26 July 2014

Untittled

Sorry for being inactive this past few weeks. I am in deep and unhappy feelings because of some circumstances plus the Thesis is on going and i think i don't have enough time to finish this, The Documents and specially the system it self i don't even know how to start. I don't even know how to used those software in order to build this thing. I watched video tutorials, but it doesn't make any sense at all.

I think i do know whats really wrong. "Lack of inspiration" Thats the thing! The feeling of nothing, feeling of getting tired and you want to get sleep all day but you do nothing, eating up nothing at all, wide awake all night with no reason at all, making fun out of yourself because you think your stupid. Blaming yourself because you think that you are so weak. And the last thing you wanna do is scream and cry! 

Bullshit! I hope this will end soon, or else this will be the end of all.

02 July 2014

The BucketList


Lahat naman tayo may kanya kanyang gustong gawin sa loob ng isang taon. Yun bang bago, yung hindi mo pa nagagawa or let us say hindi mo pa naeexperience in your entire life. Yung na cucurious ka sa mga bagay bagay na bago, na iniisip mo kung ano yung magiging reaksyon mo o ano yung mararamdaman mo. At dahil syempre limitado lang naman tayo bilang isang tao e, hindi natin nagagawa iyon. 

Ako, matagal ko ng naiisip yung mga bagay na gusto kong gawin, yung hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Tulad nalang ng Mag Travel out of town or kung saan man. Yung malayo sa lugar na kinalakihan ko. Kung bibigyan man ako ng chance eh balak kong libutin ang buong Pilipinas (How i wish). Sa totoo lang kasi never ko pang naexperience na pumunta sa mga malalayong lugar ng ako lang. Para kasing ang saya nun kahit na sabihin nating ang lonely.  Parang ang sarap magkaroon ng tittle na "Perks of being a Traveler" kung baga. Yung pupunta ka sa isang lugar na hindi mo masyadong alam kaya ieexplore mo tapos titikman mo yung mga pinoy delicacies nila tapos sa bawat bayan na napuntahan mo eh may maiuuwi kang suvenier na nagpapatunay na nagpunta ka dun tapos iboblog mo. Yun bang gagawa ka ng listahan ng mga gusto mong puntahan, tapos chechekan mo pag napuntahan mo na. At syempre hindi mawawala ang mga litrato. Dahil kahit anong sabihin natin pictures are one of the best memories we have.

Lalo na ngayong ang bilis na ng panahon, mabilis narin madagdagan ang taon sa buhay, Sabi nga ng isang pari dito sa lungsod namin "Life is too short, so make the most out of it!" Parang nakakainspire lang yung quotation na yun. Well, totoo naman dahil tao lang din naman tayo namamatay din pero syempre una una lang yan kaya hanggat hindi mo pa oras ay gawin mo na yung mga bagay na tingin mong magiging dahilan para masabi mong nakuntento ka sa buhay na ibinigay sayo at hindi mo ito sinayang. 

Uunahin ko ang lugar na Batanes para sa first ever Experience ko. 




Siguro kasi sabi ng marami ay maganda daw talaga dun. Talagang one of a kind place para puntahan. Simple at payak ang pamumuhay at maraming magagandang tanawin Well wala akong masyadong alam dahil gusto ko ako yung makaktuklas non kaya iniimagine ko nalang muna yung mga sabi sabi ng ibang tao. Pero ang gusto ko talaga makita dun ay yung mga bangin at yung sinasabi nilang lokasyon ng pacific ocean na kung saan ay talaga naman daw na napaka lamig at malalakas ang alon, gusto ko rin puntahan doon yung mga sinaunang bahay na gawa sa bato at ang pinaka importante na sigurong reason is yung Light house (Hindi pa ko nakakakita ng light house ng totoo hindi yung sa t.v o sa kung saan man kahit sa kwento. Syempre gusto ko makakita nun sa personal na buhay, At yung pagbabayanihan ng mga tao doon.


01 July 2014

What?:
Una sa lahat ay ang makatapos ng pagaaral, bakit? Kasi yung ang gusto kong patunayan sa magulang ko na makikita nila yung pinaghirapan nila ng ilang taon na may natutunan at napunta sa tamang landas ng buhay niya.*ako yun.
Pangalawa: Masuklian ko yung paghihirap nila para sakin, kahit sa simpleng paraan lang. Alam ko naman sa sarili ko na hindi nila hinangad ng marangyang buhay basta ang sabi nila“makatapos lang ako, sapat na daw sukli sa pagtataguyod nila sakin”.
Pangatlo: Simpleng buhay, kasama ang mga mahal ko sa buhay, mapanatili ang bahay namin sa Cavite, Marangyang trabaho, sapat na pera para sa kinabukasan ng bubuuing pamilya.
At huli sa lahat: Bigyan pako ng sapat na lakas at mahabang  buhay para makasama ng matagal yung mga mahahalagang tao sa buhay ko.
Iba pa:
  • Looking forward to see my Biological Father.
  • Looking forward to travel in and out of the country.
  • Looking forward to have MORE faith in god.
Why?? why?? Why do i Look forward in the future? Well simply because theres a lot of things in life that i wanted to do.
Mas enjoy ang buhay mo kung haharapin mo yung mangyayari sa hinaharap mo ng walang pag aalinlangan sa sarili mo, kung marami kang gusto sa buhay mo, dapat panindigan mo.
PS: Because life is too short to have a nonsense life make the most out of it.

conve 101


Kanina sa bahay bago ako pumasok medyo nagiisip ako if pano ako makaka isip ng proposal para sa sat… tapos habang nagbibihis ako nilagyan ko ng twalya yung buhok ko. TAPOS…..

Ako: Ma, alis nako…
Ma: Ohh. 100 lang muna ha..
Ako: anu ba yan naman..!! dagdagan mo na..
Ma: half day ka lang naman ehh…
Ako: mea pako uwi 7 kaya..
Ma: ayan(dinagdagan 20).. Naku ka talagang bata ka papatayin moko sa hirap.
Ako: thanks ma… muah..
(Sbay labas ng bahay)

Habang naglalakad ako may naramdaman akong mabigat sa ulo ko. Pag kapa ko yung twalya nasa ulo ko pa.. *nasa kanto na ko ng bahay namin tsaka ko pa napansin.. Pagbalik ko ng bahay tumatawa si mama.. ahhahaha. *alam pala niya na may twalya pako sa ulo.

Ako: ma! bat hindi mo naman sinabi na may twalya pako sa ulo?(sabay inalis ko yung twalya..)
Ma: eh kasi tinitignan ko if babalik ka eh.. hahahha.

Si mama talaga.. hahahha.. natawa nalang ako nung time na yun..