http://trafficlightsandcitydust.blogspot.com/ Kindly follow me. thank you.
04 August 2015
02 May 2015
Pamilya
Habang kumakain ako sa paborito kong fastfood simula pa pagkabata, may napansin akong isang pamilya sa sulok ng pwesto ko. Mag-asawa at kasama nila ang anak nila na kung susumahin ko ay nasa tatlong taong gulang. Simpleng pananamit lamang ang bihis nila. Habang inaantay ko yung order ko ay dumating na yung order nila. Pinagmamasdan ko silang mabuti. Pagkalapag ng pagkain nila, etong si nanay ay hinimay agad ang mainit na manok para kay anak habang si tatay naman ay tinatanggal sa balot ang mainit na kanin para hipan at ihanada para kay anak. Bago pa sila kumain ay nagdasal muna sila at pagkatapos ay kumain na sila.
Nakakatuwa lang isipin na sa panahon ngayon may mga pamilya pa rin palang matatag, masaya at magkakasama parin kahit sa hirap ng buhay. Simpleng pamilya na hindi mo iisipin na may mga problema na kinahaharap. Yung mga pamilya na sinusulit yung mga panahon at buhay na ibinigay sakanila ng Diyos para pahalagahan ang bawat isa sakanila.
Yung mga pamilya na kahit na naghihirap ay nakukuha paring tumawa at nagiging matatag sa mga oras ng kasadlakan.
26 July 2014
Untittled
Sorry for being inactive this past few weeks. I am in deep and unhappy feelings because of some circumstances plus the Thesis is on going and i think i don't have enough time to finish this, The Documents and specially the system it self i don't even know how to start. I don't even know how to used those software in order to build this thing. I watched video tutorials, but it doesn't make any sense at all.
I think i do know whats really wrong. "Lack of inspiration" Thats the thing! The feeling of nothing, feeling of getting tired and you want to get sleep all day but you do nothing, eating up nothing at all, wide awake all night with no reason at all, making fun out of yourself because you think your stupid. Blaming yourself because you think that you are so weak. And the last thing you wanna do is scream and cry!
Bullshit! I hope this will end soon, or else this will be the end of all.
02 July 2014
The BucketList
Lahat naman tayo may kanya kanyang gustong gawin sa loob ng isang taon. Yun bang bago, yung hindi mo pa nagagawa or let us say hindi mo pa naeexperience in your entire life. Yung na cucurious ka sa mga bagay bagay na bago, na iniisip mo kung ano yung magiging reaksyon mo o ano yung mararamdaman mo. At dahil syempre limitado lang naman tayo bilang isang tao e, hindi natin nagagawa iyon.
Ako, matagal ko ng naiisip yung mga bagay na gusto kong gawin, yung hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Tulad nalang ng Mag Travel out of town or kung saan man. Yung malayo sa lugar na kinalakihan ko. Kung bibigyan man ako ng chance eh balak kong libutin ang buong Pilipinas
Lalo na ngayong ang bilis na ng panahon, mabilis narin madagdagan ang taon sa buhay, Sabi nga ng isang pari dito sa lungsod namin "Life is too short, so make the most out of it!" Parang nakakainspire lang yung quotation na yun. Well, totoo naman dahil tao lang din naman tayo namamatay din pero syempre una una lang yan kaya hanggat hindi mo pa oras ay gawin mo na yung mga bagay na tingin mong magiging dahilan para masabi mong nakuntento ka sa buhay na ibinigay sayo at hindi mo ito sinayang.
Uunahin ko ang lugar na Batanes para sa first ever Experience ko.
Siguro kasi sabi ng marami ay maganda daw talaga dun. Talagang one of a kind place para puntahan. Simple at payak ang pamumuhay at maraming magagandang tanawin Well wala akong masyadong alam dahil gusto ko ako yung makaktuklas non kaya iniimagine ko nalang muna yung mga sabi sabi ng ibang tao. Pero ang gusto ko talaga makita dun ay yung mga bangin at yung sinasabi nilang lokasyon ng pacific ocean na kung saan ay talaga naman daw na napaka lamig at malalakas ang alon, gusto ko rin puntahan doon yung mga sinaunang bahay na gawa sa bato at ang pinaka importante na sigurong reason is yung Light house (Hindi pa ko nakakakita ng light house ng totoo hindi yung sa t.v o sa kung saan man kahit sa kwento. Syempre gusto ko makakita nun sa personal na buhay, At yung pagbabayanihan ng mga tao doon.
