Unang una sa lahat, binabati ko kayong lahat ng maligayang araw ng mga puso/Happy hearts day. . . . . . . . .
Hmmmmm hindi ko alam pano ko sisimulan ang kabanatang ito. Wala ako halos maisip na sabihin dahil hindi gumagana ang utak ko. Marahil siguro wala akong inspirasyon sa ngayon. Ang hirap kayang magsulat ng hindi mo alam kung san patungo yung sinusulat mo, parang "pinipilit mong makaapak sa ulap". Nitong mga nagdaang araw marami akong napansin, sa pang araw araw tulad ng:
>> To be continued. . . .

- Ngayong valentines day ang daming mga pakulo ng mga taong nagmamahalan, Nakakatuwa lang isipin. At sa totoo lang ako? hindi pa ko nakakaranas na magcelebrate ng Valentines day. EVER!
- Nadapa ulit ako last friday bago umuwi, and this time may nakakita na sakin. Sobrang ewan ko ang clumsy ko oh nagtatangatangahan lang.
- Madalas akong atakihin ng Asthma ko ngayon, halos gabi gabi. Minsan hindi ko nalang ipinahahalata kay mama kasi ayoko magalala siya.
- Napapansin ko palagi yung sitwasyon ko, kasi sa april graduation na at talagang nadodown ako.
- Dine-date ko nanaman sarili ko magisa sa Cinehan, tapos kakain ako ng MCDO.
- Tuluyan nakong naadik sa laro sa Quantum. Madalas kulang pa ang 200php sakin kasi laging talo. Pero mas malala yung mga kakilala ko dun, natatalo sila ng higit sa 2k. Grabe diba? Ewan! iba kasi yung pakiramdam kapag nananalo, ang sarap sa pakiramdam.
- Akward palagi kapag madaming taong nakapaligid sakin. Yung parang gusto kong maglaho sa bugkos ng mga taong nakapaligid.
>> To be continued. . . .
happy valentines din mareng keizha. <3
ReplyDelete