16 May 2014

Mala Legal Wife ang datingan

Last night i was working on my loomband bracelets orders when suddenly i hear something loud behind my bed walls. Something strange, kasi it came from my kuya and ate's room. Hindi ko marinig ng malinaw yung pinaguusapan nila kase yung electricfan ko eh maingay so i decided na tanggalin yung saksak ng fan so i can clearly hear what they are arguing.  Seriously  hindi naman ako chismosa pero kasi iba pag dating sakanila. So i was like a Vampire from The Vampire Diaries na kayang marinig yung pinaguusapan. (LOL) I Listen very carefully, nagtatalo sila kasi nahuli ni ate si kuya na may babae. Tandang tanda ko pa halos lahat ng paguusap nila. Naisip ko tuloy parang THE LEGAL WIFE lang..  (Pansin ko lang din ha, simula nung pinalabas yung epic teleserye na yun madami na ang magasawang nagaaway) buset.. Hindi ko alam kung pano nangyari yun pero si kuya kasi yung tipo ng lalake na akala mo hindi gagawa ng ganun kasi tahimik lang siya. Tapos sabi depensa pa nga niya "Pano ko gagawin yun eh nakikita mo maaga ako pumapasok sa trabaho tapos gabi na ko umuuwi, pano mo nasasabi yang ganyan sakin?" . Pero iba pananaw ni ate kasi may nakita siyang text eh. Kesyo Mag HAHALF DAY DAW Ganun ganun.. chuchu..  



Basta hindi ko na masyadong ieelaborate pa, ang pinupunto ko lang eh. Ang hirap ng ganung sitwasyon, ikaw yung babae tapos tatarantaduhin ka ng asawa mo. Napakasakit. Kahit kuya ko pa siya eh syempre babae ako at ayoko mangyari yun sakin. At isa pa kaya parang natatakot na tuloy ako pumasok sa isang relasyon, eh yun nga magasawa na eh pano pa kaya kung bf/gf palang?? Ang hirap, tapos nakakahiya kay ate kasi syempre pinakasalan siya ng kuya ko tapos ganun lang ang gagawin?? haist... Di ko na alam ano meron sa mga lalake kung bakit pumapatol sa mga taong hindi naman dapat pagtuunan ng pansin.. Sabi pa nga ni mama "Ang babae kasi ang demonyo, alam nilang may asawa ng ang isang tao lalandiin pa din nila kasi walang kayang magseryoso sakanila kung hindi yung mga lalakeng mahihiina"


 





01 May 2014

Arachnophobic





Dear Spidey,
Would you mind to please leave my room forever? Hindi ko kayang magkasama tayo sa iisang kwato. Natatakot ako, hindi lang para sakin kung hindi para sayo dahil baka anu pa ang magawa ko na hindi mo magustuhan. Hindi ako makatulog pag nakikita kitang nakapaligid sakin pakiramdam ko mamamatay ako. Ilang beses na kitang pinaalis pero pilit ka paring bumabalik na para bang gusto mo maghiganti dahil pinalo kita nung una nating pagkikita dahilan para mapilqy ang isa sa mga galamay mo. Hindi ko alam kung bakit natakot ako sayo, naalala ko lang nung napanaginipan kita na sobrang laki mo na halos kasing laki mo ang kama yun na yung araw na kinatakutan kita kaya sa tuwing binibisita mo ako oh ng mga kamaganak mo ay hindi ko maiwasang mapatay sila.Tapos nung bata ako ay nakagat ako ng kauri mo nung kasagsagan ng paglalaro ng sabong ng gagamba na nilalaro ko noon. Simula noon hindi nako nag laro o nagalaga pa man nun. Sorry pero yun ang katotohanan,Alam kong madumi ang kwasto ko kaya gustong gusto mo pero pakiusap ko sayo sana lang sa iba ka nalang mamahay.  Please tantanan mo na ko. Hindi ko talaga kayang kasama ka. Please.  Salamat. Sana mamaya paguwi ko ay wala ka na sa kwarto.  