01 July 2014
What?:
Una sa lahat ay ang makatapos ng pagaaral, bakit? Kasi yung ang gusto kong patunayan sa magulang ko na makikita nila yung pinaghirapan nila ng ilang taon na may natutunan at napunta sa tamang landas ng buhay niya.*ako yun.
Pangalawa: Masuklian ko yung paghihirap nila para sakin, kahit sa simpleng paraan lang. Alam ko naman sa sarili ko na hindi nila hinangad ng marangyang buhay basta ang sabi nila“makatapos lang ako, sapat na daw sukli sa pagtataguyod nila sakin”.
Pangatlo: Simpleng buhay, kasama ang mga mahal ko sa buhay, mapanatili ang bahay namin sa Cavite, Marangyang trabaho, sapat na pera para sa kinabukasan ng bubuuing pamilya.
At huli sa lahat: Bigyan pako ng sapat na lakas at mahabang buhay para makasama ng matagal yung mga mahahalagang tao sa buhay ko.
Iba pa:
Pangalawa: Masuklian ko yung paghihirap nila para sakin, kahit sa simpleng paraan lang. Alam ko naman sa sarili ko na hindi nila hinangad ng marangyang buhay basta ang sabi nila“makatapos lang ako, sapat na daw sukli sa pagtataguyod nila sakin”.
Pangatlo: Simpleng buhay, kasama ang mga mahal ko sa buhay, mapanatili ang bahay namin sa Cavite, Marangyang trabaho, sapat na pera para sa kinabukasan ng bubuuing pamilya.
At huli sa lahat: Bigyan pako ng sapat na lakas at mahabang buhay para makasama ng matagal yung mga mahahalagang tao sa buhay ko.
- Looking forward to see my
Biological Father. - Looking forward to travel in and out of the country.
- Looking forward to have MORE faith in god.
Why?? why?? Why do i Look forward in the future? Well simply because theres a lot of things in life that i wanted to do.
Mas enjoy ang buhay mo kung haharapin mo yung mangyayari sa hinaharap mo ng walang pag aalinlangan sa sarili mo, kung marami kang gusto sa buhay mo, dapat panindigan mo.
Mas enjoy ang buhay mo kung haharapin mo yung mangyayari sa hinaharap mo ng walang pag aalinlangan sa sarili mo, kung marami kang gusto sa buhay mo, dapat panindigan mo.
PS: Because life is too short to have a nonsense life make the most out of it.
conve 101
Kanina sa bahay bago ako pumasok medyo nagiisip ako if pano ako makaka isip ng proposal para sa sat… tapos habang nagbibihis ako nilagyan ko ng twalya yung buhok ko. TAPOS…..
Ako: Ma, alis nako…
Ma: Ohh. 100 lang muna ha..
Ako: anu ba yan naman..!! dagdagan mo na..
Ma: half day ka lang naman ehh…
Ako: mea pako uwi 7 kaya..
Ma: ayan(dinagdagan 20).. Naku ka talagang bata ka papatayin moko sa hirap.
Ako: thanks ma… muah..
(Sbay labas ng bahay)
Habang naglalakad ako may naramdaman akong mabigat sa ulo ko. Pag kapa ko yung twalya nasa ulo ko pa.. *nasa kanto na ko ng bahay namin tsaka ko pa napansin.. Pagbalik ko ng bahay tumatawa si mama.. ahhahaha. *alam pala niya na may twalya pako sa ulo.
Ako: ma! bat hindi mo naman sinabi na may twalya pako sa ulo?(sabay inalis ko yung twalya..)
Ma: eh kasi tinitignan ko if babalik ka eh.. hahahha.
Si mama talaga.. hahahha.. natawa nalang ako nung time na yun..
Ako: Ma, alis nako…
Ma: Ohh. 100 lang muna ha..
Ako: anu ba yan naman..!! dagdagan mo na..
Ma: half day ka lang naman ehh…
Ako: mea pako uwi 7 kaya..
Ma: ayan(dinagdagan 20).. Naku ka talagang bata ka papatayin moko sa hirap.
Ako: thanks ma… muah..
(Sbay labas ng bahay)
Habang naglalakad ako may naramdaman akong mabigat sa ulo ko. Pag kapa ko yung twalya nasa ulo ko pa.. *nasa kanto na ko ng bahay namin tsaka ko pa napansin.. Pagbalik ko ng bahay tumatawa si mama.. ahhahaha. *alam pala niya na may twalya pako sa ulo.
