24 August 2012

Last Day: NSTP Community Needs Assesment

Last na araw ng sabado na to, para sa NSTP. Sound amazing na nakaabot ako hanggang sa huli, at thankful kasi makakaabante nako sa NSTP2.  Pero eto na din yung start ng panibagong pahina sa buhay ko.. After this, iaaply na namin yung mga lecture na natutunan namin sa buong 7Saturdays.
Tinalakay namin ngayon yung mga gagawin namin sa mga barangay. Dahil 5members sa isang group, nagdesisyon kami ni krissia na kami nalang dalawa para hindi husttle samin kasi nga irregular kami, ayaw namin maging pabigat sa mga kagrupo namin.. Ngayon, ang problema... Saan kaming barangay pupunta at ano yung mga dapat naming isaalang alang sa pagkuha ng impormasyon sa barangay. Madaling mahirap ang tingin ko, hindi ko kasi masyado kaclose yung punung barangay namin kasi ..... ano.. ah basta. Hindi ko pwedeng sabihin, kasi masyadong komplikado.. hahahaha.. 
Halos isang oras lang kami nagdiscuss tapos pinauwi na kami..

*Dumaan ako ng mcdo para magpalipas ng oras, kasi kung uuwi ako ng maaga baka sabihin sakin ng mama ko na naglakwatsa lang ako para may baon.. Umorder ako ng mcfloat at umupo sa isang tabi.. Binuklat ang librong pinahiram sakin at sinimulan na ulit basahin. "Para kay B" *Actually kagabi ko pa to unang binasa, maganda yung mga kwento, Medyo nakakarelate. at isa pa talagang nakakarelate ako. Kakaiba si Mr. Lee as Story Teller, although sa una medyo hindi ko maintindihan pero at some point bigla mo nalang mauunawaan.. Pinaka Gusto ko yung Ikalawang kwento.. habang binabasa ko, ay parang nandun ako sa eksena, parang 3D lang ang dating. Kung may pagkakataon, at extra pera, bibili talaga ako ng mga libro niya..


No comments:

Post a Comment