PS: Showing pa naman ang Amaizing Spiderman 2 ngayon pero hindi ko pa napapanuod. 



22 March 2014

Paul,

    Pagkagising ko ngayong umaga tumawag ka. Hindi ko alam kung bakit? Kalmado kong sinagot yung tawag mo. Tapos tinanong kita kung bakit? Ang sabi mo may sasabihin ka. Ako naman eto nakikinig. tumahimik ka saglit at saka mo binigkas ang mga salitang "Boy magsosolo na ako". Medyo hindi ko pa nga naintindihan nung umpisa dahil narin siguro sa kagigising ko lang at wala pa ako sa katinuan, pero habang tumatagal ay nauunawaan ko na yung mga binanggit mong salita. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero naglakas loob na akong magtanong kung bakit? pero ang sagot mo hindi mo alam. Sabi mo pa ay magpapartner na kayo ng isa pa nating kaklase. Wala na akong nasabi pa. Ang sabi mo pa gusto mo ako kausapin ng personal pero hindi mo nagawa. Anung nangyari??  

   Pagkatapos nun ay dali dali na akong naligo at nagbihis para pumunta ng school pata makapagusap tayo ng maayos at malinaw ang lahat, nakalimutan ko na nga magalmusal dahil sa sobrang pagkabigla.

  Habang nasa bus ako, unti unti ko nang nararamdaman yung sakit, yung panghihinayang, at panlulumo. Naramdaman ko din yung galit at poot dahil dito. Pero wala akong magawa. Pinipilit kong wag isiping yung mga bagay bagay pero sadyang naguumapaw yung emosyon na nararamdaman ko, hanggang dumating na sa punto na umiyak ako sa loob ng bus. Umiyak ako ng umiyak. Wala akong pakeelam kung sino man ang makapansin sakin o kung sabihin man nilang OA ako. Habang nasa byahe wala padin pagtigil ng luha ko.
May mga pagkakataon pang naririnig ko ang sarili ko na nagbigkas ng  "Gusto ko ng tumalon sa building" pero isip ko joke lang. Tapos tatawa pero maya maya pa ay iiyak nanaman. Pakiramdam ko nung mga oras na yun ay napakadali ng byahe, natatakot ako, natatakot ako kung anu ang mangyayari. Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko saiyo o kung ano ang gagawin kapag nakita kita. Pag dating ko sa school, hinanap kita, tinawagan pero hindi mo sinasagot. Hanggang makita ko kaya na nakakumpol sa isang classroom. Nilapitan lkita at sinabi kung pwedeng humiram ng kopya ng take home exam, pero wala akong narinig na ni isang salita. Marahil masyado kang nakatuon sa ginagawa mo. Inaproach ulit kita pero kitang kita ko sa response mo na wala kang balak makipagusap sakin. Wala akong nagawa kung hindi mag antay. Pero ang tagal boy. Pakiramdam ko nung mga oras na iyon wala ako dun, na parang hangin lang ako na dumaan. Pagkatapos mo nung ay hindi ko na alam ang ginawa mo. Buti pinahiram ako ng isa nating kaklase para kumopya.  Nagkakasalubong tayo pero parang wala lang, habang kayo ng iba nating kaklase ay nakukuha pang magtawanan at magasaran.

   Pumunta ako ng faculty para kausapin si mam para sa balak mong manyari, pagkatitig palang niya sakin wala na akong nagawa kung hindi umiyak dahil hindi ko alam ang sasabihin o  gagawin ko. Pinaupo niya ako sa may likod ng mga cabinet yung pwesto dun para sa mga nagdedefense saka niya ako tinabihan. Sinabi niya sakin na kinausap mo siya tungkol nga sa pagkalas mo sa grupo natin at sinabi din niya na hindi siya pumyag sa gusto mo. Tinanong niya ako kung bakit o anung nangyari pero ang nasabi ko nalang ay hindi ko alam. Sinabi ko sakanya yung mga tingin kong dahilan kung bakit iiwan mo ako sa ere.
Pinaliwanag ko kung bakit wala ako lagi sa school na tingin kong dahilan kaya naging ganito. Nakita kami ng iba nating mga kaklase at nararamdaman kong alam nila yung problema. Balak ka pa nga ipatawag ni mam para makapagusap tayo ng maayos kasi sabi ko kaninang umaga mo lang sinabi at sa tawag pa, pero ang sabi ng isa nating kaklase ay umuwi kana. Pagkatapos nung usap namin na yun ay umuwi na ako.

