dumating ang pangalawang taon na sobrang daming Ups and down dahil nga nagkaconflict tayo dahil panggabi ka kaya hindi tayo nakakapagusap kasama na diyan yung mga hindi mabilang na Break ups, make ups and Forgiveness tapos ulit nanaman hanggang sa dumating  sa nagsawa ka na at pakiramdam mo na wala nang hahantungan yung relationship natin kaya tiniis mo at nagstart kang mag move on at may makilala kang isang babae na naging dahilan para iwan mo ako't maging masaya. Habang ako ay nagaantay parin sayo  ng ilang buwan para magparamdam ka na halos hindi napagod kakaantay at kakaiyak. Na halos tinangaka ko nang magpakamatay dahil sa sobrang lungkot at pagkabigo sa salitang pag-ibig. Hanggang nagkaroon ulit tayo ng komunikasyon dahil tinawagan mo ako at kinamusta. Hindi ko halos maipaliwanag ang nararamdaman ko nun kahit alam kong may mahal ka nang iba. Masaya ako para sayo pero masakit. Lalo na yung mga nakikita kong larawan at mga post ninyo sa isa't isa. Para akong nadurog ng husto, at hindi lang durog eh pinong pino pa kaya ako na mismo ang lumayo, pero makalipas ang dalawang buwan  tinawagan mo ako at umiiyak ka at sinabi mo na "Hindi ko talaga kayang wala ka, pinipilit kong kalimutan ka pero ikaw parin talaga. Ikaw lang talaga." Hindi ko alam ang nangyari sainyo pero isa lang ang alam ko Masaya na ulit ako dahil nandito ka na. Inabot din yun ng kalahating taon. 

At Pangatlong taon natin  na sa hindi inaasahang tagpo eh biglaan nalang. Parehas na tayong sumuko, parehas na tayong bumitaw sa mga pangako natin sa darating na panahon, pareho na tayong pinili nalang na maging magkaibigan? kahit na alam nating hindi pepwede ay pinipilit natin dahil tingin natin ay hindi na natin kaya pa ang magpatuloy pa. Pareho tayong nasasaktan pero kinakaya natin para maghilom ang sugat na dala ng nakaraan. Parehas nating unti unting kinakalimutan ang lahat ng mga memorya pero hindi parin makalimutan. Parehas nating naiintindihan ang tadhana na kailan may hinding hindi tayo maiintindihan. 

Ngayong Pangapat na taon na sana natin ay nakareceive ako ng hindi inaasahang text mula sayo na ang nakalagay ay yung date ng araw ngayon "June 16, 2014" hindi ko mapigilang lumuha dahil alam ko at alam mo na naalala natin ang isa't isa sa mga oras na to. Alam kong hindi na nating maibabalik ang dati pero umaasa akong hindi ito ang huli nating pagtatagpo.  at Gusto kong malaman mo na Ikaw lang, Walang iba. :)



Ps: habang sinusulat ko to eh nagpaplay yung theme song namin na "Walang iba by Erza band"




10 June 2014

Kanina nagkasabay kami ni ex sa jeep with his girlfriend. Hindi ko sila nakita pero tinawag ako ni cedric so nagulat ako and nag hi na din.. Then pinakilala niya sakin yung girlfriend niya. *I don't wanna be mean pero totoo pala yung mga sinasabi ng iba once na nakita mo ang ex mo na may kasamang bago e masasabi mo nalang sa sarili mo na mas maganda ka parin sa kasama niya. -_-

08 June 2014

Untittled

Ang hirap mag type o magisip dahil sobrang sakit ng ulo ko ngayong araw simula pa kaninang tanghali pero dahil nga pag nakakarinig ako ng magagandang kanta especially mga intrumental eh talaga namanang umaatikabong expresyon ang nararamdaman ko at napakadami kong naiisip na mga bagay bagay.

