13 September 2012

Thoughts

Kahapon, bago ako umuwi ramdam ko ang lungkot sa aking kalooban. Parang nauupos na kandila, pero hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil na din sa pagod at mga problema. Para bang naglalakad ako ng walang patutunguhan. Ang dami kong naiisip.. Minsan ko pang binanggit ang mga salitang ito: "Magaling naman akong umarte, madali akong matuto. Kung tutuusin pwede akong maging artista. Pero ano ba ako kumpara sa mga nagseseksihan at nagagandahang babae sa industriya ng showbiz?" nakakatawa kung tutuusin, kasi hindi ko alam kung bakit ito yung mga iniisip ko. Para bang yung mga nagnanarate ng buhay nila habang naglalakad.. Depressed lang siguro ako, o baka baliw na talaga?
Lagi akong may naiisip, segusegundo ata. Halos di ko mabilang, minsan halo-halo, minsan walang koneksyon sakin. Madalas lagi kong hinahawakan ang leeg ko, pag nararamdaman ko yung tibok ng puso ko, pilit kong pinauunawa sa sarili ko na buhay ako at dapat maging masaya ako. Tapos bigla akong hindi hihinga, pero ramdam ko padin yung tibok.. Kung minsan malakas, mabilis, minsan naman mabagal at minsan para bang humihinto.

*Thinking??

2 comments:

  1. napadaan lang haha! at mukang napapadaan din ang emosyon mo sa sa mga oras na wala kang maramdaman kundi pagod ah.. kaya ka minsan nakakapag isip ng malalim : )

    uy virgo ka teh malapit na bday mo haha!

    ReplyDelete
  2. Actually tapos na nga ehh.. heheheh
    well thnx sa pag daan

    ReplyDelete