Wednesday kaya wash day.. Papasok na ko nun, and sinabi ko sa sarili ko na after ng klase punta ko kela Bheboy. Mothsarry kasi namin.. Biglang nagtext si claris na may pahanda daw sya at shot. So im so fucking naipit.. Its either hindi ako papasok at pupunta sakanila, o pupunta kela bheboy, o papasok nalang. Pero midterm kasi namin yun kaya talagang pumasok ako, inisip ko nalang ganito gagawin ko.
- Papasok muna ako hanggang 7.
- Dadaan ako kela bheboy para naman hindi niya sabihin na nakalimutan ko. *actually siya nga hindi ako binati.. :(
- Uuwi muna para magpaalam kay mama..
- Tapos dadaan nako kela Claris..
- Tapos uuwi na...
- sinabi ko kay bhe na sama siya...
Mga 4pm nagcut ng klase dahil meron daw paparating na bagyo, so happy ako mas makakapunta ako ng maaga kelan bheboy, yun nga lang inabot ako ng 5:30 ata? nag Mcdo pa kasi kami ng mga classmate ko..
*kung ano inorder nila jen yun nadin yung samin.. hahaha.. Di kami natinag ni Paul kumuha ng tag isang baso ng gravy.
Tamang kwentuhan ng kung ano ano, about school, election ng CS, mga kwentong CS lang ang nakakintindi, yung Breadboard ni paul atbp. Nahiya kami kaya yung gravy ginawa naming soup, kasi pinagtitinginan na kami, naubos namin yung isang pitchel ng gravy.. hahahha..
After 10mins:
Parang dinaanan ng hanging habagat yung table namin.. hahaah.. Simot yung gravy, kalat kalat yung tissue, pati yung ketchup. Kala mo mga kakatayin na kinabukasan..
The jeep:
Uwian na, ako si paul, mia at yung classmate ni mia. Magjejeep ako kasi nga para deretso na sa bahay nila bheboy.. Sa jeep wala kaming ginawa kung hindi magtawanan, nagalit na nga ata si manong driver.. Pagbaba nila mia sa PCI. kami nalang ni paul ang nagkwentuhan, About BULLY!!! hahahah.. Parehas pala kaming Tampulan ng tukso. Well ganun naman ata talaga pag malulusog?? Anyway.. Naalala ko yung mga ginawa ko nung elementary days ko especially nung grade3.. hahah.. Siya din nagkwento. . Tawa much kami kahit sobrang akward na dun sa loob ng jeep kasi kami lang yung maingay, eh ako lakas pa ata ng boses ko...
Mas na una siya bumaba, nung pagbaba niya, wala ng maingay, nahiya nako sa mga tao sa loob.
Bheboy's House:
Pagkadating ko sakanila, pupungas pungas pa siya, malamang kagigising niya lang, parang ang gloomy nung time na yun.. As usual, ganun padin.. Kwarto moment... Tamang lambingan, kwentuhan, yung mga ginawa this past few days. Ayoko na masyado idetalye yung moment na to. Binigay ko sakanya yung Keychain na pinagawa ko lastmonth pa.. Alam niya aalis ako, gusto ko sana kasama siya para dun din namin icelebrate yung motmot namin para makabonding siya ng mga tropa ko, kaso mas pinili niya dun sa COG eh, ayoko naman siyang pagbawalan baka sabihin niya sinasakal ko siya..
OTWSMDASMA:
Magpapaalam ako kay mama, para alam niya kung san ako pupunta, at uuwi din ako ng bahay.. Hirap magpaalam, nakakaiyak sabi ko nalang "Ma!, buti nga nagpapaalam eh, kesa hindi diba?? uuwi din ako" ayun pinayagan nako. Pero saglit lang daw ako... Binigyan niya ako ng Bente dagdag pera.. :)
Thebirthday:
Past 8 nako nakaalis at nakasakay ng bus papuntang silang. Hirap, kasi gabi na at maulan pa, buti dala ko payong ni mama. Sa sobrang takot ko lumagpas, tumayo nalang ako at nagmamasid masid. Sakto natandaan ko yung gas station, kung hindi sosobra talaga ako ng ilang kilometro.. Malakas ang ulan, para akong nakikipaglaban kay Poseidon! Hanggang tuhod na yung basa ng pantalon ko, nilalamig nako, at parang sisipunin.. Mahirap sumakay ng trycicle ng mga oras na yon dahil na din gabi, at maulan. kaya nagpasya akong maglakad lakad baka sakaling may mapadaan na tyc. na pwede sumabay. Sakto naman si manong pinarahan ako, at pinasakay. Backride ako kaya super basa na talaga ako. Hindi ko naman mabuksan yung payong kasi baka masira pag humangin, maya maya tinanong ako ni manor driver kung saan daw ako. Sabi ko sa may calubcob, tapos maya't maya na siya tanung ng tanung. Hindi ko nga alam kung kakausapin ko siya kasi baka mamaya may masamang balak siya sakin, sabay sabi niya.