 Tulad nalang ni Cy. Haist ilang araw na ring kaming hindi naguusap dahil sa napaka walang kwenta niyang sermon. Nakakainis kasi siya, ultimo paglilinis ko ng kuko ikagagalit niya, ang katwiran niya eh may sasabihin daw siya eh pwede naman niyang sabihin pag katapos ng ginagawa ko lalu na ilang daliri nalang naman yun tapos ayun nagmaktol na hanggang sa nagsumbatan nagsigawan at tuluyan na kaming nag away. Sa totoo lang, napaka babaw niya kasi palagi. Lagi naman niyang sinasabi na binabago na niya yung pagkabugnutin niya pero ang totoo hindi naman, ganun pa din siya at mas lalong lumalala. 

Pero ang totoo na kahit ganun siya eh sobrang namimis ko na siya, at alam kong namimis na din niya ako. Alam ko yun kasi lagi kming ganito.. Alam kong tinitiis niya lang din na wag akong itext pero ang totoo sobrang mis na niya ko. Kaya ko din nasabi kasi ganun din yung nararamdaman ko.. huehue..“Yhat i miss you so much na” Sana bago ako pumasok sa lunes e magkaayos na kami.

Tapos eto naman speaking of pasukan, hay monday na pasukan eto nanaman ako magaaral nanaman at sana makagraduate na next year. jusko ang tanda ko na. Ewan ko ba pero tinatamad na ako pero hindi pwede kasi nageepect sila mama eh kailangan kong tapusin isang taon nalang eh aayaw paba ako?? 

Tapos yug thesis nanaman, kapag iniisip ko yun dahil nga dun sa nangyari eh pakiramdam ko gusto ko magpakamatay (De joke lang) Ngayon namomoblema tuloy ako kung pano ko gagawin ng magisa. ang dami ko naiisip na baka hindi ko kayanin baka mabully ako kapag defense kasi magisa ako na baka bumagsak nanaman ako. huehue.. Grabe halo halo na yung nararamdaman ko parang Halo-Halo ng Chowking o ng Mang inasal pa man yan. 

Tapos napepresure pako sa tuwing may nakakasalubong ako na kakilala tapos tatanungin ako kung san ako nagtatrabaho o kung graduate naba daw ako? kaya minsan, hindi naman sa pagiging masungit o suplada ko kapag hindi ko sila pinapansin eh umiiwas lang ako sa mga tanoang na ganun kasi maiisip ko nanaman tapos mapepresure nanaman ako tapos magiisip nanaman ako ng mga negatibong bagay hanggang sa hahantong sa Pakadesperada ko.


Haist. ang buhay nga naman sabi ni Kuya Kim “Weather weather lang yan”



05 June 2014

TFIOSZONED


This past few days of being excited i always dreamed about this scene.. and i was like “hey whats going on?” 
i am so inloved with this book! I can’t even stop reading it until i finish the entire book.
i remember one time when me and my friend  wenni are at the mall then i saw the poster in the “coming soon” area. I scream out loud! my friend and people looking at me like i am possessed by some dark creature. ahahahah. lol


So ayun showing na ngayon dito sa SM Dasma yung The Fault in our Starsat sobrang goodnews siya.. Mantakin mo Contious screening siya, meaning to say wantusawa ka manuod unlike other movies na showing ngayon eh one time viewing lang…. Nakakaexcite naman yun.. bukas pa kasi ako manunuod. Well sana sumipot yung kasama ko manuod kung hindi eh solo fligth ko nanaman manuod. hahaha

