27 March 2013

Manang's Chicken

Hindi ako fan ng Chicken kasi nga allergic ako dun, madalas kung chicken man ang kakainin ko eh talagang tustadong tustado. Well nahanap ko na yung hinahanap ko.
 

Bago lang to sa Mall sa amin, pero parang nakaktakam na yung mga pagkain, isa pa dun eh kahit hindi sila unlimited rice eh talaga namang mabubusog ka na din sa Upsized Rice nila. 

Isa pa, mura lang may panulak kana. Nung binabasa ko yung nakalagay sa pader nakalagay dun na dati parang food booth lang sila. 


Ang inorder ko eh yung *Garlic Pork Meal 

Kung mahilig kang kumain ng sinangag at paborito mo ang bawang eto ang para sayo. Nung kinaen ko kasi to kinutsara ko yung bawang sa pork at saka ko ihinalo sa kanin parang naging instant sinangag siya. Yung pinaka best eh talagang yung sauce yung nagkukumpleto ng lasa.. Sa Sobrang laki nung ulam eh parang gusto ko ng iuwi samin kasi hindi ko maubos. 1/4 lang ata yung nakain ko..


23 March 2013

Hoy ikaw!

       Gusto kitang murahin ng harapan "Putapete kang *$# mo ka!" Hindi kita minumura dahil galit ako sayo dahil maganda ka o sexy ka, pero minumura kita at nagagalit ako sayo kasi pakiramdam ko inaagaw mo na lahat ng para sakin. Lahat! lahat! nung una akala ko tahimik ka, pero habang tumatagal na nakakasama kita nagiiba ka! Akala ko hindi tama yung mga pinagiisip ng mga tao sayo, pero toto pala. ganun ka pala. Ang dami kong inis sayo kasi pakiramdam ko lahat nalang ng bagay na ginagawa ko eh ginagawa mo na din. 

Pati sa pamilya ko, pakiramdam ko ako yung walang halaga sakanila dahil ikaw yung napakikinabanggan nila! Ikaw na yung paborito nila. Katulad kanina, habang abala kayo sa pag aayos ng mga lulutuin ako nasa isang tabi hindi na halos makausap ni mama kase kausap ka. Pumasok nalang ako sa kwarto para umiyak. Damang dama ko yung naglalagablab na galit at poot sa sarili ko at sayo. Kung tratuhin ka nila parang pamilya na tapos ako parang hindi na. Ikaw nga inaalok ni kuya o at o papa o mama pag kakaen tapos ako hindi. Parang napaka Spesyal mo para sakanila. Pati sa tindahan, kung tignan ka ng tao parang may suot kang korona

Ang ganda at sexy mo kase, yun yung ginagamit mo para makuha mo yung gusto mo at para habulin ka ng mga tao. (Oo. aminin na natin na naiinis ako sayo kasi halos lahat ata ng lalake na nakakakita sayo nagkakagusto agad sayo, naiingit ako? kase ikaw ang dami gusto manligaw. Pero anong ginagawa mo? pinaaasa mo lang sila, kung minsan pa ata pineperahan mo lang eh.) Minsan gusto kong sabihin sayo na NAPAKA-ARTE MO! Ang daming lalakeng nagkakagusto sayo tas choosy kapa.  Ano ka Maria Clara? o Baka Maria Osawa? Hindi lang nila alam yung Baho na tinatago mo. 

Pati nga sa kwato ako pa dapat ang maglinis kasi kwarto ko yun. Ikaw bisita ka eh.  Pati yung mga nalalagas mong buhok sa C.R. ni hindi mo manlang pulutin at itapon sa basurahan. Sakin pa nagagalit si papa pag may mga buhok sa lapag. Hanggang kelan kaba sa bahay? sana umalis kana para hindi nako naiirita pa sayo!!!!


                                                                                                    Ang naiinis,
                                                                                                       Avii





06 March 2013

Hindi ko talaga maipaliwanag

Naranasan niyo nabang mapunta sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan o mga eksena na hindi mo inaasahan, mga taong hindi mo kilala? Sa panaginip malamang "oO". Yun bang kung minsan yung panaginip mo eh parang or nangyari na sa tunay na buhay? *De javu or minsan "Premonitions" Sa totoo lang napakadami kong tanong sa sarili ko na hindi ko maipaliwanag lalo na pag pinaguusapan ang mga panaginip. 

