Paul,
Pagkagising ko ngayong umaga tumawag ka. Hindi ko alam kung bakit? Kalmado kong sinagot yung tawag mo. Tapos tinanong kita kung bakit? Ang sabi mo may sasabihin ka. Ako naman eto nakikinig. tumahimik ka saglit at saka mo binigkas ang mga salitang "Boy magsosolo na ako". Medyo hindi ko pa nga naintindihan nung umpisa dahil narin siguro sa kagigising ko lang at wala pa ako sa katinuan, pero habang tumatagal ay nauunawaan ko na yung mga binanggit mong salita. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero naglakas loob na akong magtanong kung bakit? pero ang sagot mo hindi mo alam. Sabi mo pa ay magpapartner na kayo ng isa pa nating kaklase. Wala na akong nasabi pa. Ang sabi mo pa gusto mo ako kausapin ng personal pero hindi mo nagawa. Anung nangyari??
Pagkatapos nun ay dali dali na akong naligo at nagbihis para pumunta ng school pata makapagusap tayo ng maayos at malinaw ang lahat, nakalimutan ko na nga magalmusal dahil sa sobrang pagkabigla.
Habang nasa bus ako, unti unti ko nang nararamdaman yung sakit, yung panghihinayang, at panlulumo. Naramdaman ko din yung galit at poot dahil dito. Pero wala akong magawa. Pinipilit kong wag isiping yung mga bagay bagay pero sadyang naguumapaw yung emosyon na nararamdaman ko, hanggang dumating na sa punto na umiyak ako sa loob ng bus. Umiyak ako ng umiyak. Wala akong pakeelam kung sino man ang makapansin sakin o kung sabihin man nilang OA ako. Habang nasa byahe wala padin pagtigil ng luha ko.
May mga pagkakataon pang naririnig ko ang sarili ko na nagbigkas ng "Gusto ko ng tumalon sa building" pero isip ko joke lang. Tapos tatawa pero maya maya pa ay iiyak nanaman. Pakiramdam ko nung mga oras na yun ay napakadali ng byahe, natatakot ako, natatakot ako kung anu ang mangyayari. Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko saiyo o kung ano ang gagawin kapag nakita kita. Pag dating ko sa school, hinanap kita, tinawagan pero hindi mo sinasagot. Hanggang makita ko kaya na nakakumpol sa isang classroom. Nilapitan lkita at sinabi kung pwedeng humiram ng kopya ng take home exam, pero wala akong narinig na ni isang salita. Marahil masyado kang nakatuon sa ginagawa mo. Inaproach ulit kita pero kitang kita ko sa response mo na wala kang balak makipagusap sakin. Wala akong nagawa kung hindi mag antay. Pero ang tagal boy. Pakiramdam ko nung mga oras na iyon wala ako dun, na parang hangin lang ako na dumaan. Pagkatapos mo nung ay hindi ko na alam ang ginawa mo. Buti pinahiram ako ng isa nating kaklase para kumopya. Nagkakasalubong tayo pero parang wala lang, habang kayo ng iba nating kaklase ay nakukuha pang magtawanan at magasaran.
Pumunta ako ng faculty para kausapin si mam para sa balak mong manyari, pagkatitig palang niya sakin wala na akong nagawa kung hindi umiyak dahil hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko. Pinaupo niya ako sa may likod ng mga cabinet yung pwesto dun para sa mga nagdedefense saka niya ako tinabihan. Sinabi niya sakin na kinausap mo siya tungkol nga sa pagkalas mo sa grupo natin at sinabi din niya na hindi siya pumyag sa gusto mo. Tinanong niya ako kung bakit o anung nangyari pero ang nasabi ko nalang ay hindi ko alam. Sinabi ko sakanya yung mga tingin kong dahilan kung bakit iiwan mo ako sa ere.
Pinaliwanag ko kung bakit wala ako lagi sa school na tingin kong dahilan kaya naging ganito. Nakita kami ng iba nating mga kaklase at nararamdaman kong alam nila yung problema. Balak ka pa nga ipatawag ni mam para makapagusap tayo ng maayos kasi sabi ko kaninang umaga mo lang sinabi at sa tawag pa, pero ang sabi ng isa nating kaklase ay umuwi kana. Pagkatapos nung usap namin na yun ay umuwi na ako.
Pinaliwanag ko kung bakit wala ako lagi sa school na tingin kong dahilan kaya naging ganito. Nakita kami ng iba nating mga kaklase at nararamdaman kong alam nila yung problema. Balak ka pa nga ipatawag ni mam para makapagusap tayo ng maayos kasi sabi ko kaninang umaga mo lang sinabi at sa tawag pa, pero ang sabi ng isa nating kaklase ay umuwi kana. Pagkatapos nung usap namin na yun ay umuwi na ako.
Boy? ano ba to? bakit naging ganito? bakit iiwan mo ako sa ere? Akala ko ba tatapusin natin to ng sabay? kaya nga inantay kita ng isang sem dibe? Boy, kaya inantay kita kasi nagtitiwala ako sayo. Kung sa tingin mo wala akong ginagawa para maging posible tong thesis na to, mali ka boy! May ginagawa ako hindi mo lang nakikita o pinapansin boy. Pinipilit ko nga makahanap ng mga paraan para maumpisahan na ito eh pero wala kang ginawa kung hindi panghinaan lang ng loob. Ang sakit sakit lang kasi, alam mo yun? INANTAY KITA! Kung tutuusin hindi ko na dapat to tinake kasi pasado na ako nito last year pero tinake ko para naman fair sayo sa susunod na sem pero eto lang yung matatanggap ko? Bullshit naman oh. Kung sa tingin mo na di natin kaya kase lagi mong sinasabi na "Pano moko tutulungan eh wala ka ngang laptop?" gumagawa naman ako diba ng paraan inaantay ko lang. Kaso hindi mo maintay eh. Alam ko na medyo dati pa na hindi kana kumportable na maging kagrupo ako, pero sinabi ko naman yun sayo diba nung mga araw na naghahanap palang tayo ng RRL at RRS na sinabi ko kung ayaw mo pero ano sinabi mo "hindi boy, partner tayo. alam kong may gap satin pero sana mawala na yun" Hindi ko nakakalimutan yang mga sinabi mo sakin, at kaya nagtiwala ako sayo at dahil na rin KAIBIGAN kita.
Sana lang maisip mo din yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi wala kang pakeelam sa nararamdaman ko, katulad nung pagkatapos ng defense, tinanong kita kung ano balak mo pero nakatangu ka lang at nagiisip, tapos tinanung ulit kita pero ang sabi mo itetext mo nalang ako.
Haist. kung alam MO lang na magiging ganito sana boy nung una palang, nung una palang sinabi mo na eh di sana mas napaghandaan ko.
Sana makapagusap naman tayo ng personal tungkol dito sa problema na to. Kung maayos pa eh di mas okay, pero kung hindi eh hindi ko na alam ang mangyayari.
No comments:
Post a Comment