I cant wait to see what i imagined before. hihih



16 May 2014

Mala Legal Wife ang datingan

Last night i was working on my loomband bracelets orders when suddenly i hear something loud behind my bed walls. Something strange, kasi it came from my kuya and ate's room. Hindi ko marinig ng malinaw yung pinaguusapan nila kase yung electricfan ko eh maingay so i decided na tanggalin yung saksak ng fan so i can clearly hear what they are arguing.  Seriously  hindi naman ako chismosa pero kasi iba pag dating sakanila. So i was like a Vampire from The Vampire Diaries na kayang marinig yung pinaguusapan. (LOL) I Listen very carefully, nagtatalo sila kasi nahuli ni ate si kuya na may babae. Tandang tanda ko pa halos lahat ng paguusap nila. Naisip ko tuloy parang THE LEGAL WIFE lang..  (Pansin ko lang din ha, simula nung pinalabas yung epic teleserye na yun madami na ang magasawang nagaaway) buset.. Hindi ko alam kung pano nangyari yun pero si kuya kasi yung tipo ng lalake na akala mo hindi gagawa ng ganun kasi tahimik lang siya. Tapos sabi depensa pa nga niya "Pano ko gagawin yun eh nakikita mo maaga ako pumapasok sa trabaho tapos gabi na ko umuuwi, pano mo nasasabi yang ganyan sakin?" . Pero iba pananaw ni ate kasi may nakita siyang text eh. Kesyo Mag HAHALF DAY DAW Ganun ganun.. chuchu..  



Basta hindi ko na masyadong ieelaborate pa, ang pinupunto ko lang eh. Ang hirap ng ganung sitwasyon, ikaw yung babae tapos tatarantaduhin ka ng asawa mo. Napakasakit. Kahit kuya ko pa siya eh syempre babae ako at ayoko mangyari yun sakin. At isa pa kaya parang natatakot na tuloy ako pumasok sa isang relasyon, eh yun nga magasawa na eh pano pa kaya kung bf/gf palang?? Ang hirap, tapos nakakahiya kay ate kasi syempre pinakasalan siya ng kuya ko tapos ganun lang ang gagawin?? haist... Di ko na alam ano meron sa mga lalake kung bakit pumapatol sa mga taong hindi naman dapat pagtuunan ng pansin.. Sabi pa nga ni mama "Ang babae kasi ang demonyo, alam nilang may asawa ng ang isang tao lalandiin pa din nila kasi walang kayang magseryoso sakanila kung hindi yung mga lalakeng mahihiina"


 





01 May 2014

Arachnophobic





Dear Spidey,
Would you mind to please leave my room forever? Hindi ko kayang magkasama tayo sa iisang kwato. Natatakot ako, hindi lang para sakin kung hindi para sayo dahil baka anu pa ang magawa ko na hindi mo magustuhan. Hindi ako makatulog pag nakikita kitang nakapaligid sakin pakiramdam ko mamamatay ako. Ilang beses na kitang pinaalis pero pilit ka paring bumabalik na para bang gusto mo maghiganti dahil pinalo kita nung una nating pagkikita dahilan para mapilqy ang isa sa mga galamay mo. Hindi ko alam kung bakit natakot ako sayo, naalala ko lang nung napanaginipan kita na sobrang laki mo na halos kasing laki mo ang kama yun na yung araw na kinatakutan kita kaya sa tuwing binibisita mo ako oh ng mga kamaganak mo ay hindi ko maiwasang mapatay sila.Tapos nung bata ako ay nakagat ako ng kauri mo nung kasagsagan ng paglalaro ng sabong ng gagamba na nilalaro ko noon. Simula noon hindi nako nag laro o nagalaga pa man nun. Sorry pero yun ang katotohanan,Alam kong madumi ang kwasto ko kaya gustong gusto mo pero pakiusap ko sayo sana lang sa iba ka nalang mamahay.  Please tantanan mo na ko. Hindi ko talaga kayang kasama ka. Please.  Salamat. Sana mamaya paguwi ko ay wala ka na sa kwarto.  

PS: Showing pa naman ang Amaizing Spiderman 2 ngayon pero hindi ko pa napapanuod. 