Ako: ma! bat hindi mo naman sinabi na may twalya pako sa ulo?(sabay inalis ko yung twalya..)
Ma: eh kasi tinitignan ko if babalik ka eh.. hahahha.
Si mama talaga.. hahahha.. natawa nalang ako nung time na yun..
16 June 2014
Dear Cy,
Gusto sana kita batiin ng Happy 4th year anniversary. Gusto kitang isurprise ng isang gift or date, gusto kita kasama ngayong buong araw ng June 16 2014 kasi eto yung date na napagpasyahan nating maging date ng anniversary natin noong 2010 kasi sa totoo lang wala namang ligawang naganap at hindi tayo naging handa sa mga nangyaring kilig moments nung nagkakilala tayo ng dahil sa bestfriend mo na ex ko. Naalala ko pa nga noon, nagalit ka sakin dahil napaka kulit ko sa text tapos lagi kitang tinatawagan. Sabi mo pa sakin noon wag nako magtext kasi nakakairita ako. Pero nung time na halos pagsukluban ako ng langit at lupa dahil sa problemang pag-ibig ko dahil sa bestfriend mo eh sinamahan mo ko at dun na nagsimula ang lahat. (Sa paningin man ng iba eh parang talo talo sa bestfriend pero hindi natin sila masisisi kasi hindi naman sila yung nakaramdam at hindi nila tayo naiintindihan. Pero thankful ako na nakilala ko ang bestfriend mo kasi nga nakilala kita.)
Naalala ko nung mga unang taon natin eh panay away natin. Panay selos mo, panay puna mo ng mga isinusuot kong damit ako naman nawawalan ng time sayo kapag kasama ko mga kaibigan ko tapos napakaisip bata ko, minsan nagseselos din tapos yung mga hindi natin dapat pinagaawayan eh napagaawayan dahil nga siguro nagaadjust tayo sa isa't isa. May mga araw pang halos hindi tayo nagkikibuan pero dadating yung time na ikaw na yung magsosorry kahit alam mong hindi naman ikaw yung may kasalanan kasi nga ayaw mo na nagaaway tayo. Tapos ako iiyak kasi guilty tapos magsasabi ako sayo ng nararamdaman ko, yung love ko para sayo tapos ikaw din iiyak tapos magiging okay na tayo at aabutin ng kinabukasan sa paguusap sa telepono. Hanggang sa mga birthdays and monthsary eh napakadaming surprizes na sobrang nakakakilig para sakin. Lalo na nung nagcompose ka ng kanta for me sobrang naapreciate ko yun. Pati na rin yung maya't maya mong pagsabi ng mga katagang "Mahal kita" na minsan kinaiinisan ko kasi paulit ulit pero narealize ko na masarap pala pakinggan yun.
Hanggang sa dumating ang pangalawang taon na sobrang daming Ups and down dahil nga nagkaconflict tayo dahil panggabi ka kaya hindi tayo nakakapagusap kasama na diyan yung mga hindi mabilang na
At Pangatlong taon natin na sa hindi inaasahang tagpo eh biglaan nalang. Parehas na tayong sumuko, parehas na tayong bumitaw sa mga pangako natin sa darating na panahon, pareho na tayong pinili nalang na maging magkaibigan? kahit na alam nating hindi pepwede ay pinipilit natin dahil tingin natin ay hindi na natin kaya pa ang magpatuloy pa. Pareho tayong nasasaktan pero kinakaya natin para maghilom ang sugat na dala ng nakaraan. Parehas nating unti unting kinakalimutan ang lahat ng mga memorya pero hindi parin makalimutan. Parehas nating naiintindihan ang tadhana na kailan may hinding hindi tayo maiintindihan.
