04 September 2012

Birthday? or whatever!!

Kahapon birthday ko, pero hindi ako masaya. Expected ko na yun, ganun din kasi last year pero kala ko worst yung ngayon. Walang handa. Walang extra baon. Ok lang. ganun talaga. Ang mahalaga ay humihinga pa naman ako at nagpapatuloy sa buhay. Kaunti lang ang bumati sa personal, di na rin ako makapag hintay na magbukas ng Fb. kasi alam ko madami babati sakin. Buti nalang kahit papano, nairaos ko ang bday ko ng maayos. Kasama si Foodbuddy sa tambayan namin. *ChickBoy. At kahit isang daang piso lang ang natitira kong pera ay nakakain ako. Masaya naman kasi may nakadamay ako kahit papano. Dinaan ko nalang sa pag ngasab ng kanin na may mantika, at pag nguya ng Cebu Letson ang nararamdamang kong kalungkutan.. Pagkatapos ay bumili kami ng paborito namin chocolate. At tumambay sa isang convenient store tapat ng kinainan namin. Kwentuhan, kung ano ano. Pakiramdam ko nung mga oras na yun nakalimot ako. Nakalimot na kaarawan ko pala. 

No comments:

Post a Comment