http://trafficlightsandcitydust.blogspot.com/ Kindly follow me. thank you.
04 August 2015
02 May 2015
Pamilya
Habang kumakain ako sa paborito kong fastfood simula pa pagkabata, may napansin akong isang pamilya sa sulok ng pwesto ko. Mag-asawa at kasama nila ang anak nila na kung susumahin ko ay nasa tatlong taong gulang. Simpleng pananamit lamang ang bihis nila. Habang inaantay ko yung order ko ay dumating na yung order nila. Pinagmamasdan ko silang mabuti. Pagkalapag ng pagkain nila, etong si nanay ay hinimay agad ang mainit na manok para kay anak habang si tatay naman ay tinatanggal sa balot ang mainit na kanin para hipan at ihanada para kay anak. Bago pa sila kumain ay nagdasal muna sila at pagkatapos ay kumain na sila.
Nakakatuwa lang isipin na sa panahon ngayon may mga pamilya pa rin palang matatag, masaya at magkakasama parin kahit sa hirap ng buhay. Simpleng pamilya na hindi mo iisipin na may mga problema na kinahaharap. Yung mga pamilya na sinusulit yung mga panahon at buhay na ibinigay sakanila ng Diyos para pahalagahan ang bawat isa sakanila.
Yung mga pamilya na kahit na naghihirap ay nakukuha paring tumawa at nagiging matatag sa mga oras ng kasadlakan.
Subscribe to:
Posts (Atom)