   Boy? ano ba to? bakit naging ganito? bakit iiwan mo ako sa ere? Akala ko ba tatapusin natin to ng sabay? kaya nga inantay kita ng isang sem dibe? Boy, kaya inantay kita kasi nagtitiwala ako sayo. Kung sa tingin mo wala akong ginagawa para maging posible tong thesis na to, mali ka boy! May ginagawa ako hindi mo lang nakikita o pinapansin boy. Pinipilit ko nga makahanap ng mga paraan para maumpisahan na ito eh pero wala kang ginawa kung hindi panghinaan lang ng loob. Ang sakit sakit lang kasi, alam mo yun? INANTAY KITA! Kung tutuusin hindi ko na dapat to tinake kasi pasado na ako nito last year pero tinake ko para naman fair sayo sa susunod na sem pero eto lang yung matatanggap ko? Bullshit naman oh.  Kung sa tingin mo na di natin kaya kase lagi mong sinasabi na "Pano moko tutulungan eh wala ka ngang laptop?"  gumagawa naman ako diba ng paraan inaantay ko lang. Kaso hindi mo maintay eh. Alam ko na medyo dati pa na hindi kana kumportable na maging kagrupo ako, pero sinabi ko naman yun sayo diba nung mga araw na naghahanap palang tayo ng RRL at RRS na sinabi ko kung ayaw mo pero ano sinabi mo "hindi boy, partner tayo. alam kong may gap satin pero sana mawala na yun" Hindi ko nakakalimutan yang mga sinabi mo sakin, at kaya nagtiwala ako sayo  at dahil na rin KAIBIGAN kita.

   Sana lang maisip mo din yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi wala kang pakeelam sa nararamdaman ko, katulad nung pagkatapos ng defense, tinanong kita kung ano balak mo pero nakatangu ka lang at nagiisip, tapos tinanung ulit kita pero ang sabi mo itetext mo nalang ako.   

   Haist. kung alam MO lang na magiging ganito sana boy nung una palang, nung una palang sinabi mo na eh di sana mas napaghandaan ko. 

   Sana makapagusap naman tayo ng personal tungkol dito sa problema na to. Kung maayos pa eh di mas okay, pero kung hindi eh hindi ko na alam ang mangyayari.






18 March 2014

Let It Go Meets Metal




This is so spectacular. And I was like banging my head from start till the end. 


12 March 2014

You Only Live Once

This was my first journey to Tagaytay alone. It was one afternoon. The sun is warm and shinning. I am planning to go to a place called "Subi-Montea" where in lots of people or milktea enthusiast are talking about. This one is located at Aguinaldo highway, Tagaytay City In front of yellow cab.  They have lots of variety flavors to choose from and you can customize your own tea.



I ride a bus to Alfonso which is Main transportation if you are going to commute. Actually i don't know how to get there, i just follow my instinct and ask Manong Diver to drop me in front of Yellow Cab Tagaytay. I sat beside the window so i can feel the cold breeze later. There are several times that it rains but after a couple of mins. it stopped and the sun is out again. I was a bit worried if manong driver forgot me to drop by. so i ask manong diver if lagpas na kami, but he says "wag ka magalala nene wala pa tayo dun medyo malayo pa" Then i was releaved. :)

As i watched the side streets, people doing their jobs, waiting buses, jeepneys, or even just people walking beside the highway. I didn't notice how time passes by. It was a pretty long drive, gloomy and cold. 

