05 January 2014

Its better Late Than too Late


Isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon sa inyo mga minamahal kong kaibigan (Pasensya na kung sobrang epic late yung pag bati ko) 


Sa nakalipas na taon ay marami akong pinagdaanan na talaga namang nakakaloka o nakakapanghindik balahibo hahah *Joke. Maraming mga pinagdaanan na nalutas at mayroon ding hindi pa. 


Pero nitong mga huling sandali ng taong 2013 ay hindi ko malilimutan dahil unang beses ko na mag Christmas Vacation sa ibang lugar kahit saglit lang. Hindi man ganun ka saya yung memories ay pwede na. 


Nagpunta kami sa Tagaytay kasama sila Ate at ang kanyang pamilya. (Every year naman talaga sila nagpapasko sa place namin pero ngayon medyo nag level up) 




So here's the full story:




Habang inaantay yung sundo namin papuntang Tagaytay


On the road na kaso umabot sa apat na oras yung byahe namin sa sobrang traffic dahil nga pasko maraming namamasyal. Sila ate nga ay naglakad nalang para maghanap ng matutuluyan namin for the night. 



Little Falls In




Maganda naman yung napuntahan naming inn ang kaso lang ay malayo sa Picnic Grove na akala namin ay malapit lang. Pero maganda naman at mas cheaper yung price. Pag dating kasi namin dito ay naglakad kami papuntang Picnic Grove grabe ang layo. Wala ding nangyari umuwi din kaming gutom. Kinabukasan nalang kami kumain. 



 Pag ka gising sa umaga nagpunta kami sa park sa may bandang ibaba nung inn. Ang lamig GRRR. First time ko mag overnight sa Tagaytay. 


Goodmorning Sunshine!




 Bandang 1 pm nag check out na kami para pumunta sa Picnic Grove. Kumain muna kami sa Koorah-Koorah *Sobrang tagal nila magserve at halos mamuti na yung mga mata namin sa kakaintay. :( 

To Be follow up nalang yung ibang photos kase hindi ko pa naupload eh.. Na amazed kase ako sa view kaya unti lang yung photos na nacapture ko. 



Dahil Hindi ko alam kung kakayanin ako ng zipline at isa pa natatakot ako ay nag Cable car nalang kame, pakiramdam ko mas nakakatakot pa eto kesa sa zipline kase yun saglit lang eh eto ang tagal gusto ko na sumigaw na dalian nila whahaha...


Balinsasayaw Silang Cavite



Ang ganda ng place tapos magandang reception ng kasal, binyag o kung anu man. Hindi lang yun MASARAP yung pagkain lalo na yung Crispy Kangkong with magic sawsawan, at yung Boneless sinigang na bangus. thumbs up talaga ako dun. 


Credits to the Owner of the Photo


After that heavy heavenly sarap busog dinner eh time for picture na.




And we had a great Christmas Day.


No comments:

Post a Comment