Madalas pag nananaginip ako, lahat ng detalye natatandaan ko. Ultimo kulay ng damit, pangalan, lugar or kung ano pa man. At madalas pagkatapos ng panaginip ko, nagigising na agad ako. Madalas din sinasabi ko kaagad kay mama yung panaginip ko habang presko pa sa isip ko. Minsan nga yung panaginip ko hindi lang isa o dalawang beses na nangyayari sa totoong buhay. Minsan naman parang isang pelikula. (Sabi sakin ng tatay ko kaya daw ganun yung mga napapanaginipan ko kasi sa madalas kong panunuod ng mga palabas) Kung tutuusin tama siya kasi may mga panaginip ako na parang nakuha sa eksena sa mga palabas. Pero may isa lang akong palaging tanong sa sarili ko at sa mga panaginip ko. Bakit?? 

Naranasan niyo naba na yung habang nananaginip kayo eh kaya mong manipulahin yung mga mangyayari? Halimbawa: yung eksena eh may mahuhulog sa hagdanan, tapos parang hihinto yung scene tapos ikaw mismo na nananaginip sasabihan mo yung mahuhulog na wag dumaan sa hagdan kasi mahuhulog siya. Tapos biglang magpaplay at hindi nga siya dumaan sa hagdan. Yung ganun ba? naranasan niyo na ba yun?? Ako kasi madalas namamanipula ko yung panaginip ko. Katulad nalang nung isang linggo.

May pinatay akong bata, pero parang hindi ako satified sa ginawa kong pag tulak sakanya kaya inulit-ulit ko yung eksena kung pano ko siya itinulak. Yung una, nabagok siya, yung pangalawa, tumama yung dibdib niya sa kanto ng pader, at yung huli eh natusok siya ng payong sa dibdib. Nakakakilabot pero yun talaga yung panaginip ko.


Hindi ko alam kung ano itong mga nagaganap sa sarili ko, simula pa nung bata ako ganito na talaga ko. Sabi naman ng isa kong kaibigan kaya madalas naaalala ko yung lahat ng detalye ng panaginip ko kasi mabababaw daw ako matulog kapag nananaginip na, at isa pa kaya pa daw ganun kasi malapit na daw ako magising kapag nanaginip ako.

Minsan nga tumama si mama sa lotto dahil sa sinabi kong nanaginip ako ng nanalo kami sa lotto. Maliit lang naman pero nakakagulat lang. 

May isa pa: Yung time na bago magkatsunami sa japan, napanaginipan ko yun a month bago yung kalamidad na yun. Akala ko nga hindi magkakatotoo yun kasi napakalaking problema yun, pero ayun nangyari. 

This year may napanaginipan nanaman ako na mangyayari, natatakot akong sabihin kasi baka magkatotoo, pero sana wag naman kasi napakalaking trahedya yun. haist. knock.knock.knock on the wood.



01 March 2013

Superb!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama ko sa isang Birthday party ang mga classmayts ko. Madalas kasama ko sila pag may shot. Pero sa totoo lang, eto na ata yung pinaka malala at IMBAng Session na naganap. 


                                     Birthday ni ElyBugan noong Feb. 23

Pero bago pa kami magpunta sakanila eh sinabihan na niya kami almost a week before the party. Bawat isa samin ay may mga toka na dadalhin. Halos lahat nga kami ang dinala ay tag-iisang litro ng alak. Whew. Kaya sa una palang alam ko na na babaha ng alak nung araw na iyon. Well, sakto naman kasing wala kaming pasok kaya ok lang.



Syempre wala ako sa eksena kasi ako photographer nila. hahah ^_^

Ang gulo ng lamesa


 
Tipsy na halos lahat. Yung iba "Lumilipad" na




  
Yeah!


Sa kabuuan eh halos lahat kami ay bangenge lalo na ko. hahahha

Dumating nga sa point na hindi ko na alam mga pinagagawa ko. Gusto ko na umuwi pero ayaw nila ko pauwiin kasi nga lashhheeennng na daw ako. First time kong maramdaman yung ganito. Hindi naman ako mabilis malashing eh. Pero siguro dahil na din talaga sa dami ng nainom. 

Nagpapasalamat ako ng marami sa mga kasama ko kasi kahit ako nalang yung natitirang babae nung time na yun eh hindi nila ko pinabayaan, pati yung mama ng may birthday inaalalayan ako. Nakakataba lang ng puso na malaman mong may mga taong handa palang magmalasakit sayo. Hindi ko pa naranasan sa taya ng buhay ko yung ganung eksena. Pero syempre hindi ko nauulitin. 

Nagpaumaga na kami ng kasama ko kasi nga hindi ko talaga kaya umuwi ng ganun yung itsura ko. Halos maya't maya ang suka ko. Haist. Sabi ko nga sa sarili ko habang pauwi "Hinding hindi na ko iinom!" *Pero dahil may graduation party pa daw sabi ni ELYBUGAN eh isantabi ko na daw muna yung pangako ko hanggang graduation. Pero this time Control na gagawin ko. Hindi yung pag ipinasa na sayo yung tagay kahit alam mong hindi mo na kaya eh iinumin mo pa.