22 March 2014

Paul,

    Pagkagising ko ngayong umaga tumawag ka. Hindi ko alam kung bakit? Kalmado kong sinagot yung tawag mo. Tapos tinanong kita kung bakit? Ang sabi mo may sasabihin ka. Ako naman eto nakikinig. tumahimik ka saglit at saka mo binigkas ang mga salitang "Boy magsosolo na ako". Medyo hindi ko pa nga naintindihan nung umpisa dahil narin siguro sa kagigising ko lang at wala pa ako sa katinuan, pero habang tumatagal ay nauunawaan ko na yung mga binanggit mong salita. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero naglakas loob na akong magtanong kung bakit? pero ang sagot mo hindi mo alam. Sabi mo pa ay magpapartner na kayo ng isa pa nating kaklase. Wala na akong nasabi pa. Ang sabi mo pa gusto mo ako kausapin ng personal pero hindi mo nagawa. Anung nangyari??  

   Pagkatapos nun ay dali dali na akong naligo at nagbihis para pumunta ng school pata makapagusap tayo ng maayos at malinaw ang lahat, nakalimutan ko na nga magalmusal dahil sa sobrang pagkabigla.

  Habang nasa bus ako, unti unti ko nang nararamdaman yung sakit, yung panghihinayang, at panlulumo. Naramdaman ko din yung galit at poot dahil dito. Pero wala akong magawa. Pinipilit kong wag isiping yung mga bagay bagay pero sadyang naguumapaw yung emosyon na nararamdaman ko, hanggang dumating na sa punto na umiyak ako sa loob ng bus. Umiyak ako ng umiyak. Wala akong pakeelam kung sino man ang makapansin sakin o kung sabihin man nilang OA ako. Habang nasa byahe wala padin pagtigil ng luha ko.
May mga pagkakataon pang naririnig ko ang sarili ko na nagbigkas ng  "Gusto ko ng tumalon sa building" pero isip ko joke lang. Tapos tatawa pero maya maya pa ay iiyak nanaman. Pakiramdam ko nung mga oras na yun ay napakadali ng byahe, natatakot ako, natatakot ako kung anu ang mangyayari. Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko saiyo o kung ano ang gagawin kapag nakita kita. Pag dating ko sa school, hinanap kita, tinawagan pero hindi mo sinasagot. Hanggang makita ko kaya na nakakumpol sa isang classroom. Nilapitan lkita at sinabi kung pwedeng humiram ng kopya ng take home exam, pero wala akong narinig na ni isang salita. Marahil masyado kang nakatuon sa ginagawa mo. Inaproach ulit kita pero kitang kita ko sa response mo na wala kang balak makipagusap sakin. Wala akong nagawa kung hindi mag antay. Pero ang tagal boy. Pakiramdam ko nung mga oras na iyon wala ako dun, na parang hangin lang ako na dumaan. Pagkatapos mo nung ay hindi ko na alam ang ginawa mo. Buti pinahiram ako ng isa nating kaklase para kumopya.  Nagkakasalubong tayo pero parang wala lang, habang kayo ng iba nating kaklase ay nakukuha pang magtawanan at magasaran.

   Pumunta ako ng faculty para kausapin si mam para sa balak mong manyari, pagkatitig palang niya sakin wala na akong nagawa kung hindi umiyak dahil hindi ko alam ang sasabihin o  gagawin ko. Pinaupo niya ako sa may likod ng mga cabinet yung pwesto dun para sa mga nagdedefense saka niya ako tinabihan. Sinabi niya sakin na kinausap mo siya tungkol nga sa pagkalas mo sa grupo natin at sinabi din niya na hindi siya pumyag sa gusto mo. Tinanong niya ako kung bakit o anung nangyari pero ang nasabi ko nalang ay hindi ko alam. Sinabi ko sakanya yung mga tingin kong dahilan kung bakit iiwan mo ako sa ere.
Pinaliwanag ko kung bakit wala ako lagi sa school na tingin kong dahilan kaya naging ganito. Nakita kami ng iba nating mga kaklase at nararamdaman kong alam nila yung problema. Balak ka pa nga ipatawag ni mam para makapagusap tayo ng maayos kasi sabi ko kaninang umaga mo lang sinabi at sa tawag pa, pero ang sabi ng isa nating kaklase ay umuwi kana. Pagkatapos nung usap namin na yun ay umuwi na ako.

