19 February 2013

This is your fault!


Kaya ako hindi madalas makapag blog kasi eto yung dahilan! Mas madalas ko ng gamitin to kesa magblog. Dito kasi ako lang yung nakakabasa. At marami dito eh talagang sikretong malupit. Eto din yung parang ginagawa kong hobby pag nasa bahay ako. Halos lahat lahat ng tungkol sakin nadito. 

Yung una kong Diary eh yung kulay itim na may heart na may nakasulat na Hello Kitty, eto yung time na sobrang dami kong experiences sa buhay na hindi ko dapat makalimutan. May mga picture din siya sa loob. Parang Blog lang din pero eto its more on Creative work ang kailangan saka Handwriten siya kaya para sakin sobrang challenging kasi pangit ako mag sulat. Dito din sa first book ko nakalagay yung mga Revelations sa buhay ko.

Yung isa naman yung may mga flowers yung 2nd book ko na kasi punu na yung una. Eto naman yung latest kong pinagkakaabalahan.Karamihan dito eh puro litrato, at about sa love.

Kaya sorry mga katropa kung madalang ako magblog. hehehe. Pero nagtatakda naman ako ng time para sa blog ko. ayoko namang iwang nakatiwangwang to.




17 February 2013

Ang Dirty Ice Cream



Gawang Cavite State University tong ice cream na to, hindi ko lang alam kung sa HRM o ENTREP tong produkto na ito pero grabe! Ang sarap! Nung unang beses kong matikman to akala ko Cheese at Avocado ang flavor pero nung sinabi na "Spinach at Kalabasa" OH MY GULAY!! Yung dalawa pang gulay yun yung pinakaayaw ko yun. Pero sa totoo lang masarap siya. Hindi mo aakalaing gawa sa gulay. Medyo may mali lang ata kasi ako madalas pag kumakain ako alam ko yung lasa, dito kasi parang naover power yung tamis, or baka yun lang talaga yung goal nila?? Ang hindi malasahan yung gulay? Sabagay, kung sa bata kasi hindi nila malalaman na gulay to kaya ginawang ice cream.

15 February 2013

It's A Brand New Day

Unang una sa lahat, binabati ko ang sarili ko dahil nalagpasan ko ang pait at pighati ng nagdaang Valentines Day. :) Pero syempre, masaya ako para sa ibang nagmamahalan. Hindi naman ako bitter eh. 

Kahapon, pumasok ako ng bandang alas-dos. (dapat 3pm pa ko papasok, ang kaso inaantay ako ng kagrupo ko sa Soft Eng. Kailangan daw ng tulong pinansyal ko kaya maaga ako pumasok)  Pag dating ko, nagbayad na din ako ng tuition, fully paid para wala ng problema pa. Halos kalahating taon ding itinago yung pangbayad ko sa tuition. Ibig sabihin ngayon lang ako nakaenroll. *Iba talaga sa school, kahit pumasok ka ng hindi ka pa enroll ay pwede basta may pre-registration ka. Kaya madalas ng nakikita ko na nagbabayad eh yung bang pag malapit na matapos ang semestre.

Kanina sa NSTP2, nagsimula na yung pag punta namin sa barangay. Sobrang nakakastress pag pumupunta sa isang komunidad na hindi mo halos kilala yung mga tao, ang dami mong naiisip na hindi magaganda. Pero tama ako! Kanina habang nagiikot-ikot kami para magtanung tanong kung ano yung mga kinakailangan ng barangay eh may isang babae na nagiigib ng tubig na nagalit samin. Una dapat tatanungin namin siya ukol sa hinaing niya sa barangay, bali ipagiigib nalang sana namin siya kaso NAGALIT!! Bakit daw namin siya iniistorbo eh may ginagawa siya. Eh di umalis kami. Nagpunta kami sa kabilang bahay tapos sinigawan nanaman niya kami. Hinaharangan daw namin yung daanan. Haist. Nakakatakot. Kung tutuusin tinutulungan namin siya para mapabuti yung barangay nila ayaw pa niya. Pagkatapos namin magikotikot eh pinauwi na kami ni mam..  (*Haist! nakalimutan ko yung folder na pinahawak sakin ni mam! Ngayon ngayon lang habang nagtatype ako!? Sa monday ko ibabalik! huhuh. Kung hindi pako nag blog ngayon di ko maaalala, san ko kaya nailapag yun?)

Umuwi kami at dito kami dumaan, sabi nung punung barangay mas madali daw ang daan dito kumpara sa dinaanan namin kanina. Madaling daan nga kaso napakainit!

At eto ang itsura ko kanina bago pumasok. Antok pa tapos halatang puyat kasi ang laki ng eyebag.
 
 At ngayon, malamang lagot ako kay mam sa monday kasi naiwala ko yung folder. huhuh. Sana makita ko pa yun sa MCDO ko ata yun naiwan. :(







14 February 2013

Random Thoughts

Unang una sa lahat, binabati ko kayong lahat ng maligayang araw ng mga puso/Happy hearts day. . . . . . . . . 

Hmmmmm hindi ko alam pano ko sisimulan ang kabanatang ito. Wala ako halos maisip na sabihin dahil hindi gumagana ang utak ko. Marahil siguro wala akong inspirasyon sa ngayon. Ang hirap kayang magsulat ng hindi mo alam kung san patungo yung sinusulat mo, parang "pinipilit mong makaapak sa ulap". Nitong mga nagdaang araw marami akong napansin, sa pang araw araw tulad ng:


  •  Ngayong valentines day ang daming mga pakulo ng mga taong nagmamahalan, Nakakatuwa lang isipin. At sa totoo lang ako? hindi pa ko nakakaranas na magcelebrate ng Valentines day. EVER!
  • Nadapa ulit ako last friday bago umuwi, and this time may nakakita na sakin. Sobrang ewan ko ang clumsy ko oh nagtatangatangahan lang. 
  • Madalas akong atakihin ng Asthma ko ngayon, halos gabi gabi. Minsan hindi ko nalang ipinahahalata kay mama kasi ayoko magalala siya.
  • Napapansin ko palagi yung sitwasyon ko, kasi sa april graduation na at talagang nadodown ako. 
  •  Dine-date ko nanaman sarili ko magisa sa Cinehan, tapos kakain ako ng MCDO.
  •  Tuluyan nakong naadik sa laro sa Quantum. Madalas kulang pa ang 200php sakin kasi laging talo. Pero mas malala yung mga kakilala ko dun, natatalo sila ng higit sa 2k. Grabe diba? Ewan! iba kasi yung pakiramdam kapag nananalo, ang sarap sa pakiramdam.
  •  Akward palagi kapag madaming taong nakapaligid sakin. Yung parang gusto kong maglaho sa bugkos ng mga taong nakapaligid. 


>> To be continued. . . .