Ngayong Pangapat na taon na sana natin ay nakareceive ako ng hindi inaasahang text mula sayo na ang nakalagay ay yung date ng araw ngayon "June 16, 2014" hindi ko mapigilang lumuha dahil alam ko at alam mo na naalala natin ang isa't isa sa mga oras na to. Alam kong hindi na nating maibabalik ang dati pero umaasa akong hindi ito ang huli nating pagtatagpo. at Gusto kong malaman mo na Ikaw lang, Walang iba. :)
Ps: habang sinusulat ko to eh nagpaplay yung theme song namin na "Walang iba by Erza band"
10 June 2014
Kanina nagkasabay kami ni ex sa jeep with his girlfriend. Hindi ko sila nakita pero tinawag ako ni cedric so nagulat ako and nag hi na din.. Then pinakilala niya sakin yung girlfriend niya. *I don't wanna be mean pero totoo pala yung mga sinasabi ng iba once na nakita mo ang ex mo na may kasamang bago e masasabi mo nalang sa sarili mo na mas maganda ka parin sa kasama niya. -_-
08 June 2014
Untittled
Ang hirap mag type o magisip dahil sobrang sakit ng ulo ko ngayong araw simula pa kaninang tanghali pero dahil nga pag nakakarinig ako ng magagandang kanta especially mga intrumental eh talaga namanang umaatikabong expresyon ang nararamdaman ko at napakadami kong naiisip na mga bagay bagay.
Tulad nalang ni Cy. Haist ilang araw na ring kaming hindi naguusap dahil sa napaka walang kwenta niyang sermon. Nakakainis kasi siya, ultimo paglilinis ko ng kuko ikagagalit niya, ang katwiran niya eh may sasabihin daw siya eh pwede naman niyang sabihin pag katapos ng ginagawa ko lalu na ilang daliri nalang naman yun tapos ayun nagmaktol na hanggang sa nagsumbatan nagsigawan at tuluyan na kaming nag away. Sa totoo lang, napaka babaw niya kasi palagi. Lagi naman niyang sinasabi na binabago na niya yung pagkabugnutin niya pero ang totoo hindi naman, ganun pa din siya at mas lalong lumalala.
Pero ang totoo na kahit ganun siya eh sobrang namimis ko na siya, at alam kong namimis na din niya ako. Alam ko yun kasi lagi kming ganito.. Alam kong tinitiis niya lang din na wag akong itext pero ang totoo sobrang mis na niya ko. Kaya ko din nasabi kasi ganun din yung nararamdaman ko.. huehue..“Yhat i miss you so much na” Sana bago ako pumasok sa lunes e magkaayos na kami.
Tapos eto naman speaking of pasukan, hay monday na pasukan eto nanaman ako magaaral nanaman at sana makagraduate na next year. jusko ang tanda ko na. Ewan ko ba pero tinatamad na ako pero hindi pwede kasi nageepect sila mama eh kailangan kong tapusin isang taon nalang eh aayaw paba ako??
Tapos yug thesis nanaman, kapag iniisip ko yun dahil nga dun sa nangyari eh pakiramdam ko gusto ko magpakamatay (De joke lang) Ngayon namomoblema tuloy ako kung pano ko gagawin ng magisa. ang dami ko naiisip na baka hindi ko kayanin baka mabully ako kapag defense kasi magisa ako na baka bumagsak nanaman ako. huehue.. Grabe halo halo na yung nararamdaman ko parang Halo-Halo ng Chowking o ng Mang inasal pa man yan.
Tapos napepresure pako sa tuwing may nakakasalubong ako na kakilala tapos tatanungin ako kung san ako nagtatrabaho o kung graduate naba daw ako? kaya minsan, hindi naman sa pagiging masungit o suplada ko kapag hindi ko sila pinapansin eh umiiwas lang ako sa mga tanoang na ganun kasi maiisip ko nanaman tapos mapepresure nanaman ako tapos magiisip nanaman ako ng mga negatibong bagay hanggang sa hahantong sa Pakadesperada ko.
Labels:
cy,
Diary,
free hand,
love,
missing someone,
push mo yan,
thesis shit
05 June 2014
TFIOSZONED
This past few days of being excited i always dreamed about this scene.. and i was like “hey whats going on?”
i am so inloved with this book! I can’t even stop reading it until i finish the entire book.
i remember one time when me and my friend wenni are at the mall then i saw the poster in the “coming soon” area. I scream out loud! my friend and people looking at me like i am possessed by some dark creature. ahahahah. lol
So ayun showing na ngayon dito sa SM Dasma yung The Fault in our Starsat sobrang goodnews siya.. Mantakin mo Contious screening siya, meaning to say wantusawa ka manuod unlike other movies na showing ngayon eh one time viewing lang…. Nakakaexcite naman yun.. bukas pa kasi ako manunuod. Well sana sumipot yung kasama ko manuod kung hindi eh solo fligth ko nanaman manuod. hahaha
Subscribe to:
Posts (Atom)