Friday is the day. Maganda to para sakin, kasi makakapanuod nanaman ako ng sine sa halagang 25php. After ng klase sa math7. Deretso na ng SMB. Pinapanalangin na bago na yung film fiesta. Kasi halos isang linggong palabas yung possesion.. *_* Sakto. bago nga. Yung kasama ko Halos napatalon pa sa tuwa ng makita yung title ng panunuorin namin. "Insidious" Horror ata? well hindi ko alam kasi hindi ko pa yun napapanuod kaya okay sakin na manuod kami..
Sa sinehan, Masyadong kinakabahan ako, kasi sabi sakin ni paul NAKAKATAKOT daw yun.. Tama nga naman siya. Sobrang nakakatakot, yung pakiramdam na parang nandun ka sa scene.. Halos naninikip ang dibdib ko habang nanunuod. Ramdam na ramdam ko yung tibok ng puso ko sa bawat eksena. Dun ko din naranasang Sumigaw ng bongang bonga nahindi ko pa naranasan sa ibang pinanuod ko..
Pagkatapos ng palabas, kumain kami sa aming paboritong tambayan. Mang inasal. O sya, hindi ko na idedetalye pa kung ilang kanin ang naubos namin. Malamang ikagugulat niyo.Kahit ako man din ay nagulat sa kinain ko. :)
Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna at umalis. May exam pa kasi ako sa Economics kaya need ko makapasok, dahil As my prof. said. BAWAL ANG SPECIAL EXAM!!!! So nagmamadali ako, sobrang traffic naman.. 5pm nako nakarating sa aming pinagpipitagang eskwelahan. eh 4pm ang call time.. That time medyo kabado nako, dahil hindi din nagtetext yung kaklase ko. Hindi ko alam kung saan ang room. Natataranta nako.. Namumutla at Umiiyak. Parang pakiramdam ko multo ako na hindi makita ng ibang estudyante. Lakd sa pasilyo.at kung anong room yung madaanan ko walang pakundangan ko itong binubuksan kahit alam kong malaki ang posibilidad na mapahiya ako.Anim na bese ko inikot yung buong building kahahanap lang sa section C. Pagod na pagod na ko, nanlulumo. Inisip kong umuwi nalang at hindi kumuha ng exam, pero.... Ayokong bumagsak.. isang chance nalang to eh.. ayoko na ma disappoint ang magulang ko sakin. Buti nalang nakita ko yung iba kong kaklase, tapus na sila . Pag pasok ko sa room hindi ko alam sasabihin kay mam. "Mam sorry po, kasi po hindi ko po makita yung room" *Akmang iiyak nako pero pinigilan ko. Sa makatuwid.. Tinapos ko yung exam ko ng wala pang 15mins..
*ayoko ng isipin na babagsak ako, ang mahalaga lang ay may grade ako at hindi ako nakakuha ng 0.

*Eto yung scene na hindi ko halos naisip na makikita ko, sobrang dumadagundong ang dibdib ko.

No comments:
Post a Comment