   Boy? ano ba to? bakit naging ganito? bakit iiwan mo ako sa ere? Akala ko ba tatapusin natin to ng sabay? kaya nga inantay kita ng isang sem dibe? Boy, kaya inantay kita kasi nagtitiwala ako sayo. Kung sa tingin mo wala akong ginagawa para maging posible tong thesis na to, mali ka boy! May ginagawa ako hindi mo lang nakikita o pinapansin boy. Pinipilit ko nga makahanap ng mga paraan para maumpisahan na ito eh pero wala kang ginawa kung hindi panghinaan lang ng loob. Ang sakit sakit lang kasi, alam mo yun? INANTAY KITA! Kung tutuusin hindi ko na dapat to tinake kasi pasado na ako nito last year pero tinake ko para naman fair sayo sa susunod na sem pero eto lang yung matatanggap ko? Bullshit naman oh.  Kung sa tingin mo na di natin kaya kase lagi mong sinasabi na "Pano moko tutulungan eh wala ka ngang laptop?"  gumagawa naman ako diba ng paraan inaantay ko lang. Kaso hindi mo maintay eh. Alam ko na medyo dati pa na hindi kana kumportable na maging kagrupo ako, pero sinabi ko naman yun sayo diba nung mga araw na naghahanap palang tayo ng RRL at RRS na sinabi ko kung ayaw mo pero ano sinabi mo "hindi boy, partner tayo. alam kong may gap satin pero sana mawala na yun" Hindi ko nakakalimutan yang mga sinabi mo sakin, at kaya nagtiwala ako sayo  at dahil na rin KAIBIGAN kita.

   Sana lang maisip mo din yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi wala kang pakeelam sa nararamdaman ko, katulad nung pagkatapos ng defense, tinanong kita kung ano balak mo pero nakatangu ka lang at nagiisip, tapos tinanung ulit kita pero ang sabi mo itetext mo nalang ako.   

   Haist. kung alam MO lang na magiging ganito sana boy nung una palang, nung una palang sinabi mo na eh di sana mas napaghandaan ko. 

   Sana makapagusap naman tayo ng personal tungkol dito sa problema na to. Kung maayos pa eh di mas okay, pero kung hindi eh hindi ko na alam ang mangyayari.






18 March 2014

Let It Go Meets Metal




This is so spectacular. And I was like banging my head from start till the end. 


12 March 2014

You Only Live Once

This was my first journey to Tagaytay alone. It was one afternoon. The sun is warm and shinning. I am planning to go to a place called "Subi-Montea" where in lots of people or milktea enthusiast are talking about. This one is located at Aguinaldo highway, Tagaytay City In front of yellow cab.  They have lots of variety flavors to choose from and you can customize your own tea.



I ride a bus to Alfonso which is Main transportation if you are going to commute. Actually i don't know how to get there, i just follow my instinct and ask Manong Diver to drop me in front of Yellow Cab Tagaytay. I sat beside the window so i can feel the cold breeze later. There are several times that it rains but after a couple of mins. it stopped and the sun is out again. I was a bit worried if manong driver forgot me to drop by. so i ask manong diver if lagpas na kami, but he says "wag ka magalala nene wala pa tayo dun medyo malayo pa" Then i was releaved. :)

As i watched the side streets, people doing their jobs, waiting buses, jeepneys, or even just people walking beside the highway. I didn't notice how time passes by. It was a pretty long drive, gloomy and cold. 