"nene, teka lang ha , sama ka muna sakin ihahatid ko lang yung pasahero dito lang malapit.."
Bigla akong kinabahan, sobrang natakot ako. Sabi ko wag na po, bababa nalang ako, pero sabi ni manong driver, saglit lang naman daw. Ihahatid niya yung nasa loob ng tryc na pasahero. Eh wala na ko magawa eh.. Habang tinatahak namin yung kalsada, sobrang dami kong naiiisip, Baka dalin ako sa damuhan, Habulan gahasa kami, tapos Papatayin niya ko gamit yung payong ko.. Buti naman hindi.. At hinatid niya talaga ako sa patutunguhan ko.. Pagbaba ko, makalas padin ang ulan.. Sarado ang gate, tinext ko si claris at ayun presko, binuksan ni russ yung gate. Mahirap ang daan papasok ng bahay nila, dadaan ka muna sa Bulto bultong aso, maputik na daan, at lalangoy sa kumunoy.*joke. Pagpasok sa bahay, halos patapos na sila.. hahhaa. hinandaan ako ni claris ng Manok at *isang Bundok ng KANIN. akala mo bibigtiin nako kinabukasan. hahhaha.. Kain, shot, picture,! yan ginawa namin.. Kinarga ko yung baby nila ni russ sobrang cute talaga..
*Claris and Church*
Happy sana kung kasama ko si bheboy.. Walang ginawa yung asawa ni claris kung hindi sumayaw ng sumayaw.. hahhahaha.. Tas nag photoshoot kaming tatlo nila Anne, Claris, Ako. (Wala pa yung photo.)
Hindi ako uminom ng todo kasi ayoko lang.. ahahah.
Byaheng Langit:
Uwian na, kasama si Anne at Don.. Gabi na kaya medyo mahirap sumakay. Kalaban pa namin yung lamig ng panahon.. Sa jeep, Harurot si manong driver.. GRABE!!! Pero advantage din kais mas mabilis mas makakauwi ng maaga.
NINJA MOVES:
At last nasa tapat nako ng bahay. Exhausted and giniginaw. Confident ako na madali akong makakapasok ng bahay, Pero HINDE!!!!! *sabi ni mama bubuksan niya lang yung pinto, hindi niya idodouble lock. So tinry ko na buksan ng dahan dahan yung pinto gamit ang susi.. Pero ayaw bumukas! Damn! Ayoko gumawa ng anumang ingay kasi baka magising Si Ka Roger at Makitang nasa labas ako.. *bugbog sarado ako nung malamang.. Naghanap ako ng paraan.. Nakita ko na bukas yung isang BINTANA. *dati nung bata ako, dun ako lagi dumadaan.. Kaya yun nalang yung last chance na naisip ko para makapasok ako ng bahay, kung ayaw kong matulog ulit sa labas ng bahay habang umuulan..
Dahan dahan kong binuksan yung bintana ng walang ingay, at nananalangin na sana walang magising. (para akong magnanakaw) Ipinasok ko muna yung bag ko sa loob, pinatong ko sa lamesa malapit kasi yun sa bintana kaya abot na... Dahan dahang umakyat patagilid. (kasi kung hindi tagilid malamang hindi ako kakasya) At nag ala Catwoman ako. hahahah.. YeS!! nakapasok na din.. Biglang natamaan ko yung upuan! SheT!! bigla akong nagmadaling isinara yung bintana at tumakbo papasok ng kwarto.. Nagpalit ng damit, tootbrush at humiga ng masaya.. Tulugan time na..
The end
Ps: After this, nagbreak na kami ni bheboy, sahil sa hindi maipaliwanag na dahilan..
Pag heartbroken talaga masyadong mahaba yung nagiging post ko
No comments:
Post a Comment