09 December 2013




Dear Friend,

           Nitong mga nagdaang araw marami akong isiisip, mga problema or mga kung ano ano lang. Tapos ngayong umaga pagkagising ko habang nagpapainin pa sa pagkagising, naisip ko yung mga problema na dapat kong gawin o tapusin ng walang halong katamaran.  Naisip ko na parang kailangan na muna kitang bitawan sa ngayon? o panghabang buhay na? hindi pa alam pero balak ko na talagang bitawan ka, pero hindi ko alam kung bakit. Siguro masyado lang akong nadedespress kaya ako ganito. Pakiramdam ko hindi ko na kilala ang sarili ko, para bang gusto ko nalang sumuko sa lahat. Gusto ko nalang mamahinga ng tuluyan. Pero may oras na masaya naman ako. Pero talaga kasing. . . Hays! hindi ko alam. Para bang may kulang talaga *hindi parang! Mayroon talagang kulang. Minsan naisip ko kung bakit ang dami kong iniisip. Mga bagay, tao o kung ano pa pero ang totoo ay hindi ko naman dapat problemahin. Kung may magbibigay lang sakin ng lakas ay yung mga magulang ko at ilang mga matatalik na kaibigan at ang Diyos Ama. 
                                   
                                                              
                                                                                                             






02 December 2013

Lintek!


Dahil sa sobrang stress at puyat at pagod sa pagiisip ng concept about sa Thesis namin ay hindi ko namamalayan na nagkakasakit na pala ako. Nagsimula lang naman to nung nag umpisa kami mangalap ng impormasyon para sa concept paper namin. Yung tipong halos apat na oras ka sa computer shop kakasearch, may chances pa na halos Sampung oras ako na nakaupo as in walang tayuan sa sobrang kamamadali ko para makagawa agad ng lintek na concept na yan.