When i arrived exactly 3 o'clock its only me at that time. I feel lucky, because i can choose where table i will spare my time. 

*Front

Before i order, kuya barista ask me to choose what milktea base i want its either milk, citrus, yogurt or cheeskcake, then choose Tea Bags from Dilmah for the flavor, and choice of  "basecamp"  and of course your sugar level which is one of the unique service of this milktea house. 


Ordering Station

Credits to the owner of this one photo i grabbed from the author of midnight-run-to-tagaytay

I thought the place is large like other milktea houses i visited before, but this is quite small. They played lots of mellow musics that suits the entire place. They also have this kind of mirror with post it written by their regular customers.





I ordered Milk for the base, blueberry flavor for the tea bag and strawberry burst for the campbase. When i ask kuya barista if they have cheesecakes which is the one i aim for travel he said "Mam sorry po pero wala na po kaming cheesecakes, pinullout na po. If you want po may waffles kami. " the i was like *_*


(*This is my first time to try real cheesecakes, but unfortunately its not available. *Facepalm) So i ended up choosing Nuttella waffles. (*Fist time to try nuttella. ^_^ )


Honestly, i really like this superb! The Mouthwatering waffles plus refreshing milktea and relaxing ambiance of the places really makes me wanna go back everyday or every week. 



Basecamp and the tea bag.


OUTSIDE:





Selfies



After that outbusting heavenly meryenda, i go outside and start to walk freely and feel the cold breeze while appreciating the view. I know its hard for me to surpass this walkathon because of my health condition plus the cold air, but i want to try atleast and i will stop if i cant do it anymore. 

Highway.

I walked as i breathe, with every step i breathe deeply and step again and again. I passed some creepy places, abandoned houses and hotels, forested areas along the way and i even think that someone is following me from behind. I also passed some flower vendors and fruit vendors. It was a wonderful walk alone. Clearing my mind in such a pity world. Realizing my purpose in this world, making my life worth living. 

I think i walk at least an hour or hour and a half then i saw this Rotonda as they say and smile.  I feel like i can do better and more. 


And this is the end of my wonderful day alone but with the presence of the Lord.



















01 February 2014

Reunion Batch 2003

Its been 11 years from now since nagkitakita kami ng mga batchmates ko nung elementary, yung iba naman nagkikita kami pero yung tipong hi o hello lang. Unlike this year na matagal na naming sinet para magkareunion. This was so Epic Reunion ever. (First time) 

Elementary days is so wonderful, dun mo mararanasan yung mga bagay na hindi mo inaasahan, magkakacrush ka, mabubully ka o ikaw yung nabubully or what so ever. Magkakaroon ka ng mga bff's, frenemies at favorite teacher. Magiging sidekick ka ng teacher mo para ilista yung mga maiingay sa room pag umalis siya. Magtitinda ka ng mga paninda for the break time, magsusulat ka sa blackboard ng napakahabang lectures. Dito mo din mararanasan yung pamimigot, pagpalo sa kamay o sa pwet, pag sabunot ng teacher mo pag mali ang sagot mo oh kung ano pa man. At kahit na ganun ay masaya naman.

Medyo kinakabahan pa nga ako this time, kase syempre yung magiging impression nila, but the time na nagkita kita kami, it was so undescribable. Walang akwardness tapos sobrang saya lahat, walang o.p at lahat naguusap. :) Nagkita kita kami sa Robinson Dasma bago pumunta ng Qubo Qabana for overnight swimming. At first kala namin onti lang kami, but then nung tumagal umabot kami ng 20+ tapos may mga humabol pa. Yung iba kaya di nakapunta siguro may trabaho o busy sa pamilya. Marami na kasi samin ang may kanya kanyang pamilya na. 

So this is it. 































"Friendship is unnecessary, like philosophy, like art... It has no survival value; rather it is one of those things that give value to survival." - C. S. Lewis


Till we meet next time batchmates.