Linggo ng umaga nagising ako sa tawag ni inay. Pinabibili ako ng sibuyas at isabay ko na daw yung pagpapagawa ng aking epic na pantalon. Habang pupungas pungas pa ng mata ay dali dali kong kinuha yung pangbili at binitbit yung pantalon ko. Mga ilang hakbang palang mula sa bahay eh may hindi inaasahar pangyayari ang naganap na talaga namang gumimbal sa buong pamilya ko pati na din sakin. SUMISID AKO SA KALSADA!! *Nadapa! as in DAPA! PLAKDA! UNA HARAP. hahaha Pinagtawanan ko pa nga sarili ko kasi napakatagal na na panahon bako ulit ako nadapa.Buti walang nakakita. :) Peo habang tumatayo ako nararamdaman ko yung sakit, hapdi, at napahagulgol ako sa sakit. Yung mga oras na yun parang tumigil yung panahon. Nakakahiya man sabihin pero talagang takot ako sa sugat. "Kalaki kong tao takot sa sugat" Sa totoo lang konting gasgas, at pilay lang ang natamo ko pero halos 3 araw kong dinamdam ito. Naging Usapan din to sa eskwelahan kasi pumasok ako na may Gaza sa siko. Pag sinabi kong nadapa ako. Natatawa sila. Haist. Nung ipinagamot ko sa clinic ng school namin eh talaga namang iyak ako eh. hahha
Yan yung natamo kong sugat/gasgas.
Sariwa pa kaya hindi kita pero ngayon Mukha na talagang sugat..