24 September 2012

Madaling araw



Well ano ba? andito nanaman ako para mangulo. Wala ako magawa eh, hinahanap hanap ng katawan at laman ko ang pagboblog. Hindi na siguro bago sakin to kasi may diary ako. D ako makatulog ngayon. Alas dos na ng umaga at eto ako, gising na gising pa ang diwa. Halos di makaramdam ng antok man lang. Ang dami tumatakbo sa utak ko, at kasama kana dun. Oo ikaw na nagbabasa. :) bukas pasok nanaman, walang katapusan ata tong pag aaral ko eh. Nakakasawa na lalo na maaga ako pumasok 3years old palang ako kinder na! WTF diba? Kaya siguro tinatamad nako. Eh ano ba magagawa ko? yun ang gusto ng mga magulang ko eh. 

Maiba ako,may kwento ako pero alam ko at malalaman ninyo na masyadong personal itong sasabihin ko. Pero kasi talagang nakakagulat lang talaga. Tsismis to, tungkol sa isang babaeng well sabihin na nating maganda siya. Maganda para sakin kasi madalas pag nakikita ko siya eh talaga namang tinititigan ko. Pero hindi kami close. masyadong malayo ang agwat niya sakin (Hindi yung age, kung hindi yung pagkasosyal) Nung una gusto ko talaga siyang maging kaclose, kaya lang alam kong hindi pwede. Dahil ba social siya? Well, lately ko lang narealize na Social climber pala siya at panget ang ugali niya. Hindi ako insecure sadyang wagas lang talaga siya makapanlait, kahit sa anong paraan. Parang yung tingin niya sa sarili niya dyosa. Ahh basta... May inaway kasi siya sa isang social net site na talaga namang nakapukaw ng aking pansin. Literal at wagas makapagsabi ng Panget! grabe. okay tapus na tayo dun, ngayon natatawa ako sakanya. Bakit? Kasi mas may masahol pa palang magenglish kesa sakin. hahahhaha.. Basta, hindi ko alam kung joke yun or totoo pero parang grade school. Anyway, ang sakin lang naman,eh kung alam mo ng mali, wag mo ng tangkaing sabihin sa harap ng maraming tao, mas ,mabuti ng sabihin mo sa lenguahe na alam mo kesa magmukha kang katawatawa.. haist.. ewan ko ba.....

No comments:

Post a Comment