When i arrived exactly 3 o'clock its only me at that time. I feel lucky, because i can choose where table i will spare my time. 

*Front

Before i order, kuya barista ask me to choose what milktea base i want its either milk, citrus, yogurt or cheeskcake, then choose Tea Bags from Dilmah for the flavor, and choice of  "basecamp"  and of course your sugar level which is one of the unique service of this milktea house. 


Ordering Station

Credits to the owner of this one photo i grabbed from the author of midnight-run-to-tagaytay

I thought the place is large like other milktea houses i visited before, but this is quite small. They played lots of mellow musics that suits the entire place. They also have this kind of mirror with post it written by their regular customers.





I ordered Milk for the base, blueberry flavor for the tea bag and strawberry burst for the campbase. When i ask kuya barista if they have cheesecakes which is the one i aim for travel he said "Mam sorry po pero wala na po kaming cheesecakes, pinullout na po. If you want po may waffles kami. " the i was like *_*


(*This is my first time to try real cheesecakes, but unfortunately its not available. *Facepalm) So i ended up choosing Nuttella waffles. (*Fist time to try nuttella. ^_^ )


Honestly, i really like this superb! The Mouthwatering waffles plus refreshing milktea and relaxing ambiance of the places really makes me wanna go back everyday or every week. 



Basecamp and the tea bag.


OUTSIDE:





Selfies



After that outbusting heavenly meryenda, i go outside and start to walk freely and feel the cold breeze while appreciating the view. I know its hard for me to surpass this walkathon because of my health condition plus the cold air, but i want to try atleast and i will stop if i cant do it anymore. 

Highway.

I walked as i breathe, with every step i breathe deeply and step again and again. I passed some creepy places, abandoned houses and hotels, forested areas along the way and i even think that someone is following me from behind. I also passed some flower vendors and fruit vendors. It was a wonderful walk alone. Clearing my mind in such a pity world. Realizing my purpose in this world, making my life worth living. 

I think i walk at least an hour or hour and a half then i saw this Rotonda as they say and smile.  I feel like i can do better and more. 


And this is the end of my wonderful day alone but with the presence of the Lord.



















01 February 2014

Reunion Batch 2003

Its been 11 years from now since nagkitakita kami ng mga batchmates ko nung elementary, yung iba naman nagkikita kami pero yung tipong hi o hello lang. Unlike this year na matagal na naming sinet para magkareunion. This was so Epic Reunion ever. (First time) 

Elementary days is so wonderful, dun mo mararanasan yung mga bagay na hindi mo inaasahan, magkakacrush ka, mabubully ka o ikaw yung nabubully or what so ever. Magkakaroon ka ng mga bff's, frenemies at favorite teacher. Magiging sidekick ka ng teacher mo para ilista yung mga maiingay sa room pag umalis siya. Magtitinda ka ng mga paninda for the break time, magsusulat ka sa blackboard ng napakahabang lectures. Dito mo din mararanasan yung pamimigot, pagpalo sa kamay o sa pwet, pag sabunot ng teacher mo pag mali ang sagot mo oh kung ano pa man. At kahit na ganun ay masaya naman.

Medyo kinakabahan pa nga ako this time, kase syempre yung magiging impression nila, but the time na nagkita kita kami, it was so undescribable. Walang akwardness tapos sobrang saya lahat, walang o.p at lahat naguusap. :) Nagkita kita kami sa Robinson Dasma bago pumunta ng Qubo Qabana for overnight swimming. At first kala namin onti lang kami, but then nung tumagal umabot kami ng 20+ tapos may mga humabol pa. Yung iba kaya di nakapunta siguro may trabaho o busy sa pamilya. Marami na kasi samin ang may kanya kanyang pamilya na. 

So this is it. 































"Friendship is unnecessary, like philosophy, like art... It has no survival value; rather it is one of those things that give value to survival." - C. S. Lewis


Till we meet next time batchmates.